Lance POV: Pagkasakay ko sa sasakyan, hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa sarili ko. Habang nagda-drive palabas ng basement parking ng condo ni Celine, bigla kong naalala ang mukha niya nang buksan niya ang pinto kanina—gulo-gulo ang buhok, hommie vibes, walang arte at mske up pero gandang ganda ako sa kanya, nakangiti, at ‘yong tawa niya na parang may sariling playlist sa utak ko. “Grabe, Lance,” bulong ko sa sarili ko habang nakangiti na parang sira. “Ikaw na nga itong CEO na sanay sa pressure, pero isang babae lang na may coffee mug, nagkakandarapa ka, at nababaliw.” Nasa EDSA na ako pero ang utak ko naiwan sa sala ni Celine. Naaalala ko kung paano nagdikit ‘yong tuhod namin kanina—at kung paano ko halos hindi na natiis na hawakan siya. Tawa ako nang tawa mag-isa habang na

