(Celine’s POV) Kung may natutunan ako nitong mga nakaraang linggo, isa lang: ang buhay kasama si Lance ay parang roller coaster— walang seatbelt, full speed, minsan nakakatakot pero lagi kang may kasamang humahawak ng kamay mo. Pero ngayong gabi… mag-isa lang ako. Nakaupo ako sa desk sa condo, staring at my phone. Doon sa screen nakapako ang message mula sa anonymous sender: “Meet me. I have more files. But you can’t trust everyone inside the industry.” Kasama ang isang pin location. Café malapit sa Pasig River. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya, hindi si Lance, hindi si Armando. Ako. “Hala, parang Netflix series ‘to,” bulong ko sa sarili. “What if catfish lang? What if scammer?” Nag-type ako ng mabilis na message kay Lance: “Busy ka ba later? May kailangan lang akong

