Hemira II 12

1649 Words
Hemira 12 - Natahing mga Pangyayari ~Yohan~ Tumakbo ako sa loob ng palasyo para hanapin si Eugene. Abala ang lahat dito sa panggagamot sa mga nasugatang mga tao na galing sa inatakeng bayan kanina kaya nahirapan ako sa paghahanap kay Eugene sa dami nila. Umalis na rin lahat ng ibang nabubuhay na mga hindi tagarito kasama na ro'n sila Aella at iba pang mga nasasummon ko. "Binibini, ayos ka lamang ba?" tanong ng isang pamilyar na boses malapit sa 'kin kaya napatingin ako sa pinanggalingan n'on. Sabi na nga ba't si Eugene 'yon at kasama niya si Serafina habang ginagamot 'yung babaeng tinanong niya kanina kung ayos lang. Nasa tapat sila ng hagdanan kung saan nakaupo 'yung babaeng sugatan. Naglakad ako palapit sa kanila. "Mabuti na lamang at mga sugatang tao at nabubuhay lamang ang nagkaroon sa bayan na inatake kanina. Mabuting palad na walang nasawi. Naroroon ako upang gamutin kaagad ang mga kritikal at nagturo rin naman ako ng mga mahikang pagpapagaling sa mga sariling sugat kaya naging malaking tulong iyon sa pagsasalba nila ng kanilang buhay." nakangiting sabi ni Serafina. Nakalapit na ako at hindi nila ako napansin. "Ngunit sinabi mo'y nasaksihan mo ang isang napakalakas na mostro na gumawa ng napakalaking mahika upang paslangin ang kapwa niya mostro. Hindi ba't nakalilito at di kapani-paniwala iyon?" tanong ni Eugene sa kanya. Napatingin sa 'kin 'yung babaeng ginagamot ni Serafina at natulala sa 'kin. Napatingin naman sila sa 'kin dahil sa kanya. "Oh! Yoh— prinsipe Argyris, bakit ganyan ang iyong hitsura. Bakit ang dungis mo?" tanong sa 'kin ni Eugene. Tiningnan ko silang dalawa ni Serafina. "'Di ba sabi mo Eugene, patay na si Hemira? 'Di ba sabi mo, pinasabog niya 'yung sarili niya sa Abellon?" tanong ko kay Eugene. Nangunot naman 'yung noo niya. "O-oo. Bakit mo natanong 'yan? Matagal ko nang naipaliwan—" "Buhay si Hemira! Buhay siya!" sigaw ko sa kanya. Napapiksi pa si Serafina sa gulat. Nangunot lang 'yung noo nila parehas pero naluluha na si Serafina. "Yohan, bakit binubuklat mo na naman 'yan? Hindi ba't natanggap mo na iyan?" seryosong tanong sa 'kin ni Eugene. Tinawag niya na ulit ako sa pangalan kong Yohan. Nakuyom ko 'yung mga kamao ko. "Eugene, nakita ko siya kanina. Harap-harapan ko pa mismo at nakausap ko pa siya. Buhay siya!" Natulala silang dalawa. "N-ngunit nakita namin ang nangyari sa Abellon. Ang pagsabog doon..." tulalang sabi ni Serafina. "Sigurado akong si Hemira 'yung nakita ko kanina. Sigurado akong siya 'y—" "Ngunit bakit hindi mo siya kasama kung talagang nagsasabi ka ng totoo? Nasaan siya?" tanong sa 'kin ni Eugene. 'Yung mga mata niya, may nababasa ako ro'n na umaasa na siya na totoo 'yung mga sinasabi ko. Napakuyom ako ng mga kamao ko. "Bihag siya ng mga mostro. May ginawa sila sa kaniya kaya... kaya hindi niya na ako maalala. Hindi niya na tayo maalala." Napasinghap si Serafina at parang iniwan naman ng kaluluwa niya si Eugene. "A-anong ibig mong sabihin?... B-buhay talaga si Hemira at kaya hindi siya bumalik nitong nakalipas na mga buwan sa atin ay dahil hindi niya tayo maalala?" naiiyak na tanong ni Serafina. Nangilid na 'yung mga luha niya. "Hindi ko alam kung paano nila ginawa sa kaniya 'yon pero napakagandang balita na sa 'tin na malaman na buhay talaga siya. Na buhay si Hemira. Na hindi siya namatay sa Abellon at may magagawa pa tayo para maibalik siya sa atin." Doon napahagulgol na si Serafina at niyakap siya ni Eugene para aluin. "A-akala ko talaga'y wala na si Hemira... Napakahirap ng mga araw na dumadaan sa akin kapag siya'y aking naalala at ang nangyari sa kaniya sa Abellon. Kahit na hindi kami ganoong katagal nagkasama ay malalim na marka na sa puso ang iniwan niya sa akin kaya napakasakit sa akin ang inaakala kong kaniyang kamatayan." umiiyak na sabi ni Serafina at humagulgol. "Napakalaking pasasalamat talaga na buhay siya. Na hindi totoong iniwan niya tayo. Walang abot na pasasalamat ang nararamdaman ko. Siguradong matutuwa si Kirion kapag nalaman niya 'to." excited na sabi ko at umakyat na ako para puntahan ang kuwarto ni Kirion pero napatigil ako nang makita kong nasa taas ng hagdan si prinsesa Ceres kasama ang ilan sa mga servants niya. Nakatingin siya sa 'kin at nabasa ko sa mga mata niya na lubos siyang nasasaktan. Hindi natuloy 'yung kasal namin kanina at bago pa man manggulo 'yung mga mostro, nireject ko na siya. Hindi kami tuluyang naging mag-asawa sa pag-inom lang namin sa kopita. Ang halik kasi dapat ang magiging seal na magiging kami na talaga pero hindi ko 'yon ginawa kaya malaya pa rin ako. Alam kong napakagago ko sa ginawa ko na 'yon. Sobrang gago. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Umakyat ako para sana magsorry sa kaniya pero tumalikod na siya at naglakad paalis. Napayuko ako. ~Tagapagsalaysay~ Narinig ni Sueret ang mga sinabi ni Yohan sa dalawang kaibigan nito at lubos siyang nabigla sa mga nalaman. Na buhay pa si Hemira at nawalan ito ng alaala. Dahil doon ay kaagad siyang nagtungo sa silid ni haring Herman upang sabihin ang kaniyang nalaman. Kumatok siya sa pinto nito at pinapasok naman siya. Nasa bulkanahe ito ng silid nito at nakatingin sa papalubog na na araw. Siguradong malungkot ito dahil nasira ang kasal ng prinsesa nito. Lumapit kaagad siya rito kaya napatingin ito sa kanya. "Oh Sueret. Bakit tila ika'y humahangos? May nangyari na naman ba?" nag-aalalang tanong nito. Umiling siya. "Mahal na hari, may nararapat kayong malaman." Nangunot ang noo nito sa kaniyang kaseryosohan at pagkatakot na nababakas sa kaniyang mukha. "Ano ang dapat kong malaman?" Tumingin ito ng deretso sa kanya. "Buhay si Hemira, haring Herman. Mukhang siya ang namuno sa mga mostro na umatake sa atin kanina lamang." Namilog ang mga mata nito sa narinig. "Ano?! Ngunit ang sabi ni Remus ay pinasabog niya ang kaniyang sarili kasama si Abellona sa Abellon. Nasaksihan nating lahat iyon, hindi ba?" Puno ng di pagkapaniwala ang mukha nito. "Mukhang mayroong naganap na nagligtas sa kaniyang buhay at ngayon ay nakuha na siya ng mga kalaban. Nasa mga kalaban na siya at mukhang siya pa ang ginawang bagong pinuno ng mga iyon. Nalaman ko kay prinsipe Argyris na nakausap niya si Hemira ngunit hindi na siya nito naaalala." kaniyang sabi. Hindi alam ni Herman kung ano ang kaniyang magiging reaksyon. Masyado siyang nabigla sa kaniyang mga narinig. "Magiging delikado para sa atin si Hemira lalo na't wala siyang alaala. Gagamitin iyon ng mga kalaban upang tayo'y magapi." dagdag pa ni Sueret. Napahawak siya sa kaniyang noo at hindi malaman kung ano ang dapat isipin sa dumating na napakalaking problema sa kanila. "Mukhang hindi magiging mapayapa ang kaharian gaya ng ating inakala." "Ganoon na nga, mahal na hari. Ngunit aking naalala, ngayo'y naiintindihan ko na ang sinabi mo noon sa akin nang tanungin kita kung bakit si Hemira ang iyong pinapunta sa Abellon upang iligtas si prinsesa Ceres." Napatingin siya rito na may ngunot na noo sa pagtataka. "Ano ang aking sinabi?" "Isugo... pinuno na babae... prinsesang api... ililigtas sa pula... pinag-alayan ng katapatan... panibagong yugto ang mabubuksan... ikalabing walo... Mababago na ang lahat-lahat... Iyon ang sinambit mo sa akin noon na iyong sabi'y galing sa isang matandang manghuhula na naghihingalo sa isang daanan." Napatango naman siya nang maalala na iyon. "Ganoon na nga. Iyan ang mga sinabi niya sa akin noon." "Ngayon ay akin nang naiintindihan ang ibig sabihin niyon. Mukhang ito ang nais niyang sabihin... Isugo ang pinunong babaeng si Hemira. Prinsesang aping si prinsesa Ceres ay kaniyang ililigtas mula sa pulang mangkukulam na si Abellona ngunit panibagong yugto ang nabuksan sa araw ring iyon na ikalabing walong kaarawan ng prinsesa. Mababago na ang lahat dahil isa na siyang mostro na noo'y isang napakabuting heneral ng kahariang ito," paliwanag nito. Doon ay natahi na nila ng tuluyan ang lahat ng mga pangyayari. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa nabuo ni Sueret na mensaheng iyon. "Sa aking tingin pa ay kaya sinabi ng manghuhula na iyon sa iyo na si Hemira ang iyong isugo upang iligtas si prinsesa Ceres ay upang magising natin ang Yin na nasa kanya. Nang sa ganoon ay maaari na nating tapusin ang henerasyon ng Yin at mabawi ang kalahating bato na nasa katawan ni Hemira. Doon ay matatapos na ang kaguluhan sa mundong ito." dagdag pa nito. Namangha siya sa taglay nitong katalinuhan. Hindi talaga siya nagkamali na gawin itong kanang kamay niya dahil sa napakatalas nitong isip. Tumango-tango siya rito ng may pagkamangha. "Sa iyong paliwanag ay lubos na akong nalinawan sa lahat ng tanong sa aking isipan. Lahat ng kasagutan sa mga iyon ay iyo nang nasabi." "At ang libro na tungkol sa alamat ng Regnum ay kasalukuyan ko pang hinahanapan ng kopya sa iba't-ibang parte nitong palasyo, mahal na hari. Naghahanap rin ako ng libro na nagsasaad ng mga bagay tungkol sa Yin at Yang upang magkaroon tayo ng kaalaman ukol sa mga kapangyarihang iyon." "Sige. Sabihin n'yo sa akin kung makahahanap pa kayo ng kopya sa librong iyon at lalo na ang tungkol na sa Yin at Yang. Siguraduhin ninyo na kapag marami ang kopyang inyong nakita ay itago n'yo iyong mabuti. Dapat nating isekreto ang tungkol sa bagay na iyon," sabi niya at agad naman na yumuko si Sueret sa kanya. "Ako na po ang bahala, mahal na hari." magalang na sabi nito at umalis na sa kaniyang silid. Nang maisara na ang pinto sa pag-alis nito ay napatingin siya sa 'di pa gaanong madilim na paligid ng kanilang palasyo ay napabuga siya ng hangin. Naalala niya ang mga tagpo nila ni Hemira noong ibinigay niya rito ang misyon upang iligtas ang prinsesang si Ceres. Hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito ang pagkatao nito. "Hindi ko inakalang sa sinserong mga matang iyon ng batang iyon ay may nagtatago pang isang pagkataong kaibang-kaiba sa kanya." nasabi niya habang iniisip ang mga bagay na kanilang napag-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD