Hemira II 16

3528 Words
Hemira 16 - Patunay ~Tagapagsalaysay~ Nang magising si Yohan, siya'y nasa kaniyang silid na. Napuno siya ng pagtataka kung paano siya napunta roon. Nasa loob ng kaniyang silid ang kaniyang tatlong mandirigma na sila Seth, Piero at Zetes at sinabi ng mga ito na dinala siya sa palasyo ng isang babaeng nagngangalang Euphemia. Nang maalala niya nang muli si Hemira ay sinubukan niyang puntahan muli ito ngunit pinigilan siya nila Seth. Kahit na umiyak na siya sa mga ito ay hindi na siya hinayaan ng mga ito na makalabas ng palasyo dahil sa nangyari sa kaniyang mga kamay. Kung hindi pa raw iyon ginamot ng isang mabisang Katalonan(Priestess na katulad ni Aedis) ng pasikreto ay paniguradong wala na siyang mga kamay. Isa pa'y baka malaman ng mga tagakaharian na nakipagkita siya sa kilala nang pinuno ng mga mostro na si Hemira kaya pinagsabihan siya ng mga ito. Dahil doon ay nagsimula na naman siyang magmukmok sa kaniyang silid. Iyak lamang siya ng iyak na para bang bumalik na naman siya sa dating siya nang malaman niyang namatay si Hemira sa Abellon. Alam na rin naman niya na kahit bumalik pa siya sa lugar na pinagkitaan nila ni Hemira ay hinding-hindi na ito susulpot doon dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Ilang araw siyang ganoon. Miski si Ceres ay hindi niya pinapapasok sa kaniyang silid. Ang kaniyang ina naman ay hindi nalalaman ang nangyayari sa kaniya dahil nagsinungaling sila Seth rito na nasa isa siyang pagsasanay kaya hindi na nito kailangang pumunta sa kaniyang silid ng ilang araw. Ginawa ng mga ito iyon dahil ayaw ng mga itong mag-alala ng lubos ang kaniyang ina. Hindi siya kumakain nang maayos, ilang araw na. Lagi lamang siyang tulala sa kaniyang balkunahe habang inaalala ang kakaibang naging pakikitungo na sa kaniya ni Hemira. Sa tuwing dumaraan iyon sa kaniyang isipan ay nagsisimula nang kumawala ang kaniyang mga luha. Ngayon ay ganoon na naman siya. Nakatingin lamang sa labas ng kaniyang balkunahe at pinagmamasdan ang maliwanag na kapaligiran at malawak na damuhan sa ibaba ng palasyo. Mayroong kumatok sa kaniyang pintuan ngunit hindi siya nag-abalang buksan iyon ni lumingon lamang sa may pintuan. Kumatok muli iyon at doon ay narinig niya ang pagbukas niyon. "Hindi ba't sinabi ko na walang papasok?!" galit na galit na sigaw niya sa nangahas na pumasok na iyon. Napatigil siya nang makita kung sino iyon. Si Eugene. Puno ng kalungkutan ang mga mata nito at tila hindi ito nakatulog ng ilang araw dahil sa itim sa ilalim ng mga mata nito. Inalis niya na ang tingin niya rito at tumingin na muli sa labas ng balkunahe. "Anong ginagawa mo rito?" ~Yohan~ "Yohan, muli mo ba siyang nakausap?" tanong sa 'kin ni Eugene. Napalingon ako sa kanya. May mga luhang nangingilid sa pisngi niya. 'Yung mga mata niya, para siyang sobrang nasasaktan. "Oo pero hindi na talaga niya tayo naaalala. Siguradong siniraan tayo ng sobra no'ng mga kasamahan niyang mostro kaya hindi siya naniwala sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Sa tagal niyang kasama 'yung mga mostro na 'yon, paniguradong 'yung mga 'yon ang paniniwalaan niya." Bigla siyang napahagulgol at napaluhod sa pag-iyak. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n 'yung reaksyon niya. Parang may dinadamdam pa siya na iba sa iyak niya ngayon. "Patawad Yohan... Patawarin ninyo ako nila Kirion... Ako ang may kasalanan... Ako..." umiiyak na sabi niya. Nangunot 'yung noo ko. "Anong ikaw ang may kasalanan? Bakit? Anong ginawa mo?" Napapikit siya ng mariin. "Kung hindi ko ipinagpilitan noon sa inyo na siya'y namatay sa Abellon... Kung sinubukan kong mag-isip tulad mo na maaaring buhay pa siya... Sana'y nahanap agad natin siya at nailigtas mula sa mga mostro na iyon. Sana'y hindi niya tayo makalilimutan ng ganito. Patawarin n'yo ako sa aking nagawa. Patawad..." Napatakip siya ng mukha sa pag-iyak niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Dati, kahit na sobra kaming nagluluksa sa inaakala naming pagkamatay ni Hemira, hindi ko siya nakitang nagkaganito. Itinago niya lahat sa ngiti niya 'yung sakit na nararamdaman niya pero ngayon... Hindi niya na kinaya. Dahil sa kanya, natrigger na naman ang mga luha ko. Nagpatakan ulit iyon mula sa mga mata ko. Lumapit ako sa kaniya at umupo ako sa harap niya. Hinawakan ko ang balikat niya. "Hindi ka namin dapat sisihin, Eugene. Hindi kita sisisihin kasi wala ka namang kasalanan. Alam kong naging mahirap din sa 'yo ang lahat ng nangyari pero kinaya mong lahat. Hindi pa naman huli ang lahat sa 'tin para kay Hemira. May magagawa pa tayo. Kailangan natin siyang iligtas. Hindi tama na puro mukmok lang ang gagawin natin pero ako na lang muna ang gagawa ng paraan sa ngayon para mabawi siya." Napatingin siya sa 'kin na puno ng luha. "Bakit ikaw lamang? Hindi ba kami maaaring tumulong nila Serafina at Kirion?" Napahinga ako ng malalim. "Eugene, hindi niya kayo kilala sa ngayon. Baka may gawin lang siyang masama sa inyo at ayokong mangyari 'yon kasi kapag bumalik na ang mga alaala niya, siguradong masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niyang sinubukan niya kayong patayin kaya ako muna ang kikilos. Kapag kailangan ko ng tulong, pupuntahan ko agad kayo. Ayos lang ba 'yon?" Tumango siya habang tuloy-tuloy pa rin ang pagluha niya. Napangiti ako kahit papaano. Hindi kami masyadong close dati dahil sa pagiging magkaribal namin kay Hemira pero pakiramdam ko ngayon, naging mas malapit ang kalooban namin sa isa't-isa. *—* * *—* ~Pamilihan ng Adon~ Naandito ulit ako sa Pamilihan ng Adon. Dito ako nagpunta kasi dati, dito ko siya nakita. Dito ko unang nakita si Hemira. Malaki ang tsansa na baka makita ko na naman siya rito. Kung hindi, pupunta ako sa mga kalapit bayan at doon maghahanap sa kanya. Hindi na ako nakaarmor ng pangGemuria. Nakasimple lang ako ng suot na katulad ng sa iba. Medyo luma-luma at gusot-gusot na creamy na pants. Kulay blue na blazer pero walang sleeves na napaiilaliman ng puting polo na nakatack in sa pants ko. Hiniram ko lang 'to sa isang servant na lalaki sa palasyo para ibang disguise naman at hindi ako mahuli nila Seth. Wala akong suot sa ulo ko kaya kitang-kita ang mukha ko. Hinawakan ko 'yung buhok ko. Mahaba na 'yon. Ginupitan ako no'ng kasal sana namin ni Ceres pero kaunti lang kaya medyo mahaba pa rin 'tong buhok ko. Bagay naman sa 'kin kaya hindi ko na papakialaman. Naglalakad-lakad lang ako at nagtititingin sa mga babaeng nakikita ko lalo na 'yung mga nakacloak pero iba naman kulay ng cloak nila. Walang nakaitim na cloak. Mas madali ko talagang mahahanap si Hemira kasi paniguradong kung nandito siya, siya lang ang nakaitim na cloak. Habang naglalakad ako, naramdaman kong parang may sumusunod sa 'kin. Lumingon ako pero wala naman akong nakitang kakilala ko na sumusunod sa 'kin. Biglang may nakabundol sa binti ko na batang tumatakbo kaya napahawak ako sa isang kahoy na puno ng uling para hindi ako maout balance. Pagtingin ko sa kamay ko, puro uling 'yon kase tindahan ng uling 'tong natapatan kong tindahan. "Tsk." Gusto kong ipunas 'yung dumi sa damit ko kaso nahihiya naman ako na madumi ko 'tong ibabalik sa pinaghiraman ko. Habang namomroblema pa rin ako kung paano ko aalisin 'yung uling sa kamay ko, may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga tao. Kumpulan sila at parang makikipagpatayan sila para lang makapunta sa loob ng kumpulang 'yon. Nangunot 'yung noo ko. Pupuntahan ko na sana 'yon nang sabay-sabay na lumuhod 'yung mga taong 'yon at iba pang mga taong nandito. Nanlaki 'yung mga mata ko nang makita kung sino 'yung nasa gitna ng kumpulan na 'yon. "Ceres?" Nakangiti siya sa mga tao ng matamis pero may iba sa ngiti niya. Parang masyadong malandi, hindi katulad ng mahinhin niyang ngiti. Saka 'yung damit niya... Parang may kalumaan na ng kaunti, hindi katulad ng suot niya sa palasyo na parang laging bago at hindi nag-uulit ng sinusuot. Nangunot 'yung noo ko. Anong ginagawa niya rito? Saka ba't wala siyang mga kasamang tagaGemuria? Bakit hindi niya kasama sila Fedor at Abun? Naglakad na ako palapit sa kanila. "Prinsesa, ito na po ang aming mga alay sa inyo. Sana po ay tanggapin ninyo ito ng buong puso." puno ng galang na sabi ng isang matandang lalaki saka lumapit sa kaniya at ibinigay ang sumbrerong pang magsasaka na nakataob, puno ng salapi 'yon. Lalong nangunot 'yung noo ko. Hindi ko kasi talaga naiintindihan kung anong nangyayari rito. Nang tingnan niya 'yung sumbrero, parang nadisappoint siya pero ngumiti rin kaagad ng matamis at... malandi? Teka. Naguguluhan na talaga ako ng sobra. Lumuhod na rin 'yung matanda habang hawak niya pa rin 'yung sumbrero. Nang makalapit ako, napatingin sa 'kin ang lahat kasi ako lang ang nakatayo. Napatingin din siya sa 'kin at nangunot ang noo niya. "Lapastangan! Bakit hindi ka nagbibigay galang sa prinsesa?!" sigaw sa 'kin no'ng matandang may hawak ng sumbrero. Ang sama rin ng tingin sa 'kin ng iba. Tiningnan ko si Ceres at parang nagtataka rin siya habang nakatingin sa 'kin. Naglakad pa ako palapit sa kaniya at nakiraan ako sa mga nakaluhod na nakaharang. Nagawa ko nang makalapit sa kanya. Tinitigan ko siya ng deretso. Si Ceres naman talaga 'to. Wala akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Kung hindi lang talaga sa kilos niyang nakakapanglito... "Ceres, anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Pangahas! Ano ang iyong karapatan upang tawagin ako sa una ko lamang pangalan?" sigaw niya sa 'kin. Napataas ako ng kilay. Hindi ko na talaga naiintindihan. Hinawakan ko 'yung kamay niya at inilapit siya sa 'kin para mabulungan ko siya. "Hindi mo ba ako kilala? Ako 'to. Si Argyris." Lumayo siya sa 'kin ng kaunti. "Argyris?" takang tanong niya. "Ako si prinsipe Argyris, 'di ba?" Nanlalaki 'yung mga mata niya at parang hindi siya makapaniwala. Nangunot na naman 'yung noo ko sa naging reaksyon niya. "Teka. Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ko ulit sa kaniya pero bigla na lang siyang tumakbo papaalis kaya napabitaw ako sa kanya. Nagbigay agad ng daan sa kaniya 'yung mga taong nakaluhod at karipas talaga ang takbo niya. Hindi agad ako nakabawi sa ginawa niyang pagtakbo kaya nakalayo siya. Ano ba talagang nangyayari ro'n? Hindi kaya mayroong nangyayari sa kaniyang masama? Nang maisip ko 'yon, tumakbo rin kaagad ako ng mabilis at sinundan ko siya. Balik sa dati na 'tong pamilihan at lakad dito lakad doon na ulit ang mga tao kaya hindi ko na mahanap kung nasaan si Ceres. May nangyari kaya sa kaharian habang wala ako? Bakit nandito 'yung prinsesang 'yon? Hindi kaya may nanggagaya lang sa kanya? Pero bakit kay Ceres ang prinsensya niya? Tumigil muna ako sa pagtakbo at tumingin sa paligid. Siguradong may hindi tama sa mga nangyayari. Nagtitingin-tingin lang ako nang mapadalawang lingon ako sa isang matandang babae na may bakat ng kamay na itim sa braso niya. Parang uling 'yon. Hindi ko na sana papansinin 'yon at tatakbo na sana ako paalis pero napatingin ako sa palad ko. Nabawasan 'yung dumi ng uling doon. Doon na ulit ako napalingon sa matandang babae na nakita ko. Naglalakad na siya palayo. Agad ko siyang sinundan at nang mahabol ko siya na pumasok na sa isang makipot na iskinita, hinawakan ko ang braso niya at iniharap siya sa 'kin. Matandang babae lang talaga siya na nakasuot ng luma at medyo maanggong amoy na damit. "Ano ang problema, binata?" tanong niya sa 'kin. Nanginginig pa 'yung kamay niya sa panghihina pero pagtingin ko sa braso niya, saktong-sakto 'yung kamay ko sa bakas ng itim sa braso niya. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya at ganoon din siya sa 'kin. Bago pa 'ko makapagsalita, hinawakan niya ang pisngi ko. "Isa ka bang Tumatawag?" Titig na titig siya sa 'kin at tumingin din siya sa paligid ko na parang namamangha siya sa nakikita niya sa palibot ko. "Napakaraming nabubuhay ang nag-alay ng katapatan sa iyo. Hindi ko napansin kanina ang mga iyan dahil napakahirap magpalit anyo bilang prinsesa ng Gemuria at kopyahin ang kaniyang prinsensya," sabi niya. "Ano?! Kung gano'n, ikaw talaga 'yung Ceres na nakita ko kanina?" hindi ko makapaniwalang tanong. Bumitaw na ako sa kanya. Tumango siya. Bigla siyang nagpalit ng anyo at naging si Ceres na naman na nakita ko kanina. Nanlaki 'yung mga mata ko. "T-teka! Anong klaseng nabubuhay ka ba at kaya mong gawin 'yan? Maheya ka ba?" hindi ko pa rin makapaniwalang tanong. "Isa akong Gent at ang aking pangalan ay Marum." Yumuko pa siya sa 'kin. "Wow! Shape shifter Gent! Lalaki ka pala! Akala ko babae ka." natutuwa kong bulalas. "Kakayahan ko ang pagpapalit anyo at hinding-hindi mo mahahalata na nanggagaya lamang ako dahil hindi mahika ang aking gamit kundi aking mismong kakayahan. Ang mahirap lamang ay kung hindi ko alam ang ugali at kilos ng aking gagayahin ay roon ako mapaghahalataan," paliwanag niya. Napatango-tango ako. "Kaya pala no'ng nakita kitang si Ceres kanina, ibang-iba. Madali kitang nahuli kasi kakilala ko 'yung prinsesang 'yon. Hindi siya malandi kung ngumiti." Bigla siyang lumapit sa 'kin na parang inuusisa ako kaya napaliyad ako ng kaunti. "Ikaw ang prinsipe na pakakasalan ni prinsesa Ceres? Bakit ka naririto at bakit ganyan ang iyong suot?" Nang maalala ko 'yung ipinunta ko rito, nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. "May hinahanap kase ako," sabi ko na lang. Napatango-tango siya. "Ahh... Ngunit maaari bang ialay ko rin sa iyo ang aking katapatan?" tanong niya na ikinatingin ko sa kanya. "Ha? Bakit naman?" Ngumiti siya. "Kapalit ay babayaran mo ako ng isandaang ginto kada buwan. Prinsipe ka naman kaya marami kang salapi." Napataas ang isa kong kilay. "Wala akong pera ni kusing saka hindi naman kita kailangan. Ni hindi kita magagamit na offensive sa labanan." Nagkibit balikat lang siya. "Ikaw ang bahala. Kung nais mo ang aking tulong ay puntahan mo lamang ako rito sa pamilihan. Mayroon akong maliit na bahay sa dulong pakanan ng iskinitang ito na mayroong aking pangalang Marum. Magdala ka na rin ng salapi-" Bigla akong may naramdamang parang may nanonood sa amin kaya