(Celine’s POV) Hindi ko akalain na isang simpleng linggo lang ang lilipas mula nang magkaroon ng celebratory dinner sa bahay ng mga Zamora, at ngayon… para kaming nasa gitna ng isang national issue. Sa unang araw ng linggo, halos sabay-sabay nag-ping ang mga phone sa opisina. Notifications left and right. Headline agad sa mga online news outlets: “Major Construction Firms Under Fire: Anomalous Government Contracts Revealed.” Kasama sa report ang ilang pangalan ng malalaking kumpanya. At kahit hindi diretsong binanggit ang Zamora Architectural Group, naroon sa huling paragraph ng article ang isang malabong insinuation: “Certain prominent firms are expected to be reviewed for compliance…” Parang biglang lumamig ang opisina. Yung tipong kahit naka-full blast ang AC, iba pa rin yung malam

