(Celine’s POV) Pagpasok ko sa boardroom, ramdam ko agad ang bigat ng atmosphere. Lahat ng directors, managers, at si Lance mismo ay nakatingin na sa malaking projector screen kung saan naka-flash ang pangalan ng bagong VIP client: Aurora Luxe Hotel, Clark Development. Isa ito sa pinakamalaking hospitality brands sa Southeast Asia—at kung makukuha namin ‘to, siguradong magbibigay ng malaking boost sa kumpanya. Huminga ako nang malalim habang inaayos ang files ko. Kaya mo ‘to, Celine. Ito na yung chance mo. “Alright team,” boses ni Mr. Rodriguez, isa sa senior board members. “We’re here to hear the design proposals for Aurora Luxe. Let’s impress them.” Paglingon ko, sakto namang nagtagpo ang mga mata namin ni Lance. Siya ‘yung tipong naka-relax lang sa swivel chair niya, pero alam kong b

