LANCE’S POV Pagkapasok ko pa lang ng opisina kinabukasan, ramdam ko na agad ‘yung kakaibang vibe. Parang lahat ng boses sa hallway may bahid ng tsismis. May mga bulungan na akala mo mga high school lang na may bagong chika. At kahit anong tangka kong deadmahin, hindi ko mapigilang marinig ang ilang piraso ng mga salita: “Grabe, nakita mo ‘yung ex ni Sir Lance kahapon? Ang ganda!” “Eh di ba may something na daw si Sir kay Celine?” “Baka naman… rebound lang si Celine.” Para akong sinuntok sa sikmura. Ang bigat sa dibdib. Rebound? Para kay Celine? Ang hindi nila alam, matagal ko nang sinusubukang iwasan ang ganitong eksena. Hindi ko siya nilapitan para may mapag-usapan o para may ipagmalaki. Pinili ko siya kasi… siya si Celine. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili

