(Celine’s POV) Pagkatapos ng epic tusok-tusok night market adventure namin ni Lance, halos hindi ko pa rin mapigilang matawa habang binabalikan ko sa isip ang hitsura niyang namantsahan ng sauce at na-splatter-an ng mantika. Pero habang binabaybay namin ang kalsada pauwi, nagbago ang atmosphere sa loob ng kotse—mula sa halakhakan, naging tahimik pero komportable, may kakaibang kilig na gumagapang sa dibdib ko. Nasa expressway kami, at tanging mahinang tugtog mula sa stereo ang pumupuno sa katahimikan. Paminsan-minsan, sinisilip ko si Lance habang hawak niya ang manibela—focus siya sa pagda-drive, pero may pilyong ngiti sa gilid ng labi niya. “Hindi ka pa rin makaget-over, no?” bigla niyang tanong, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Anong hindi makaget-over?” tanong ko, nagkukunwarin

