Hemira 8 - Muhi
Kinabukasan...
~Yohan~
Nandito ulit ako sa pamilihan ng Adon para hanapin 'yung babaeng nakita ko kahapon na sa tingin ko talaga ay si Hemira.
Nakasuot lang ulit ako ng pangwarrior ng Gemuria at nagtitingin-tingin sa mga babae na nandito.
May nakita akong isang babae na parang si Hemira kapag nakatalikod kaya nilapitan ko 'yon at iniharap siya sa 'kin.
"Hem—"
Nadisappoint ako nang hindi na naman si Hemira 'yon pero ang malupit, isang malutong na sampal na naman ang nakuha ko.
Napatingin tuloy sa 'min 'yung marami sa mga tao rito.
"Bastos!" Galit na galit 'yung tingin niya sa 'kin na kala mo eh ginawan ko siya ng napakasama katulad ng iba kanina.
Hinawakan ko lang naman 'yung balikat nila. Ano bang masama ro'n?
Umalis na siya at napahinga na lang ako ng malalim.
Napahawak ako sa pisngi ko na mahapdi na at ginalaw-galaw ko 'yung ngipin ko para ma-excercise 'yung panga ko.
Limang sampal na 'yung nakuha ko ngayong araw at ang sasakit n'on kasi mga lagapak talaga pero hindi ako susuko.
Kahit na bigwas pa ang gawin sakin ng mga babaeng mapagkakamalan ko rito, hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap si Hemira.
Tiningnan ko na ulit 'yung mga tao at mga nakatingin sila sa 'kin lalo na 'yung mga nagtitinda.
"Lumayo kayo sa lalaking yaon. Marami na siyang babaeng nabastos. Mayamaya ay hindi nating malalaman kung ano ang kaniyang mga gagawin pa."
"Sayang naman ang binatang iyon. Mandirigma pa naman siya ng Gemuria ngunit tila hindi naman totoo na mabubuti ang mga mandirigmang iyon. Heto at mayroong isa na sa kasikatan ng araw ay namamastos ng mga babae."
Nangunot 'yung noo ko sa narinig kong bulungan no'ng dalawang ale tsaka dalawa pang babae na mga namimili kaya hindi ko napigilan na lumapit sa kanila.
Iwas naman agad sila ng tingin sa 'kin at patay malisyang pinagpatuloy 'yung pag-aayos ng mga paninda nila tapos 'yung dalawang babae, kunwari na namimili sa paninda.
Pagkalapit ko sa kanila, nakatayo lang ako kaya tumingin na sila sa 'kin. "B-bibili ka ba, binatang mandirigma?" tanong sa 'kin no'ng pinakamatanda sa kanila.
Tiningnan ko sila lahat at napatitig sa 'kin 'yung dalawang babae.
Napasinghap pa 'yung isa.
"Mawalang galang na ho pero hindi po ako namamastos ng mga babae gaya ng sabi n'yo sa kanila. Mayroon lang po akong hinahanap na isang tao kaya ko ginagawa 'yon." paliwanag ko sa kanila.
"Oo nga naman ho, nana Sel! Mukhang hindi naman intensyon na mamastos ng binatang ito gaya ng iyong sabi!" bulalas no'ng isang matandang babae na kachismisan niya kanina lang.
Laglagan na agad sila.
Para namang napahiya 'yung ale na 'yon. "Paumanhin, binata. Hindi ko naisip na mayroon ka palang rason sa iyong ginagawa ngunit sa susunod ay huwag kang basta-basta lamang hahawak sa mga babae ng walang kanilang permisyon. Mabuti na lamang at ika'y isang mandirigma. Kung hindi ay lahat ng babaeng iyong hinawakan ay hinahabol ka na para iyong pakasalan."
Nanlaki naman 'yung mga mata ko. "Kasal agad?! Sa balikat lang ako humawak, pakakasalan ko agad?!" What the f*ck?! Panahon ba 'to ni Maria Clara?!
Nangunot 'yung noo no'ng mga nandito. Kahit na 'yung mga ibang nakarinig, nangunot din 'yung mga noo.
