Pagbukas pa lang ni Lance ng pintuan ng boardroom, sinalubong siya ng tunog ng masiglang tawa. Hindi basta-basta tawanan na pang-meeting—ito yung klaseng tawa na puno ng kwento at kumpiyansa. Napakunot ang noo niya, curious kung sino ang nakakatawa sa gitna ng seryosong oras. At doon niya nakita—si Celeste - ang kanyang mama, at si Celine—nagtatawanan habang magkatabi sa dulo ng mesa. Ang mga directors na dati ay tila laging stiff ay ngayon ay parang nagiging audience lang ng dalawa. Si Celine, hawak ang marker pen, animated na nagkukwento habang tinuturo ang isang doodle sa whiteboard. Si Celeste, nakahawak sa dibdib niya dahil sa tawa, parang matagal na silang magkaibigan. "What the - ?"Lance almost froze sa pinto. Hindi niya inaasahan ito. His mom was notoriously hard to impress—lalo

