Mainit ang aroma ng kape habang nagsimula silang magpahinga sa field tent. May mahaba at mahabang mesa na may thermos ng kape, paper cups, at ilang pandesal. Si Lance ang pumasok na may dalang dalawang tray ng iced americanos at cappuccinos. Lance: “Coffee delivery, mga boss.” Ngumiti siya, at halos sabay na napatigil ang usapan ng mga staff. Celine: (tumaas ang kilay) “Wow, may pa–barista moment ka, CEO.” Lance: “Para sa’yo talaga ‘yan… este, para sa inyong lahat.” Natawa si Celine at kinuha ang isang iced americano. Si Armando, na nakaupo sa dulo, ay nakatingin lang at bahagyang napangiti. Armando: “You didn’t tell me you serve coffee, Lance.” Lance: “Dad, multitasking ako. CEO by day, coffee runner by… well, still by day.” Celine: (natatawa) “Kung may architectural firm ka na at

