Pagkatapos ng nakakakabog na pakikipagkita kay “Whistle,” ramdam pa rin ni Celine ang adrenaline sa katawan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o matuwa, kasi sa gitna ng lahat ng seryoso at mabigat na anomalya na ibinunyag ng misteryosong source, heto silang dalawa ni Lance—nagkukulong sa isang pedicab na parang mga college students na tumatakas sa curfew. At doon nagsimula ang isang bagong inside joke. “Celine, seryoso ka ba? Pedicab?” bulong ni Lance, nakayuko at halatang hindi komportable. Nakatupi ang matangkad niyang katawan, halos hindi na makagalaw, at ang tuhod niya ay halos tumatama sa mukha. “Eh ‘di ba gusto mong umiwas sa mga reporter? Wala namang mag-aakala na CEO ng Zamora Group nakasakay sa pedicab na may tarp cover, parang delivery ng gulay,” sagot ni Celine, p

