“Don’t cry,” malumanay na sabi ni Benedict. Saka lang niya narealize na namamasa na pala ang mga mata niya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi sa pagbabakasakaling mako-kontrol niya ang emosyon. Kaso hindi talaga kaya eh. Tumakbo siya palapit kay Benedict na halatang nagulat nang bigla niya itong yakapin ng mahigpit. Nawala pa nga sila sa balanse at muntik na matumba kung hindi lang ito nakakapit agad at mahigpit na nayakap ang kanyang baywang. Humikbi siya. Na naging iyak. “Nakakainis,” maktol ni Lyn habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Benedict. “Nagiging iyakin na ako lately. Bakit ga’non? Dati kahit gaano kahirap ang buhay namin, kahit gaano ako nasasaktan sa sinasabi ng mga tao, kahit gaano ako nalulungkot, hindi ako umiiyak. Bakit pagdating sa’yo

