Hemira II 19

1380 Words
Hemira 19 - Himig Karagatan, karagatan, karagatan ng Parthenios Tahanan ng mga Keledones, tinig ay malalamyos Huwag magpapaakit, agapan ang kilos Nang ang lahat ay maging ayos, walang dugong aagos * * * ~Yohan~ "Freak, ito na 'yung karagatan ng mga Keledones. Kapag nakahingi na tayo ng dalawang perlas sa isa sa kanila, makakapunta na tayo sa Syierian na napagkuhanan mo kay Ariadne." naeexcite na sabi ko sa kaniya pero nang mapansin kong nakatingin lang siya sa 'kin, sumeryoso ulit ako. Inalis ko na 'yung pagkakasakbit sa 'kin ng lagan ko at inilapag ko muna 'yon sa sahig. Pumulot ako ng dalawang matulis na bato na nakakalat lang. Iniabot ko sa kaniya 'yung isa. "Kailangan nating sugatan ang sarili natin para kapag nakakita na tayo ng keledones, hindi nila tayo maakit sa pagkanta nila. Kung hindi, gagawin nila tayong hapunan." babala ko sa kanya. "Sino ba si Ariadne? Ano ang naging papel niya sa aking buhay noon?" tanong niya habang matiim na nakatingin sa 'kin. Binasa ko 'yung sinasabi ng mga mata niya pero walang emosyon do'n. "Si Ariadne ang Fae ng Erresia, kaharian ng apat na diwata ng elemento. Sinumpa siya ng isang mangkukulam na maging libro kasi may ginawa siyang masama ro'n kaya 'yon. Kasama mo siya na unang-una at siya ang nagtuturo ng daan sa 'yo kung saan ka pupunta pero..." "Pero?" tanong niya. Napabuga ako ng hangin. "Namatay siya sa Abellon dahil sa pagliligtas sa 'kin." Napatulala siya sa 'kin. "Sa Abellon? Iyon ang dati naming kaharian kung saan pinatay ninyong mga tagaGemuria ang aking malapit na kaibigan na si Abellona." Nangunot na 'yung noo niya. Napuno ako sobrang galit sa sinabi niya. "Ano?! Sinong nagsabi sa 'yong malapit mong kaibigan si Abellona?! Siya ang may gawa ng lahat kung bakit ka nagkaganyan, Hemira! Siya ang pumatay kay Ariadne at muntik na rin sa 'ting lahat kaya paano mo siya magiging malapit na kaibigan?!" Hindi ko napigilan 'yung pagtaas ng boses ko. Nagkaroon na rin siya ng galit sa mga mata niya. "Paano mo nagagawang magsinungaling sa akin ng harap-harapan?! Paano ako tatangkaing paslangin ni Abellona kung ako ang kaniyang kaibigan?! Parehas kaming mostro kaya bakit kami makikipaglaban sa isa't isa?!" Napakuyom ako ng kamao ko. "Ang lupit naman gumawa ng kasinungalingan ng nagsabi sa 'yo n'yan, Hemira! Hindi ka naman mostro noon eh! Napakapure mong tao! Ikaw ang pinakamabuting babaeng nakilala ko sa tana ng buhay ko kaya nga sobra akong nagtataka kung bakit ka na nagkaganito ngayon! Pero sa tingin ko, kagagawan 'yan ng mga mostro na bumihag sa 'yo na tinuturing mo nang mga kasamahan. Sinabihan ka nila ng kung ano-ano na hindi naman totoo para maging masama kang katulad nil—" Biglang dumapo sa mukha ko 'yung palad niya at isang malutong na tunog ng sampal ang umalingawngaw sa paligid namin. Napahawak ako sa pisngi ko kung saan niya ako sinampal. Napatingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Puno ng galit ang mga mata niya at kuyom na kuyom niya 'yung mga kamao niya. "Huwag na huwag mong husgahan ang aking mga kaibigan! Hindi mo sila kilala! Sila nga'y mga mostro ngunit napakabubuti nila sa akin! Ikaw dapat na ngayon ko pa lamang nakilala ang nararapat na hindi ko paniwalaan! Nais mong bilugin ang aking ulo sa paggawa ng mga bagay na ito upang sa inyo ako kumampi at kalabanin ang aking mga kaibigan!" Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi niyang 'yon. Noon, kami ang ipinagtatanggol niya at tinatawag niyang mga kaibigan pero ngayon... Hindi ko napigilang mapaluha habang nakatingin pa rin sa kanya. Ni hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. "Tama na ang palabas mo na ito. Hindi na ako maniniwala pa sa iyong mga sasabihin dahil binabaliktad mo lamang ang katotohanan sa aking mga mata. Hindi na ako sasama sa iyo sa mga lugar na sinasabi mong aking pinuntahan dati dahil malinaw na sa 'kin na gawa-gawa mo lamang ang mga iyon." Itinapon niya sa lupa ang hawak niyang bato. "Fugio!" pagcast niya ng spell at lumipad na sa ere. "Hemira! Teka lang! 