Hemira II 25

1361 Words
Hemira 25 - Pagdating ~Yohan~ "Water Maiden, I humbly summon thee! Nerina release!" Sumulpot na sa tabi ko si Nerina at naramdaman ko na may nabawas na naman sa mahika ko sa pagtawag ko sa kanya. Napahawak na ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko. Pinilit ko pa rin na nakatayo ang mga paa ko sa panghihinang 'to na nararamdaman ko. "N-nerina, tulungan mo kami na—" Natigilan ako nang tingnan ko na si Nerina. Puro paso ang katawan niya at parang hinang-hina rin siya. Para siyang galing sa matinding pakikipaglaban. "Nerina! Anong nangyari sa 'yo?! Bakit ka puro paso?!" Umupo kaagad ako sa harap niya. Hindi ko na ininda 'yung sarili kong panghihina. Tiningnan ko 'yung mga braso niya na pasong-paso pati sa balikat niya at iba't-iba pang parte ng katawan niya. Napayuko siya. "S-si Blas..." Nangunot ang noo ko. "Si Blas ang may gawa sa 'yo nito?!" Tumango siya. "Nakukulitan na siya sa akin tungkol sa pangungumbinsi ko sa kaniya na huwag nang isisi sa sarili niya ang pagkamatay ni Fae kaya umabot ako sa ganito. Ayokong saktan siya kaya hinayaan ko na lamang na ilabas niya sa akin ang lahat ng sama ng loob na kaniyang nararamdaman." May mga luhang tumulo mula sa mga mata niya. Pinunasan niya kaagad 'yon. "Sige. Bumalik ka na muna sa Erresia. Ayokong magpatulong sa 'yo kung ganito na pala ang lagay mo." Tinulungan ko siyang makatayo. Umiling naman siya. "Ayos lamang ako, prinsipe. Kaya ko ang anuman ang labanang iharap mo sa akin. Ngayon mo na lamang ulit ako tinawag kaya nararapat lamang na gawin ko ng tama ang aking tungkulin sa iyo." Nawala bigla 'yung mga luha sa pisngi niya na parang in-absorb n'on 'yon. "AQUA PUGIONE!" Gumawa siya ng mga punyal na tubig mula sa yelong sahig. Sobrang dami n'on at pinalipad niya sa mga Yeti na nasa paligid namin. Pati 'yung mga naninira ng mga puno at nanghuhuli ng mga pixia sa ere, pinatamaan niya rin. "HAAAWWWWWRRR!" sigawan ng mga 'yon sa mga nakuha nilang mga sugat. "Ayos!" bulalas ko sa tuwa kahit na nanghihina ako. Marami siyang na-injured kaya magiging madali na sa kanila ang pagtalo sa mga 'yon. Pati mga Pixia na nasa ere, tuwang-tuwa na sa kanya. Gumawa siya ng alon na maliit lang. Para lang matayuan niya 'yon at pumunta siya sa direksyon ng mga Yeting nagkukumpulan kay Dekel. Hirap na hirap si Dekel sa kanila at nagtatago lang siya sa loob ng mga spikes niya na sinisira na ng mga 'yon. "AQUA GLADIO!" Gumawa ng napakaraming tubig na mga espada si Nerina at pinagsasaksak niya ang mga Yeti na 'yon n'on. Nalasog ang mga katawan n'on sa dami ng mga espadang 'yon. Matutuwa na sana ako pero parang nanghihina na talaga siya. Kagagaling niya lang sa panunusta ni Blas kaya siguradong nanghihina na siya ng sobra pero siya lang talaga ang maaasahan namin bukod kay Hemira. Si Dekel kasi, talagang kinakaya na lang. Ayoko namang pabalikin siya at tumawag na lang ng iba dahil baka masugatan ko ang ego niya. Sabihin pa niya, pabigat talaga ang tingin ko sa kaniya at hindi na magpatawag sa akin. Habang nasa malalim akong pag-iisip, bigla ko na lang nakita na isang Yeti na ang patalon sa likod ni Nerina na hindi niya nalalaman. "Nerina!" tawag ko sa kaniya pero huli na ang lahat. "GAAAAAAAAHHH!" sigaw niya nang makalmot siya n'on sa likuran niya at tumalsik siya sa isang napakalaking bloke ng yelo. Nabasag 'yon at tuluyan nang gumuho sa kanya. "NERINAAAAA!" Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at nang makalapit na ako, binuhat ko agad ang mga bloke ng yelo para alisin ang mga 'yon sa pagkakaharang n'on. "Nerina! Nand'yan ka ba?! Sumagot ka! Nerina!" sigaw ko. Nabitawan ko na sa paa ko ang isang bloke ng yelo dahil sa hindi ko na maramdaman 'yung mga kamay ko. Buti na lang at bakal ang sapatos ko. Kahit gano'n, pinilit ko pa ring halungkatin ang mga bloke ng yelo para lang mahukay ko siya. "Hindi ka puwedeng mawala, Nerina! Magagalit sa akin sila Ariadne! Sila Blas, Aella at Gaia! Pati ang tubig! Mawawalan ng diwata ang tubig!" Desperado ko siyang hinalungkat nang maging