"Ano'ng pinagkakaguluhan niyo diyan?" tawag ni Alyssa mula sa lilim ng beach umbrella, pilit pinapakalma ang tono ng boses kahit kumakabog pa rin ang dibdib niya. Agad na tumingin ang triplets sa kanya, tila nagulat sa bigla niyang pagtawag. Si Snow ang unang ngumiti, bitbit ang isang maliit na seashell na parang trophy. "Mommy, look! I found the prettiest shell!" Ngumiti siya, pilit na ginagawang normal ang sitwasyon. "That's nice, sweetheart. Pero halika na, umahon na kayo. Maghahapunan na tayo para makapagpahinga na rin sa room natin." "Aww... but Mommy, we're almost done!" reklamo ni Callum, hawak-hawak pa ang maliit na pala. "Pwede niyo naman ituloy bukas," sagot ni Alyssa, sabay tingin sa malayong bahagi ng beach - para bang inaasahan niyang may makikita siya roon. Pero wala. O b