"Bakit binata? Hindi ba itinuro sa iyo ng iyong mga magulang ang ganoon kahalagang panuntunan sa buhay ng babae at lalaki?" tanong sa 'kin no'ng nana Sel.
Napakamot ako ng batok ko. " A-ahh... Hehe. Sige ho. Una na ho 'ko. Mayroon pa akong hinahanap."
Hindi pa sila nakakareact, umalis na kaagad ako.
Syete. Di ko alam 'yung tungkol doon ah.
Mas luma pa yata 'tong panahon na 'to kaysa kina Maria Clara.
Tsk. Pero nagsayang ako ng oras.
Nakalimutan ko na 'yung pakay ko talaga rito.
'Yun ay ang hanapin si Hemira.
Tumawag kaya ako ng tutulong sakin?
Sa mga pixias, sino ba?
Walang pwede.
Miski sa Gents, Maidens tsaka Nymph.
Baka kasi magalit sila sa 'kin kapag inabala ko sila na hindi naman labanan 'yung aabutan nila.
Tsk. Ako na nga lang.
"Argyris!"
Napalingon ako bigla sa tumawag na sa 'kin na 'yon.
Akala ko kung sino na... Si Euphemia lang pala.
Hindi ko naman siya tinawag ah.
Patakbo siyang lumapit sa 'kin habang ngiting-ngiti.
"Oh?" tanong ko sa kanya.
Mas magara 'yung suot niya ngayon kaya mas lumitaw 'yung kagandahan niya pero wala siyang epekto sa 'kin.
Nagkaroon ng pagtataka 'yung mukha niya. "Argyris, bakit naririto kang muli? At sa tingin ko ay mayroon kang hinahanap." Paano niya kaya nalaman na may hinahanap ako? Nakita niya ba 'ko?
Umiling-iling lang ako. "Wala. Bumalik ka na sa ginagawa mo at 'wag mo na 'kong pansinin."
Maglalakad na sana ako paalis pero pinigilan niya ako sa paghawak sa braso ko.
Napabuga ako ng hangin at tinatamad na hinarap siya.
"Ano?" masungit na tanong ko sa kanya.
"May nais lamang akong itanong. Nakita ko kahapon ang lalaking sumundo sa iyo. Ang tawag niya sa iyo'y prinsipe. Tama ba ang aking pandinig o isa kang tunay na prinsipe?" Halatang curious na curious siya sakin.
"Hindi ako prinsipe, okay. Mandirigma ako kaya puwede bang hayaan mo na lang ako kasi may mahalaga pa akong hinahanap?" Tinabig ko na 'yung kamay niya para mapabitaw siya sakin.
Naglakad na ako paalis pero pagtingin ko sa tumabi sa 'kin, siya na ngiting-ngiti pa rin.
Wala ba siyang magawa sa buhay niya at ako ang kinukulit niya? Kita nang busy ako.
"Sabihin mo sa akin kung sino ang iyong hinahanap. Baka matulungan pa kita."
Tumigil ako ng paglalakad at tiningnan siya. "Matagal ka na ba rito?" tanong ko.
Napatigil din siya sa paglalakad at hinarap ako. "Hindi gaano. Wala pang isang linggo na ako'y nagpupunta rito."
Siguro, puwede ko na rin siyang makuhaan ng information. Baka sakaling nakita niya si Hemira rito o anuman.
"Kung gano'n. mayroon ka bang nakitang babae rito na maganda, may pagkaamozana siya tapos astig. Itim 'yung buhok niya na straight saka mahaba pero nakaipit 'yon tapos—"
Napatigil ako sa pagsasalita ko nang inilapat niya 'yung daliri niya sa bibig ko.
Nangunot tuloy 'yung noo ko at napatingin sa kaniya pero nagtaka ako kase parang nagtatampo 'yung tingin niya sa 'kin.
"Alam mo bang hindi ako sanay kapag mayroong lalaki sa aking harapan ngunit ibang babae naman ang hinahanap?" Tsk. Imbis na maghahanap ako ng matiwasay, may dumating naman ng panggulo.