tubig bigla ang mga bloke ng yelo at namuo 'yon na isang bilog na tubig. Sa loob n'on, naandoon si Nerina. "Nerina!" Doon, nakahinga na ako ng maluwag dahil walang nangyari sa kaniyang masama pero nang makita ko na nagdudugo ang likuran niya, sobra akong naguilty. Naging parang matabang tube 'yung tubig na pumapaikot sa kaniya at tumingin siya sa akin. Malungkot 'yung mukha niya na ngayon ko lang nakita sa kanya. "Patawarin mo ako, prinsipe dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong naitutulong sa iyo. Patawad kung hindi ko kayo matulungan sa napakahirap na sitwasyon ninyong ito." Umiling ako. "Ayos lang, Nerina. Bumalik ka na sa Erresia. Ayokong may masama pang mangyari sa 'yo dahil baka multuhin ako ni Ariadne. Huwag mo ring isipin na wala kang naitulong kasi malaki na 'yung naitulong mo sa amin. Marami kang napatay kaya nabawasan 'yung mga kalaban namin. Salamat." Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti na rin siya na parang naiiyak. Natouch siya panigurado sa sinabi ko. "Napakabuti mo talaga, prinsipe. Sana ay maging maayos na ang lahat sa iyo." Doon ay nahigop ko na siya. "HAAWWWWWRRR!" Napapitlag ako nang marinig ko ang napakalakas na atungal na 'yon mula sa likuran ko kaya agad akong napalingon doon na nanlalaki ng sobra ang mga mata. Kakalmutin na ako n'on... "HAAAAAAHHHH!" Biglang nahati 'yon sa gitna at tumilamsik pa sa akin ang napakaraming mga dugo n'on. Tumumba na hating-hati ang katawan n'on sa sahig at doon ko na nakita ang nakatayong si Hemira habang hawak ang espada niyang duguan na. "Hindi ba't sinabi ko na huwag mong hahayaan na mapaslang ka na lamang ng walang laban!" sermon niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Niligtas na naman niya ako. Kung bibilangin ko sa mga daliri ko kung ilang beses niya na akong iniligtas, baka kulang pa pati mga daliri ko sa paa para makwenta ko 'yon. Umalis na siya at hinarap ang panibagong mga Yeti na sumunod sa kanya. Pinunasan ko 'yung mukha ko at nalipat ang pulang dugo ng Yeti ro'n. Hindi na dapat ako tumunganga. Kailangan, may gawin na rin ako. Nag-isip pa ako ng pwede kong tawagin nang mahagip ng paningin ko ang mga pixia sa ere na mga takot na takot lang na nanonood sa amin. "Mga Pixia! 'Wag lang kayong bastang manood sa amin! tulungan n'yo rin kami!" sigaw ko sa kanila pero lalo lang silang mga nangatog sa takot. Para silang malalaking puting paro-paro na nagbavibrate sa ere. Mukhang hindi namin sila maaasahan. "Iyo na kayang tawagin ang diwata ng yelo na si Nero! Siya ang pinakamakatutulong sa atin dito!" sabi sa akin ni Dekel habang tinatakbuhan 'yung mga Yeti na humahabol sa kanya. Pinaghihiwa naman ang mga 'yon ni Hemira. "Hindi pa puwede! Hindi puwedeng ubusin agad ni Nero ang mahika niya sa mga 'yan. Kailangan natin siya sa paggawa ng bagong harang. Kung wala na siyang mahika, hindi siya makakagawa ng harang na makakakulong sa mga Yeti at dahil doon, mawawalan ng silibi 'tong ginagawa natin!" paliwanag ko sa kanya. "Kaya ko silang ubusin lahat gamit ang aking mahika ngunit malalaman ng aking mga kasamahan na naririto ako kapag akin iyong ginamit," sabi naman ni Hemira habang sinasalag niya ang kamay ng isang Yeti. 'Yung isang kamay n'on ay putol na. "Kung ganoon ay wala tayong magagawa kung hindi ang manu-manuhin talaga silang lahat na ubusin!" sabi ni Dekel at gumawa ng patusok na mahika mula sa likuran ng Yeti na kalaban ni Hemira. "HAAWWWWWRRRR!" atungal n'on at namatay na. "'Wag nga lang muna sanang dumating ang pinuno ng Yeti habang hindi pa natin sila nauub—" "HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWWWWRRRRRRR!" Nayanig ang lupang yelo sa lakas ng atungal na 'yon na malapit na sa amin. Biglang parang yumuyugyog ang lupa hanggang sa parang lumilindol na ng napakalakas. Parang may paparating na napakalaking bagay. Hindi kaya... Napatingin kaming tatlo ng may pagkagimbal sa direksyon na pinanggalingan ng atungal na 'yon. "Ang pinuno ng mga Yeti!" sabay-sabay na sigaw namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD