ALAS diyes na ng gabi pero di pa rin makatulog si Ashley. Tulog na ang mga tao sa bahay pero di pa rin siya inaantok. Nakatunghay lang siya sa Christmas tree at naalala kung paanong siya ang naglalagay sa tuktok ng Christmas star. Pakiramdam niya kapag Pasko noon ay di siya umalis sa pagiging bata. And she felt that way again. Masaya siya dahil may magaganda siyang alaala at naalala din niya ang mga lumang alaala. “Gising ka pa rin?” untag sa kanya ni Robinson. “Ikaw nga akala ko kanina ka pa tulog.” Matapos kasi nitong buhatin sa kuwarto ang dalawang bata na nakatulog sa kwentuhan nila ay nagpaalam na rin itong matutulog sa kubo. “Nakita ko kasing bukas pa ang ilaw dito kaya tiningnan ko dahil baka nakalimutang isara ang Christmas light.” “Sorry. Hindi pa kasi ako makatulog. Nagre-

