(Third-person POV ) Ang araw sa Clark ay sumisilip mula sa mga ulap, at may malamig na hangin na dumadaloy mula sa Zambales mountain range. Dumating ang convoy ng Zamora Group para sa regular site inspection ng halos tapos nang Clark Project. Sa unahan, bumaba mula sa SUV si Armando Zamora—ang kilalang European architect at estriktong CEO ng kanilang Germany-based firm, at siyempre, ama ni Lance. Naka-white polo at dark slacks siya, bitbit ang leather folio na may mga sketches. Kahit sa edad niya, matikas pa rin ang tindig—isang presensya na kayang patahimikin ang buong boardroom. “Eighty percent na raw ang progress,” bulong ng isang engineer. “Pero alam mo, mabusisi ‘yan si Mr. Zamora,” sagot ng isa. “Kahit maliit na detalye, mapapansin niya.” Sa kabilang banda ng site, may mga worke

