NAPABUNTONG HININGA si Lyn at matamis na napangiti pagkagising niya kinabukasan. Kahit nang dumilat siya at marealize na alas nuwebe na ng umaga – tanghali na ‘yon para sa kaniya – hindi nasira ang mood niya. Nawala lang ang ngiti niya nang mapansing wala na si Benedict sa tabi niya. Nagpanic siya. Napabangon at kipkip sa dibdib ang kumot na tatayo na sana nang bumukas ang pinto ng banyo. Nakatapis lang ng tuwalya ang lower body habang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang basang buhok. Natigilan ito nang makitang gising na siya. Natunaw ang puso ni Lyn nang biglang ngumiti ang kanyang asawa. Lumapit pa sa kaniya kahit hindi pa nakakapagbihis. Hindi nito ginagawa ‘yon dati. “Good morning,” bati ni Benedict na yumuko at ginawaran siya ng magaan