Umalis na lang ako sa harapan niya para wala nang tanong-tanong at usap-usap.
Kailangan ko pang i-save ang energy ko sa paghahanap kay Hemira.
"Argyris!" rinig kong tawag sa 'kin ni Euphemia kaya tumakbo na 'ko.
Lumingon ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinahabol niya 'ko.
"Sh*t! Ano bang problema no'ng babaeng 'yon?!" Tsk! Tama ba na tinanggap ko siya bilang isa sa mga Maiden ko?
Parang magiging sakit ko siya sa ulo.
Tumakbo ako ng mabilis at swabeng iniiwasan 'yung mga nakaharang sa daanan ko.
Maraming nagugulat sa 'kin.
Nang mayroong padaan na parang kariton pero mas maikli 'yon ng kaunti na may nakapatong na mga bloke ng yelo sa dadaanan ko ay tumalon ako ng mataas saka tumambling sa ere.
Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa action pero sa katangahan ko at sa bigat ng armor ko, mali 'yung naging paglanding ko at nauna 'yung dibdib ko sa lupa.
"AUGHHHH!"
Plakdang-plakda ako at marami pang napasinghap dahil sa nangyari sa 'kin.
F*cksh*t! Ang sakit!
Parang naalog lahat ng laman loob ko.
Pakiramdam ko, nagkapalit na ng puwesto 'yung atay at baga ko.
May mga lumapit sa 'kin para tulungan akong tumayo.
"Binata, ayos ka lamang ba?" tanong sa 'kin ng isang di gaanong matandang lalaki na nagmamagandang loob.
"O-opo..." pagsisinungaling ko kahit na lahat ng kasu-kasuan ko lalo na 'yung dibdib ko, nasakit.
Tinulungan ako ng marami na makatayo.
Si Euphemia kasi may gawa nito eh!
Kung hindi niya 'ko kinukulit, hindi ko siya tatakbuhan.
Tanga ko rin kasi.
Gagawa-gawa ng mga deadly stunts na kala mo, ako si Hemir—.
"H-hemira?" wala sa sariling kong sabi nang mapatingin ako sa isang babaeng nakatalikod at naglalakad palayo.
Nakasuot siya ng cloak na itim at nakababa 'yung hood niya kaya nakikita ko 'yung mahaba niyang buhok na itim na itim.
Agad akong bumitaw sa mga nakahawak sa 'kin at tumakbo para sundan 'yung babae na 'yon.
"Hemira!" sigaw ko pero ang daming tao na naglalakad at humaharang sa dadaanan ko.
Pinilit kong tumingkayad para hindi mawala sa paningin ko 'yung babae na 'yon.
Bullsh*t!
Baka mawala na naman siya sa paningin ko!
Gagawa na sana ako ng mahikang hangin pero lumuwag na 'yung daanan kaya mas pinili ko na habulin na kaagad 'yung babaeng 'yon.
Buti, hindi siya nawala sa paningin ko.
"Hemira!" Nagkakandatisod-tisod na ko sa pagtakbo pero hindi ko hinayaan na mawala sa paningin ko 'yung babaeng 'yon.
Mga natutulak at nahahawi ko na rin 'yung mga taong humaharang sa 'kin.
Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
'Yung lakas ng t***k ng puso ko saka 'yung pagsakit ng tiyan ko sa kaba.
"Hemira!"
Abot kamay ko na siya nang biglang humarang sa 'kin si Euphemia kaya hindi na agad ako nakapreno ng takbo at nabunggo ko siya.
Natumba kami parehas at nadaganan ko siya.
"Aray..." reklamo niya saka nagmulat.
Napatingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa 'kin.
Napatulala siya sa 'kin pero sobrang pagkabwisit 'yung naramdaman ko.
"Baliw ka ba?!" sigaw ko sa kaniya na galit na galit.
Umalis na rin ako sa pagkakadagan sa kaniya at hinanap 'yung babaeng sinusundan ko kanina pero hindi ko na makita.
Napakuyom ako ng sobra ng kamao ko.
Tangina! Bullsh*t talaga!
"Bakit ka lubos na nagagalit? Ano ba ang aking gina—"
Tiningnan ko siya ng sobrang talim at kung lalaki lang siya, baka kinuwelyuhan ko na siya sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Sobrang pagkagulat 'yung bumakas sa mukha niya.
Hindi niya alam kung ano 'yung ginawa niya sa 'kin.
Kaunti na lang, mapapaharap ko na sa 'kin 'yung babaeng sinusundan ko pero hinarangan niya ko.
F*cksh*t talaga! Nanggagalaiti ako kapag iniisip ko.
"'Wag na wag mo na 'kong lalapitan kahit kailan! Hindi na rin kita isasummon!" sigaw ko sa kaniya at tumayo na 'ko.
Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa paligid ko.
Marami na naman ang mga tao na naglalakad kaya mahihirapan akong makita ulit 'yung babae na 'yon.
"Air Maiden, let me borrow thy power! Air magic rel—"
Napatigil ako nang mapatingin ako sa isang direksyon.
Nawala 'yung hangin na unti-unting pumapalibot sa 'kin.
Unti-unti nang nawawalan ng lakas ang tuhod ko at nagsisimula na ulit mamuo ang mga luha ko.
Nakita ko na...
'Yung babaeng sinusundan ko kanina... Nakita ko na ulit...
May kausap siyang isang babaeng matanda pero...
Pero hindi siya si Hemira.
Kahit side view niya lang ang nakikita ko, alam ko na agad na hindi siya si Hemira.
Napakuyom ako ng kamao ko sa nararamdaman ko.
Lahat ng disappointments na naramdamaan ko noon...
Walang-wala sa nararamdaman ko ngayon.
Sobra na 'kong umasa na si Hemira 'yon... pero mali pa rin ako.
"Dapat ay tigilan mo na ang pagpapaniwala sa sarili mo sa isang bagay na alam mo namang hindi mangyayari kahit kailan. Masakit man itong marinig ngunit kailangan mong tanggapin dahil ito ang tama."
Hindi lang sakit ang nararamdaman ko sa tuwing pinamumukha nila sa 'kin na wala na si Hemira.
Parang dinidikdik nila 'yung puso ko at hindi nila alam 'yon.
Hindi rin nila maiintindihan 'yon kasi hindi naman sila ako.
"Tulungan mo ang sarili mong makamove-on kasi hindi mo lang dapat kay Hemira pinapaikot ang mundo mo."
Paano ko hindi paiikutin ang mundo ko sa kaniya kung siya mismo ang mundo ko?...
Paano?...
"Sabi nga 'di ba sa modern world. Life goes on."
Life goes on?
Paano ko ipapatuloy ang buhay ko kung mismong si Hemira ang buhay ko.
Siya ang buhay ko at ngayong unti-unti na sa 'king nagsisink in wala na talaga siya... parang unti-unti na rin akong nawawalan ng buhay at namamatay.
Nagsimula na akong humikbi.
Nararamdaman ko ang mga pagbundol sa 'kin ng mga taong dumadaan pero hindi ako natinag.
Tinakpan ko 'yung mukha ko kasi ayaw kong makita ng napakaraming tao rito kung gaano ako kahina ngayon.
Kung gaano ako nasasaktan at kung gaano ako nagdurusa sa lahat ng narealize ko.
Inalis ko na 'yung pagkakatakip ko sa mukha ko at tumingin ako sa kalangitan. "Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Hemira?!" sigaw ko.
"Akala ko ba, mahal mo rin ako?! Pero bakit mo 'ko iniwan?!"
Nagtitinginan na sa 'kin 'yung mga tao pero wala akong pakialam.
"Tangina naman oh! Bakit 'di ka man lang nagbigay ng clue na iiwan mo kami?! Hah?! Bakit bumibisita ka sa mga panaginip ko na parang buhay ka pa at kailangan lang kitang iligtas?! Pinaglalaruan mo ba ako?! Pinagtitripan mo ba 'yung nararamdaman ko sa 'yo?! Kung gano'n 'yung ginagawa mo, hindi ka nakakatuwa!"
May biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako ro'n.