tinakpan ko 'yung bibig niya. Naramdaman ko na rin 'yung mga mapagmatyag na matang 'yon kanina pero hindi ko iyon pinansin dahil dito kay Marum sa pagpapanggap niya bilang si Ceres. Naglakad na ako paalis. "Sandali lamang, prinsipe Argyris!" tawag sa 'kin ni Marum pero hindi ako lumingon. Nakalabas na ako ng iskinitang 'to at nakihalubilo ako sa mga tao. Hindi kaya si Seth 'yung nasunod sa 'kin? Baka si David o Zetes? Pero mas delikado kapag si Ginoong Remus 'yung nag-iispy sa 'kin. Maiinit pa naman ako sa mga mata n'on gawa ng pagtatalo namin tungkol kay Hemira. Nakihalubilo lang ako pero nararamdaman ko na sinusundan talaga ako. Tumakbo ako at lumiko kaagad sa isang papalikong daan. Nagtago ako sa gilid ng pader na 'yon. Liblib 'tong lugar na 'to at walang dumadaan. Narinig ko ang mga tumatakbong yabag papunta sa palikong daan na 'to. Nang makadaan na 'yon ay agad kong hinablot ang braso niya at hinila siya saka ko siya isinandal ng malakas sa pader. Ipinangharang ko sa itaas ng dibdib niya ang braso ko para hindi siya makatakas. "Sino ka?! Bakit mo ako sinusundan?!" sigaw ko sa kanya. Inangat niya ang mukha niya at nang matingnan ko siya ay nanlaki ang mga mata ko. "Hemira?" natigagal kong tawag sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Itinulak niya ako palayo sa kaniya kaya napahiwalay ako sa kanya. Nakaposisyon na naman siya na handa nang umatake sa 'kin. "B-bakit mo ako sinusundan?..." tigagal ko pa ring tanong sa kanya. Nagsimula na namang magkagulo ang lahat ng cells sa katawan at neurons sa utak ko sa pagkakakita ko sa kaniya ngayon. 'Yung sobrang hindi pagkapaniwala na nararamdaman ko, mas tumindi pa kasi nakita ko na siya ulit. Akala ko kasi, hinding-hindi na siya magpapakita pa sa 'kin dahil sa nangyari no'ng huli naming kita. "Totoo ba talaga ang iyong mga sinabi noon? Totoo ba na isa ka sa aking mga kasamahan?" tanong niya pero may pagdududa pa rin 'yung tono niya. Doon ko na naisip ang isang bagay... "Kaya mo ba 'ko sinusundan para sa tanong na 'yan? Bakit? Naguguluhan ka na ba sa kung sino ang nagsasabi ng totoo sa 'yo?" Natulala siya. Parang nawala na naman siya sa sarili niya. Parang mayro'n siyang pilit na inaalala pero hindi niya magawang maalala. "Sagutin mo ako. Totoo ba talaga ang mga iyon? Ang pangalan na Yohan. Iyon ang pinakapamilyar sa akin ngunit hindi ko maisip kung bakit." Napahawak pa siya sa noo niya na parang nasakit 'yon. Nagsisimula na siyang magduda sa pinapakain na katotohanan sa kaniya ng mga kasamahan niyang mostro. Paniguradong nararamdaman niya na rin na totoo 'yung mga sinabi ko sa kaniya noon kaya sinundan niya ako. "Oo Hemira. Totoo lahat 'yon. Hinding-hindi ako magsisinungaling sa 'yo. Ako si Yohan. Nakuha mo ako sa mundo ng moderno kaya iyon ang gamit kong pangalan. Mahabang kwento kung bakit Argyris na ang pangalan ko ngayon pero maniwala ka... Ako 'yung lalaking minahal mo noon. Alam kong mahal mo pa rin ako ngayon at hindi ako nakakalimutan ng puso mo kaya naguguluhan ka." Napatitig siya sa 'kin. Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi siya kumibo at nakatitig pa rin sa 'kin. Binilisan ko na ang hakbang ko palapit sa kaniya at niyakap ko siya... ng mahigpit. Hindi siya pumalag sa yakap ko at hinayaan lang ako. Doon na ako naiyak ng tuluyan. Napakatagal kong hinintay na mayakap ulit siya ng ganito. Akala ko dati, hindi ko na 'to mararanasan ulit pero ngayon... nandito na ulit siya at yakap ko ngayon. "Hemira, ang tagal kitang hinintay..." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko siya namiss. Hinaplos ko ang buhok niya habang umiiyak ako sa balikat niya. "Please... Alalahanin mo na kung sino ako... Pakiusap..." "Yohan..." Bigla akong napatigil sa pag-iyak at natulala sa sinabi niya. Tumibok din ng napakabilis ang puso ko na nagwawala na sa loob ng dibdib ko. Dahan-dahan akong napahiwalay ng yakap sa kaniya at tiningnan ko siya. May mga luha na rin sa mga mata niya at tulala siya sa 'kin. "A-anong tawag mo sa 'kin?..." wala sa sarili kong tanong sa kanya. Doon, parang napabalik na siya sa sarili niya at may mahikang itim na pumalibot sa kanya. Napatingin na siya sa 'kin nang maayos pero bigla niya na naman akong itinulak palayo. Napaupo pa ako sa lakas ng tulak niya sa 'kin. Puno ng galit 'yung mga mata niya. "Anong iyong iniisip upang yakapin ako ng ganoon?!" sigaw niya sa 'kin. Pinunasan niya ng marahas 'yung pisngi niyang basa ng luha. May itim na mahika na pumapalibot na naman sa kanya. Mahika na galing sa kanya. Nalito naman ako. Naalala niya na ako pero bakit naging ganito na naman siya. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko mahagilap kung ano bang sasabihin ko. Pinagpagan niya ang sarili niya at bumalik sa pagiging seryoso. "Nais ko ng patunay sa iyong mga tinuran. Nais kong mapatunayan mo na tunay na mayroon akong alaala kasama kayo. Kung magagawa mo iyon ay..." Napatigil siya sa pagsasalita at parang hindi na rin alam kung ano ang sasabihin niya. "Kung magagawa ko 'yon ano? Babalik ka na sa 'min? Babalik ka na sa dating Hemirang minahal namin lalo na ako ng sobra?" Natulala na naman siya sa 'kin. Tumayo na ako at pinagpagan ko ang likuran ko sa mga kumapit na lupa ro'n. "Patunay lang ba ang kailangan mo? Sige. Kung 'yun ang gusto mo, magkita ulit tayo ro'n sa pinagkitaan natin. Parehong oras din ng ibinigay ko sa 'yo noon. Magdala ka rin ng mga kagamitan mo kasi may pupuntahan tayo." Nangunot 'yung noo niya. "Anong pupuntahan natin?" Sumeryoso ako. "Sa mga lugar kung saan makakapagpaalala sa 'yo ng lahat ng mga samahan natin. Sa mga lugar kung saan mo kami pinaghirapang makuha. Kapag napuntahan natin ang mga 'yon, imposible na hindi mo pa rin kami maalala." Nakatingin lang siya ng deretso sa 'kin. Parang nag-iisip pa siya kung papayag siya o hindi. Ngumiti na ako sa kanya. Ngiting sincere na sa kaniya ko laging ipinapakita noon. Umiwas siya ng tingin at tumalikod na. "Teka. Ano? Pupunta ka ba? Baka paghintayin mo na naman ako ng isang linggo." habol ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako ng kaunti. "Pupunta ako ngunit iyong siguraduhing hindi isang bitag ang naghihintay sa akin. Kung iyon ang inyong pinaplano, huwag n'yo nang ituloy sapagkat wala kayong kaya sa aking mahika." Doon, naglakad na siya paalis. Sinundan ko siya pero humalubilo na siya sa mga tao at hindi ko na siya nasundan pa. Parang hindi na talaga siya ang Hemira noon. Nawalan siya ng mga alaala kaya napapalitan na ang ugali niya pero nararamdaman ko, nararamdaman ko na ang tunay na Hemira ay nasa loob lang niya. Nakakulong at humihingi ng tulong sa 'kin na mapakawalan ko na. Ito na ang tsansa ko para magawa ko 'yon. Para mapaalala ko sa kaniya ang lahat. Ililigtas ko siya sa mga kasinungalingan ng mga mostro na 'yon at ibabalik siya sa Gemuria gaya ng pangako naming lahat sa isa't-isa. Tumingin ako sa kalangitan. "Ariadne, tulungan mo ako na mapaalala lahat kay Hemira ang mga alaala nating lahat sa kanya... Please."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD