HUMAGIKGIK si Ashley nang tingnan ang boxer shorts na nabili niya sa booth. Sa restroom siya nagpunta para ayusin ang pinamili at di makita ni Robinson. Iba’t ibang anime characters ang design niyon at ine-export pa daw ng isang RTW shop sa bayan. Iyon ang napili niyang iregalo kay Robinson para sa kapaskuhan. Palihim niyang binili Nalibang siyang mamili dahil magaganda ang mga produktong lokal. Nakatipid pa siya dahil nang malamang nobya siya ni Robinson ay binibigyan siya ng discount. Mababait ang mga tao doon at nagtuturingan na parang magkakapamilya. Marami na ring kaibigan ni Robinson ang nagyaya na dalawin nila sa Pasko. Palabas na ng cubicle ay nakaabang na si Lhala. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa dingding sa tabing wash basin. Hindi na lang sana niya ito papansinin pero

