Hemira II 3

3507 Words
Hemira 3 - Pagbangon ~Yohan~ Tok! Tok! Tok! Napalingon ako sa katok na iyon. "Prinsipe, mayroon lamang po akong nais sabihin." rinig kong sabi ng isang boses ng babae na nakaputol sa pagmumuni-muni ko at pagtingin ko sa kalangitan. Pumunta ako sa pinto saka binuksan 'yon nang kaunti. Sumilip ako at isang servant lang pala 'yon. "Anong kailangan mo?" plain na tanong ko sa kaniya. Yumuko siya lalo. "Paumanhin po prinsipe ngunit kailangan po namin ang inyong tulong para sa Liomean na si Kirion." magalang na sabi niya. "Bakit? Asan ba sila Eugene at Serafina?" "Hindi naman po pinapapasok ng Liomean si ginoong Eugene at si binibining Serafina naman po ay nag-iikot sa buong kaharian upang manggamot." Napahinga ako ng malalim. Akala ko, ako lang 'yung nasasaktan sa mga nangyari pero nakalimutan ko na mayroon nga pala akong mga kasamahan na paniguradong hindi rin matanggap ang nangyari kay Hemira. Lumabas na ako at nagpunta sa kwarto ni Kirion na itinuro sa 'kin n'ong servant. Napapatingin pa sa 'kin 'yung mga mandirigma saka mga servants na nadadaanan ko gawa ng ngayon lang ako lumabas ng kwarto ko. May mga servant na nasa labas na may dalang mga tray ng pagkain. Mga nakayuko sila sa 'kin. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok na ko sa loob. Dilim agad ang sumalubong sa mga mata ko. Isinara ko na 'yung pinto at dumeretso sa bintana saka ko binuksan 'yung kurtina n'on kaya nagkaron na ng kaunting liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan. "Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pumasok ka rito?" Napatingin ako kay Kirion na isang nemean ngayon. Nakahiga siya sa sahig sa gilid ng kama at nakapaling sa dereksyon ko 'yung ulo niya. Nakapikit 'yung mga mata niya. Napahinga akong malalim. "Ba't hindi mo pa pinagagamot 'yang mga mata mo?" "Huwag mong sagutin ang aking tanong ng isa pang tanong!" asik niya. Ibang-iba na siya sa dating Kirion. Parang kahit anong oras, pwede ka na niyang sakmalin. Nakatingin lang ako sa kaniya. Alam ko 'yung hiling niya kay Hemira dati no'ng naglalakbay pa lang kami na gusto niyang alisin 'yung pagiging nemean niya at maging liosalfar na lang siya sa tulong ni prinsesa Ceres. Sinabi sa 'kin ni Eugene na pumayag na 'yung prinsesa pero siya na ngayon ang may ayaw. Sinabi sa 'kin no'ng servant kanina na sumundo sa 'kin sa kwarto ko na miski i'yung prinsesa, ayaw niyang papasukin dito. Parehas lang kaming dalawa. Parehas naming sinisisi si prinsesa Ceres sa lahat ng nangyari kahit alam naming wala naman talaga siyang kasalanan. "Lumabas ka na rito kung wala ka namang mahalagang sasabihin," sabi niya at inilugmok na 'yung ulo niya. "Kirion, hindi mo ba naiisip na hindi lang naman ikaw 'yung nasasaktan at nagluluksa ng sobra sa pagkawala ni Hemira? Ako... Sobra-sobra rin akong nasasaktan. Sobrang naninikip 'tong dibdib ko kapag naiisip ko na hindi ko na siya makikita ulit kahit kailan." Hindi siya natinag. Nagsimula na namang kumawala ang mga luha ko. "Mugtong-mugto na 'tong mga mata ko kakaiyak at nababaliw na rin ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay pero narealize ko... Masisiyahan ba si Hemira kapag bumalik siya at nakita tayong ganito? Paano kung isang araw, bigla na lang siyang sumulpot sa harapan natin tapos nakita niya tayong ganito kalungkot? Sisisihin niya 'yung sarili niya!" Napaangat 'yung ulo niya at may mga luha na rin sa pikit na mga mata niya. "Tama si prinsesa Ceres. Tulungan natin 'yung sarili nating makabangon sa sobrang sakit na 'to. Ayusin natin 'yung mga buhay natin para kapag bumalik na sa atin si Hemira, magiging proud siya sa atin. Matutuwa siya sa atin kasi naging matatag tayo kahit wala siya. 