“NASAAN na ba si Robinson? Magsisimba na tayo. Ayokong mahuli sa misa,” sabi ni Ate Marjorie, ang nakatatandang kapatid ni Robinson nang palabas na sila ng bahay at pasakay sa sasakyan ng binata. Bisperas na noon ng Pasko kaya excited silang lahat lalo na ang mga bata dahil gusto na daw mabuksan ng mga ito ang regalo na nasa ilalim ng Christmas tree. “Hindi nga tumulong sa atin na magluto. Sabi niya may importante daw siyang gagawin,” anang si Jonnelyn. Abala sila sa paghahanda ng pagkaing pagsasaluhan para sa noche buena kaya di niya gaanong napansin. “Ano pa ba ang importante niyang gagawin?” tanong ni Nanay Talia. “Malamang kinalabit na naman siya ng muse niya.” “Kinalabit ng muse?” tanong ni Ashley. Sinong muse? Bukod ba sa kay Lhala ay may iba pang babaeng umaaligid dito at kumu