Si Euphemia 'yon.
Puno ng pagkaawa 'yung mga mata niya sa 'kin. "'Wag mong punuin ng pagkamuhi ang iyong puso. Hindi mo alam na iyon ang magiging punyal na hihiwa mismo roon." Bakas ang pakikiusap sa boses niya.
Nainis ako sa sinabi niya. "Hindi ko kailangan ng advice mo!"
Doon ay umalis na ako habang nakayuko lang.
Ngayon, narealize ko na.
Tama sila Seth. Tama si prinsesa Ceres.
Wala na si Hemira.
Wala na siya.
Hindi ko lang dapat paikutin sa kaniya 'yung mundo ko kasi hindi lang naman siya ang babae rito.
Life goes on. Tama.
Mabubuhay na rin ako para sa sarili ko.
Hindi na ako aasa na babalikan niya pa kami kasi hindi na mangyayari 'yon.
Iniwan niya na kami kahit nangako siya na sabay-sabay kaming babalik sa Gemuria.
Sinungaling siya at manloloko kasi sabi niya, walang iwanan.
Ayoko na sa kanya.
I hate her.
She's selfish.
Promise broker.
Paasa.
Ang sama-sama niya.
Kinuha niya ko na nananahimik lang sa modern world tapos ngayon, sasaktan niya lang pala ako dito ng sobra-sobra.
Hindi ko na siya gusto.
Hindi ko na siya mahal.
Gagantihan ko siya.
Mambababae ako.
Kahit nasaan siya ngayon, ipapamukha ko sa kaniya na hindi na siya kawalan sa 'kin.
Sasaktan ko rin siya ng sobra gaya ng ginawa niya sa 'kin.
Pakakasalan ko na si prinsesa Ceres kasi si Ceres, may gusto sa 'kin at hindi paasa.
Magkakaroon kami ng maraming mga anak para pagbalik niya— scratch that. Para kung nasaan siya ngayon at nanonood sa 'min, sobra-sobra rin siyang masasaktan sa buhay na mayroon na ako.
May tumulo na namang mga luha mula sa 'kin at mabilis kong pinunasan 'yon.
Hindi ko na gagaguhin ang sarili ko para sa 'yo, Hemira.
Kahit multuhin mo pa ako o ano, kahit bisitahin mo pa ako sa panaginip ko, hindi na ako aasa sa 'yo.
Kasi tanggap na tanggap ko na na wala ka na talaga.
*—* * *—*
"Prinsipe Argyris! Saan ka na naman nanggaling?!" bungad kaagad sa 'kin ni Seth sa may gate pa lang ng palasyo ng Gemuria.
Kasama niya sila David at Zetes na mga alalang-alala sa 'kin.
Hindi ko sila pinansin at dinaanan ko lang sila.
Nakapasok na ako sa loob at paakyat na ng hagdan pero humarang sa 'kin si David kasunod na sila Seth.
"Prinsipe, bukas na ang kasal ninyo ni prinsesa Ceres. Mayroon ka bang pinaplano na tatakas ka sa araw na iyon?" tanong sakin ni David.
Nakatingin lang ako sa kaniya ng seryoso.
Mas nilapitan ako ni Seth. "Nanggaling ka na naman ba sa pamilihan ng Adon?"
Napaiwas ako ng tingin.
"Prinsipe, isipin mo naman ang mararamdaman ni prinsesa Ceres kapag nalaman niya ang iyong mga pinaggagagawa. Bukas na ang kasal ninyo ngunit halatang hindi ka pa handa para doon," sabi ni David.
"Siguradong masasaktan siya ng lubos kapag hindi ka dumalo sa inyong kasalan bu—"
"Pupunta ako." plain na sabi ko.
Natigilan 'yung dalawa at si Zetez, mataman lang na nakatingin sa 'kin.
"A-ano p-p-prinsipe? P-pupunta ka sa inyong kasal?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni David.
Seryoso lang akong tumango sa kanila at hinawi sila ng di gaanong malakas para makadaan na ako.
Napatingin ako sa nasa pinakadulong hakbang ng hagdanan.
Si prinsesa Ceres 'yon kasama 'yung mga servants niya.
Nakatulala siya sa 'kin at hindi makapaniwala 'yung mukha niya.
Napahinga ako ng malalim.
Umakyat na ako at hinarap siya.
Nakatulala pa rin siya sa 'kin.
Yinakap ko siya at sabay-sabay na napaiwas ng tingin 'yung mga servants niya.
Naramdaman ko rin 'yung pagkagulat niya sa katawan niya dahil sa ginawa ko.
Wala akong nararamdamang special pero alam kong matututunan ko rin siyang magustuhan someday.
"'Wag kang mawawala bukas." bulong ko sa kaniya pero alam kong narinig pa rin 'yon ng mga malapit sa 'min.
Naramdaman ko 'yung pagtango niya.
Humiwalay na 'ko ng yakap sa kaniya at naglakad na.
Nilagpasan ko na sila ng walang lingong likod.
Narinig ko pa 'yung impit na tilian ng mga babaeng servants niya sa kilig.
Tama 'yung ginawa mo, Yohan.
Tama 'yon at wala nang balikan.
Wala ng atrasan.
~Tagapagsalaysay~
Naglalakad si Melba sa pasilyo ng kanilang palasyo para hanapin si Euvan.
Sadyang mailap sa kaniya ang binata ngunit hindi siya susuko rito.
Ito ang tanging nakapagpaibig sa kaniya kaya gagawin niya ang lahat upang masuklian nito ang pag-ibig niya.
"Euvan! Naririto na ang iyong pinakamamahal na si Melba! Magpakita ka na sa akin!" sigaw niya at hinawi ang kaniyang buhok sa gitna upang makakita siya nang maayos ngunit napatigil siya sa paglalakad nang masalubong niya si Handro.
Yumuko kaagad siya dito.
"Magandang araw po, ginoong Handro." bati niya rito.
Tumango ito sa kaniya at naglakad na ito paalis.
Ito ang nagligtas ng kaniyang buhay.
Nagising na lamang siya isang araw na ito ang nagbabantay sa kaniya kasama na si Euvan.
Hindi nito sinabi kung ano ang nangyari sa kaharian ngunit hindi niya na lamang iyon inalam sapagkat kay Euvan na napunta ang kaniyang atensyon.
Masaya siya kapag nakikita ang binata at mas nagustuhan niya ito dahil itim na ang buhok nito, di tulad ng una niya itong makalaban na puting-puti ang buhok nito.
"Melba, narinig mo ba ang aking sinabi?"
Napabalik siya sa kaniyang sarili nang magsalita si Handro sa kaniyang harapan.
"P-po?" mangang tanong niya rito.
"Ang aking sabi ay binabantayan mo ba nang maayos ang silid na aking sinabi sa iyo?" tanong nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya. "Silid? Ano pong silid?"
Tila nagkaroon ng inis ang mukha nito ngunit kinalma nito ang sarili. "Ang silid sa pinakadulo at pinakatagong parte ng palasyong ito. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na bantayan mo iyon?"
Tila hindi niya maalala na nagsabi ito ng ganoon sa kaniya dati. Marahil ay hindi siya nakikinig nang iutos sa kaniya iyon at tanging kay Euvan lamang nakatutok ang kaniyang atensyon.
"Patawad po, ginoong Handro kung hindi ko po naintindihan ang inyong inutos. Ngayon po ay babantayan ko na iyon ng mabuti." magalang niya na sabi.
"Huwag mong hahayaan na makalapit doon si Hemira, naiintindihan mo ba?"
Tila nakaramdam siya ng kuryosidad sa sinabi nito ngunit hindi na lamang siya nagtanong. "Masusunod po."
Doon ay umalis na ito at nakatingin lamang siya rito.
"Ano kaya ang laman ng silid na kaniyang tinutukoy at ayaw niyang palapitin si prinsesa Hemira roon?" tanong niya sa kaniyang sarili ngunit ipinilig niya ang kaniyang ulo.
Isinawalang bahala niya na iyon at hinanap na muli si Euvan.