'Yun ang gusto niya, 'di ba?" Kinagat ko 'yung ilalim kong labi para pigilan 'yung nagbabadya kong pag-iyak pero wala pa ring nagawa 'yon. Napahikbi na naman ako. "...Hindi siya 'yung tipo ng tao na gusto niyang iyakan siya kapag nawala na siya. Dapat alam mo 'yon kasi mas nauna ka sa 'kin na nakasama siya. Mas marami kayong pinagdaanan kaysa sa 'kin kaya ikaw dapat 'yung mas nakakakilala sa kaniya... kaya Kirion... Tigilan na nating mabuhay sa dilim na 'to. Hindi ko sinasabing kalimutan natin siya pero iwasan na lang natin na maalala 'yung mga masasakit na nangyari sa atin. 'yung mga masasaya lang dapat 'yung mga maalala natin kasi siya 'yung naging liwanag ng buhay natin. Siya 'yung nagbago sa atin kaya wag nating sayangin 'yung mga ginawa niya para mapabago tayo." Pinunasan ko 'yung pisngi ko. "Alam kong mahirap 'tong mga pinagsasasabi ko na gawin. Miski ako, hindi ko alam kung kailan ko nga ba talaga kayang ngumiti pero gagawin ko kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Hemira..." Napahikbi na rin siya at napaiyak. "S-sabi ni Hemira, hindi niya tayo iiwan... S-sabi ng aking ina, s-siya na ang taong hindi m-mang-iiwan sa akin kaya s-siguradong babalik siya Y-yohan, hindi ba?... Kasi hindi siya nangbabali ng kaniyang p-pangako... M-mahal niya tayo at alam kong hindi niya tayo m-magagawang iwan katulad ng s-sinasabi nila." Bakas na bakas sa boses niya ang sobrang sakit na nararamdaman niya at ang pag-asa na babalikan kami ni Hemira. Nilapitan ko siya at umupo ako sa harap niya. Kahit na marami siyang spikes sa katawan, hinawakan ko 'yung ulo niya para damayan siya. Napatingin ako sa isang lamesang malapit sa kaniya at may nakapatong doon na makapal na libro. Tumayo ako at lumapit doon. Kinuha ko yon. "'Wag din nating kalimutan si Ariadne. Kahit na matalas ang dila niya, may mga sense naman 'yung mga sinasabi niya at kaya siya namatay dahil iniligtas niya ko kay Abellona. Kung hindi niya iniharang 'yung sarili niya... ako dapat 'yung wala na ngayon. Pati si Euvan... Kahit hindi natin siya kaclose. Maging matatag na lang tayo para sa kanila, Kirion." Binuklat ko 'yon at unang page ang nakita ko. Sunog 'yung kalahati n'on at kahit kalahati lang ng nakasulat 'yung nandon, nababasa ko pa rin 'yon. Hemira. 'Yun 'yung nakasulat doon at may print pa ng palad niya na kulay pula. May mga tumulong tubig doon na galing sa mga mata ko. Babalik ka Hemira. Nararamdaman ko. Alam kong babalik ka. Kasi alam mong hindi namin kaya na wala ka sa 'min. Kaya maghihintay kami. 'yung mga pangakong iniwan mo sa amin. Alam kong tutuparin mo 'yon sa pagbabalik mo. 'Yun ang magiging assurance ko na isang araw, susulpot ka na lang at magpapakita sa amin. Kasi ikaw si Hemira. ~Tagapagsalaysay~ Hindi batid nila Yohan at Kirion na mayroong nakikinig sa kanilang pag-uusap mula sa labas ng silid na iyon. Si Eugene iyon kasama ang mga tagapagsilbi na hawak pa rin ang mga trey ng pagkain ni Kirion. Naluluha siya ng sobra ngunit pinipigilan niya lamang dahil sa mga tagapagsilbi na nasa kaniyang paligid. Nang hindi niya na kinaya ang kaniyang emosyon ay umalis na siya roon. Patuloy ang pagkawala ng mga luha sa kaniyang mga mata ngunit kaagad niya iyong pinupunasan at ibinalandra ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi upang pagtakpan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Sila ni Serafina ang nakasaksi sa