HYACINTH’S POV Nakarating kami sa isang park. Medyo tago siya kaya naman dalawa lang kami ni Axel ang nandirito. Oo,kaming dalawa lang. Umupo ako sa ilalim ng puno habang si Axel naglalakad at tumitingin sa mga bulaklak. Nakita kong pipitasin niya yung bulaklak na rose. Pero diba may thorns ang rose? “Ouch!” ohh tinginan mo =____= Siya yun. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Saka ko tiningnan yung kamay niyang may dugo. “Ano na naman ba kasing katangahan ang pumasok sa utak mo?” sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin doon sa sugat niya. Kinuha ko yung panyo ko saka ko pinunasan yung dugo sa kamay niya. “Okay ka lang ba?” mahinahong tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot siya ay wala. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya saken. Tapos ngumiti siya. “I miss the

