Late afternoon na sa opisina. Ang mga papel ay nagkalat pa rin sa mesa, mga screen nakabukas sa CAD at SketchUp, at ang aircon parang wala na ring nagagawa para mapawi ang init ng pressure. Halos lahat ng empleyado ay nakayuko, either nagre-revise ng plans o nagmamadaling mag-render ng presentation. Ang tipikal na energy ng opisina ay medyo drained—puro click ng mouse, sighs, at lagok ng kape. Pero syempre, may mga empleyadong hindi natitinag ng stress, lalo na yung mga natural na “shippers” ng Lance–Celine tandem. “Grabe, parang final boss na itong revisions na ito. Sir Lance, baka naman puwedeng may icebreaker?” biro ng isa sa mga junior architects, sabay tingin sa boss na seryosong nagrereview ng drawings. Napatingin si Lance mula sa mesa, tinanggal ang salamin, at pinasadahan ng tin