nangyari kay Hemira kaya mas masakit iyon para sa kanila. Sinabi ng hari sa kanila na huwag nilang ipagsasabi sa iba ang tungkol sa itim na mahika ni Hemira upang hindi madungisan ang pagkakakilala rito ng mga tao sa kaharian. Gusto niya nang bumalik sa kaharian ng Nemos kung saan naninirahan ang dating nagmamay-ari sa kaniyang si heneral Odin ngunit hindi pa maaari dahil kailangan nilang daluhan ang pag-iisang dibdib ni Yohan kay prinsesa Ceres. "Tigilan na nating mabuhay sa dilim na 'to. Hindi ko sinasabing kalimutan natin siya pero iwasan na lang natin na maalala 'yung mga masasakit na nangyari sa atin. 'yung mga masasaya lang dapat 'yung mga maalala natin kasi siya 'yung naging liwanag ng buhay natin. Siya 'yung nagbago sa atin kaya 'wag nating sayangin 'yung mga ginawa niya para mapabago tayo." naalala niyang sabi ni Yohan kanina. "Tama siya. Hindi na dapat namin ilugmok ang aming sarili sa sakit dahil hindi iyon ang nais ni Hemira na aming gawin." mahinang sabi niya sa kaniyang sarili ngunit napatigil siya sa paglalakad nang mayroong humawak sa kaniyang kamay. Nilingon niya iyon. "Magandang gabi, ginoong Eugene. Bakit ika'y hindi pa natutulog?" tanong sa kaniya ng isang bata babaeng tagapagsilbi. Ito ang batang asas na iniligtas ni Kirion sa palasyo ng Abellon. Doon ay napabalik siya sa kaniyang sarili. Umupo siya sa harap nito upang maging kapantay ito. "Iyon ay sapagkat marami ang gumugulo sa aking isipan ngunit ngayo'y nasolusyunan ko na ang mga iyon sa tulong ng isang kaibigan." kaniyang sabi habang nakangiti rito. "Ikaw? Masaya ka ba na rito ka na sa palasyo ng Gemuria naninirahan kasama ang iyong pamilya?" Lumiwanag ang mukha nito sa kasiyahan at pananabik. "Lubos po akong nasisiyahan, ginoo sapagkat kasama ko na pong muli ang aking pamilya! Mayroon na po kaming maayos na buhay rito sa palasyo at naging tagapagsilbi pa kami ng maharlika! Hindi na rin po namin kailangang itago sa ibang tao ang pagiging asas namin sapagkat ipinakalat na ng hari ang tungkol sa tunay na nangyari sa aming lahi!" Napangiti siya lalo sa sobrang pagkatuwa nito. "Mabuti naman kung ganoon." Ngunit lumungkot ang mukha nito kaya siya ay nagtaka. "Bakit? Ano ang problema?" tanong niya. Napayuko ito at nagkutkot ng kuko. "Hindi pa po kasi ako nakakapagpasalamat kay Kirion na siyang nagligtas sa akin sa Abellon. Nais kong pumasok sa kaniyang silid at dalhan siya ng pagkain ngunit pinagbabawalan ako ng ibang tagapagsilbi dahil baka may gawin daw siya na masama sa akin ngunit batid kong hindi ganoon si Kirion. Maputi ang kaniyang puso at hinding-hindi niya ako sasaktan." Hinawakan niya ang pisngi nito upang iangat ang tingin nito sa kaniya. "Huwag kang mag-alala. Kapag maayos na ulit si Kirion ay ako mismo ang magdadala sa iyo sa kaniya upang makapagpasalamat ka." Nanlaki naman ang mga mata nito sa tuwa. "Talaga po, ginoong Eugene?!" hindi nito makapaniwalang tanong. Nginitian niya ito. "Oo naman. Pangako iyan. Ngunit sandali. Ano nga pala ang iyong pangalan? Ngayon na lamang kasi tayo nagkasalubong kaya hindi ko batid ang iyong pangalan, munting binibini." Yumuko ito ng kaunti. "Dayna po ang aking pangalan, ginoong Eugene." "Dayna? Napakagandang pangalan." puri niya rito. Napangiti ito. "Maraming salamat po. Sige po at ako'y mauuna na. Baka mayroon ka pa pong mahalagang gagawin na aking naaabala. Maraming salamat pong muli." Yumuko ito at nagpaalam na sa kaniya. Nakangiti niya itong kinawayan sa pag-alis nito. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay napahinga siya ng malalim. Naiwan lamang siyang nakatayo roon at nag-iisip ng malalim. "Sana ay maging maayos pa rin ang lahat." mahinang sabi niya muli sa kaniyang sarili at naglakad na paalis doon.. "Paumanhin po prinsipe ngunit kailangan po namin ang inyong tulong para sa Liomean na si Kirion." magalang na sabi niya. "Bakit? Asan ba sila Eugene at Serafina?" "Hindi naman po pinapapasok ng Liomean si ginoong Eugene at si binibining Serafina naman po ay nag-iikot sa buong kaharian upang manggamot." Napahinga ako ng malalim. Akala ko, ako lang 'yung nasasaktan sa mga nangyari pero nakalimutan ko na mayroon nga pala akong mga kasamahan na paniguradong hindi rin matanggap ang nangyari kay Hemira. Lumabas na ako at nagpunta sa kwarto ni Kirion na itinuro sa 'kin n'ong servant. Napapatingin pa sa 'kin ''yung mga mandirigma saka mga servants na nadadaanan ko gawa ng ngayon lang ako lumabas ng kwarto ko. May mga servant na nasa labas na may dalang mga tray ng pagkain. Mga nakayuko sila sa 'kin. Binuksan ko ''yung pinto at pumasok na ko sa loob. Dilim agad ang sumalubong sa mga mata ko. Isinara ko na ''yung pinto at dumeretso sa bintana saka ko binuksan ''yung kurtina n'on kaya nagkaron na ng kaunting liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan. "Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pumasok ka rito?" Napatingin ako kay Kirion na isang nemean ngayon. Nakahiga siya sa sahig sa gilid ng kama at nakapaling sa dereksyon ko 'yung ulo niya. Nakapikit ''yung mga mata niya. Napahinga akong malalim. "Ba't hindi mo pa pinagagamot 'yang mga mata mo?" "Huwag mong sagutin ang aking tanong ng isa pang tanong!" asik niya. Ibang-iba na siya sa dating Kirion. Parang kahit anong oras, pwede ka na niyang sakmalin. Nakatingin lang ako sa kaniya. Alam ko ''yung hiling ni ya kay Hemira dati no'ng naglalakbay pa lang kami na gusto niyang alisin ''yung pagiging nemean niya at maging liosalfar na lang siya sa tulong ni prinsesa Ceres. Sinabi sa 'kin ni Eugene na pumayag na ''yung prinsesa pero siya na ngayon ang may ayaw. Sinabi sa 'kin no'ng servant kanina na sumundo sa 'kin sa kwarto ko na miski i'yung prinsesa, ayaw niyang papasukin dito. Parehas lang kaming dalawa. Parehas naming sinisisi si prinsesa Ceres sa lahat ng nangyari kahit alam naming wala naman talaga siyang kasalanan. "Lumabas ka na rito kung wala ka namang mahalagang sasabihin," sabi niya at inilugmok na ''yung ulo niya. "Kirion, hindi mo ba naiisip na hindi lang naman ikaw ''yung nasasaktan at nagluluksa ng sobra sa pagkawala ni Hemira? Ako... Sobra-sobra rin akong nasasaktan. Sobrang naninikip 'tong dibdib ko kapag naiisip ko na hindi ko na siya makikita ulit kahit kailan." Hindi siya natinag. Nagsimula na namang kumawala ang mga luha ko. "Mugtong-mugto na 'tong mga mata ko kakaiyak at nababaliw na rin ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay pero narealize ko... Masisiyahan ba si Hemira kapag bumalik siya at nakita tayong ganito? Paano kung isang araw, bigla na lang siyang sumulpot sa harapan natin tapos nakita niya tayong ganito kalungkot? Sisisihin niya 'yung sarili niya!" Napaangat ''yung ulo niya at may mga luha na rin sa pikit na mga mata niya. "Tama si prinsesa Ceres. Tulungan natin ''yung sarili nating makabangon sa sobrang sakit na 'to. Ayusin natin ''yung mga buhay natin para kapag bumalik na sa atin si Hemira, magiging proud siya sa atin. Matutuwa siya sa atin kasi naging matatag tayo kahit wala siya. 'Yun ang gusto niya, 'di ba?" Kinagat ko ''yung ilalim kong labi para pigilan ''yung nagbabadya kong pag-iyak pero wala pa ring nagawa 'yon. Napahikbi na naman ako. "...Hindi siya ''yung tipo ng tao na gusto niyang iyakan siya kapag nawala na siya. Dapat alam mo 'yon kasi mas nauna ka sa 'kin na nakasama siya. Mas marami kayong pinagdaanan kaysa sa 'kin kaya ikaw dapat ''yung mas nakakakilala sa kaniya... kaya Kirion... Tigilan na nating mabuhay sa dilim na 'to. Hindi ko sinasabing kalimutan natin siya pero iwasan na lang natin na maalala ''yung mga masasakit na nangyari sa atin. ''yung mga masasaya lang dapat ''yung mga maalala natin kasi siya ''yung naging liwanag ng buhay natin. Siya ''yung nagbago sa atin kaya wag nating sayangin ''yung mga ginawa niya para mapabago tayo." Pinunasan ko ''yung pisngi ko. "Alam kong mahirap 'tong mga pinagsasasabi ko na gawin. Miski ako, hindi ko alam kung kailan ko nga ba talaga kayang ngumiti pero gagawin ko kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Hemira..." Napahikbi na rin siya at napaiyak. "S-sabi ni Hemira, hindi niya tayo iiwan... S-sabi ng aking ina, s-siya na ang taong hindi m-mang-iiwan sa akin kaya s-siguradong babalik siya Y-yohan, hindi ba?... Kasi hindi siya nangbabali ng kaniyang p-pangako... M-mahal niya tayo at alam kong hindi niya tayo m-magagawang iwan katulad ng s-sinasabi nila." Bakas na bakas sa boses niya ang sobrang sakit na nararamdaman niya at ang pag-asa na babalikan kami ni Hemira. Nilapitan ko siya at umupo ako sa harap niya. Kahit na marami siyang spikes sa katawan, hinawakan ko ''yung ulo niya para damayan siya. Napatingin ako sa isang lamesang malapit sa kaniya at may nakapatong doon na makapal na libro. Tumayo ako at lumapit doon. Kinuha ko yon. "'Wag din nating kalimutan si Ariadne. Kahit na matalas ang dila niya, may mga sense naman ''yung mga sinasabi niya at kaya siya namatay dahil iniligtas niya ko kay Abellona. Kung hindi niya iniharang 'yung sarili niya... ako dapat ''yung wala na ngayon. Pati si Euvan... Kahit hindi natin siya kaclose. Maging matatag na lang tayo para sa kanila, Kirion." Binuklat ko 'yon at unang page ang nakita ko. Sunog ''yung kalahati n'on at kahit kalahati lang ng nakasulat ''yung nandon, nababasa ko pa rin 'yon. Hemira. 'Yun ''yung nakasulat doon at may print pa ng palad niya na kulay pula. May mga tumulong tubig doon na galing sa mga mata ko. Babalik ka Hemira. Nararamdaman ko. Alam kong babalik ka. Kasi alam mong hindi namin kaya na wala ka sa 'min. Kaya maghihintay kami. ''yung mga pangakong iniwan mo sa amin. Alam kong tutuparin mo 'yon sa pagbabalik mo. 'Yun ang magiging assurance ko na isang araw, susulpot ka na lang at magpapakita sa amin. Kasi ikaw si Hemira. ~Tagapagsalaysay~ Hindi batid nila Yohan at Kirion na mayroong nakikinig sa kanilang pag-uusap mula sa labas ng silid na iyon. Si Eugene iyon kasama ang mga tagapagsilbi na hawak pa rin ang mga trey ng pagkain ni Kirion. Naluluha siya ng sobra ngunit pinipigilan niya lamang dahil sa mga tagapagsilbi na nasa kaniyang paligid. Nang hindi niya na kinaya ang kaniyang emosyon ay umalis na siya roon. Patuloy ang pagkawala ng mga luha sa kaniyang mga mata ngunit kaagad niya iyong pinupunasan at ibinalandra ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi upang pagtakpan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Sila ni Serafina ang nakasaksi sa nangyari kay Hemira kaya mas masakit iyon para sa kanila. Sinabi ng hari sa kanila na huwag nilang ipagsasabi sa iba ang tungkol sa itim na mahika ni Hemira upang hindi madungisan ang pagkakakilala rito ng mga tao sa kaharian. Gusto niya nang bumalik sa kaharian ng Nemos kung saan naninirahan ang dating nagmamay-ari sa kaniyang si heneral Odin ngunit hindi pa maaari dahil kailangan nilang daluhan ang pag-iisang dibdib ni Yohan kay prinsesa Ceres. "Tigilan na nating mabuhay sa dilim na 'to. Hindi ko sinasabing kalimutan natin siya pero iwasan na lang natin na maalala ''yung mga masasakit na nangyari sa atin. ''yung mga masasaya lang dapat ''yung mga maalala natin kasi siya ''yung naging liwanag ng buhay natin. Siya ''yung nagbago sa atin kaya 'wag nating sayangin ''yung mga ginawa niya para mapabago tayo." naalala niyang sabi ni Yohan kanina. "Tama siya. Hindi na dapat namin ilugmok ang aming sarili sa sakit dahil hindi iyon ang nais ni Hemira na aming gawin." mahinang sabi niya sa kaniyang sarili ngunit napatigil siya sa paglalakad nang mayroong humawak sa kaniyang kamay. Nilingon niya iyon. "Magandang gabi, ginoong Eugene. Bakit ika'y hindi pa natutulog?" tanong sa kaniya ng isang bata babaeng tagapagsilbi. Ito ang batang asas na iniligtas ni Kirion sa palasyo ng Abellon. Doon ay napabalik siya sa kaniyang sarili. Umupo siya sa harap nito upang maging kapantay ito. "Iyon ay sapagkat marami ang gumugulo sa aking isipan ngunit ngayo'y nasolusyunan ko na ang mga iyon sa tulong ng isang kaibigan." kaniyang sabi habang nakangiti rito. "Ikaw? Masaya ka ba na rito ka na sa palasyo ng Gemuria naninirahan kasama ang iyong pamilya?" Lumiwanag ang mukha nito sa kasiyahan at pananabik. "Lubos po akong nasisiyahan, ginoo sapagkat kasama ko na pong muli ang aking pamilya! Mayroon na po kaming maayos na buhay rito sa palasyo at naging tagapagsilbi pa kami ng maharlika! Hindi na rin po namin kailangang itago sa ibang tao ang pagiging asas namin sapagkat ipinakalat na ng hari ang tungkol sa tunay na nangyari sa aming lahi!" Napangiti siya lalo sa sobrang pagkatuwa nito. "Mabuti naman kung ganoon." Ngunit lumungkot ang mukha nito kaya siya ay nagtaka. "Bakit? Ano ang problema?" tanong niya. Napayuko ito at nagkutkot ng kuko. "Hindi pa po kasi ako nakakapagpasalamat kay Kirion na siyang nagligtas sa akin sa Abellon. Nais kong pumasok sa kaniyang silid at dalhan siya ng pagkain ngunit pinagbabawalan ako ng ibang tagapagsilbi dahil baka may gawin daw siya na masama sa akin ngunit batid kong hindi ganoon si Kirion. Maputi ang kaniyang puso at hinding-hindi niya ako sasaktan." Hinawakan niya ang pisngi nito upang iangat ang tingin nito sa kaniya. "Huwag kang mag-alala. Kapag maayos na ulit si Kirion ay ako mismo ang magdadala sa iyo sa kaniya upang makapagpasalamat ka." Nanlaki naman ang mga mata nito sa tuwa. "Talaga po, ginoong Eugene?!" hindi nito makapaniwalang tanong. Nginitian niya ito. "Oo naman. Pangako iyan. Ngunit sandali. Ano nga pala ang iyong pangalan? Ngayon na lamang kasi tayo nagkasalubong kaya hindi ko batid ang iyong pangalan, munting binibini." Yumuko ito ng kaunti. "Dayna po ang aking pangalan, ginoong Eugene." "Dayna? Napakagandang pangalan." puri niya rito. Napangiti ito. "Maraming salamat po. Sige po at ako'y mauuna na. Baka mayroon ka pa pong mahalagang gagawin na aking naaabala. Maraming salamat pong muli." Yumuko ito at nagpaalam na sa kaniya. Nakangiti niya itong kinawayan sa pag-alis nito. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay napahinga siya ng malalim. Naiwan lamang siyang nakatayo roon at nag-iisip ng malalim. "Sana ay maging maayos pa rin ang lahat." mahinang sabi niya muli sa kaniyang sarili at naglakad na paalis doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD