Celine’s POV Akala ko after nung cook-off fiasco namin ni Lance sa pantry, tapos na ang lahat. Kumain na kami, nagtawanan, tapos move on na. Pero apparently, mali na naman ako. Kasi kinabukasan, pagkabukas ko ng phone… ayun, may nag-forward sa akin ng screenshots. Trending Topic #17 on Twitter: #AdoboLoveTeam Caption: “CEO Zamora and Miss Celine sa pantry showdown: Love served hot!” Napamulagat ako. “Ano ‘to?!” Hindi lang pala sa group chat kumalat yung pictures kagabi. May nag-leak sa outside world. May mga candid shots pa na parang official K-drama stills: ako na may flour sa mukha, si Lance na pinupunasan ako gamit daliri niya, yung moment na sabay kaming nakayuko sa kalan. At yung pinaka-worst—may slow-mo video clip na nilagyan ng dramatic background music na halatang kinuha ng