'Wag kang umalis!" habol ko sa kaniya at itinapon ko na rin 'yung batong hawak ko. Lumipad na siya sa ere papaalis. Kailangan ko ulit icast ang spell ng hangin para masundan siya. "Air Maiden! Let me borrow thy power! Air mag—" ♫ Hmmmm... Hmmmm... ♫ Natigilan ako nang marinig ko 'yung paghimig na 'yon. Napatingin ako kung saan nanggagaling 'yon. ~Tagapagsalaysay~ Habang nagtatalo sila Hemira at Yohan, hindi nila batid na mayroon na palang nanonood sa kanila mula sa malayo. Hindi nila nararamdaman ang pagmamatyag niyon dahil sa init ng kanilang pagtatalo. Lumipad na paalis si Hemira at susundan na sana siya ni Yohan ngunit nagsimula nang humimig ang keledones na nagmamatyag sa kanila. Natigilan siya at napatingin sa keledones na iyon na ang tanging nakaahon lamang ay ang ulo sa tubig at lumalangoy na palapit sa kanya. Napakaganda ng mukha nito ngunit pula na umiilaw naman ang mga mata nito. Tanging sa kaniya lamang ito nakatingin. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kukunin na siya sana ang bato na kaniyang itinapon kanina upang sugatan ang kaniyang sarili ngunit nagsimula na itong umawit. ♫ Binatang pagkakisig... ♫ ♫ Nakuha mo ang aking pag-ibig ♫ ♫ Sa iyong magandang tikas... ♫ ♫ Hindi kita agad iwawakas ♫ Tumayo siya nang maayos at nawala na sa kaniyang sarili. Hindi na siya gumagawa ng paraan para iligtas ang kaniyang sarili at nakatayo lamang doon. Nahipnotismo na siya nito ng tinig nito. ♫ Sa aki'y ikaw ay lumapit ♫ ♫ Huwag matakot, lumapit ng walang pilit ♫ ♫ Ika'y hindi padadanasin ng sakit at pait ♫ ♫ Sa aking pag-ibig, sa iyo'y hindi magiging malupit ♫ Nagsimula na siyang ihakbang ang kaniyang mga paa sa tubig. Mayroong sahig siya na naapakan doon na konektado sa kuweba. Tumigil ang keledones sa paglapit sa kaniya at hinayaan lang siya nito na siya ang lumapit dito. Nasa bewang na niya ang tubig nang maglabasan pa ang marami pa sa mga keledones. Napatingin ang naunang keledones sa kaniyang mga kasamahan na bigla na lamang nagsulputan at ito'y naalarma. Patuloy lamang si Yohan sa kaniyang paglapit nang wala na siyang maapakan na sahig at lumubog na siya sa tubig. Lumubog na rin kaagad sa tubig ang keledones na nang-akit sa kaniya at nagsunuran naman ang marami pa. Naglanguyan ang mga ito papunta sa kaniya na lumulubog na pailalim. Nakatingin lamang siya sa madilim na tubig na nasisinagan kahit papaano ng buwan. Unti-unti na siyang bumabalik sa kaniyang sarilil. Nang makita niya ang nangyayari sa kaniyang paglubog sa tubig ay umusbong na ang napakalaking kaba at takot sa kaniyang dibdib. Ni hindi niya alam kung paano siya napunta roon. Sinubukan niya kaagad na kumampay paitaas ngunit may pumasok na tubig sa kaniyang ilong kaya napahawak kaagad siya roon. Nagaaway-away na ang napakaraming mga keledones upang siya ay makuha at ang pinakadesperado sa mga iyon ay ang nang-akit sa kanya. Dahil nagsisimula na siyang malunod ay hindi niya na nagagawang kumampay pa paitaas upang umahon. Tinatakpan niya ng mariin ang kaniyang bibig upang wala nang pumasok na tubig doon ngunit wala na siyang hininga. Hindi niya na kakayanin na magtagal pa roon at kahit na kumampay siya paitaas ay ang naglalaban-laban na mga keledones ang naghihintay naman sa kanya. Napabitaw na lamang siya sa kaniyang bibig at hinayaan na lamang ang kaniyang katawan. Kung wala siya sa tubig ay makikita ang pagdaloy ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Akala niya'y kapag sumama na sa kaniya si Hemira ay mapapaalala niya na ang lahat dito ngunit iniwan na naman siya nito at hindi pinakinggan ang kaniyang sasabihin... Hindi katulad ng Hemira noon na kahit ano ang kaniyang ikwento, kahit na walang kwenta pa iyon o mayroon ay nakikinig ito ng matiim sa kanya. Masyado na itong binago ng mga kasamahan nitong mga mostro at hindi niya matanggap na wala siyang nagawa para mapigilan ang bagay na iyon. Gusto niyang humikbi ngunit nawawalan na siya ng lakas. Unti-unti na ring pumipikit ang kaniyang mga mata Nakalapit na ang mga keledones sa kaniya at may humawak na sa kaniyang mga paa, sa mga braso at sa iba pa niyang katawan. Pinag-aagawan na siya ng mga ito hanggang sa nawalan na siya ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD