“YES! I got my emergency passport. One week lang pwede na akong bumalik sa States or as soon as I get my dad back,” excited na sabi ni Ashley at iwinagayway ang envelope na naglalaman ng emergency passport niya. “Mabuti na lang nakahabol ako bago mag-holiday. Baka hindi na ako makaalis ng Pilipinas kapag naabutan ako ng santambak at pagkahaba-habang holiday.” “Ano naman ang masama kung magtagal ka sa Pilipinas? Dapat nga nagre-relax ka at namamasyal habang nandito ka,” sabi ni Robinson at ipinagbukas siya ng pinto ng battered pick up truck nito. “Robinson, have you forgotten that I am not exactly moneyed right now?” she asked in a saccharine-sweet voice. “Pwede ka namang mag-enjoy kahit na wala kang pera. Pwede kitang ipasyal sa Luneta o sa National Museum. Nandiyan lang sa malapit.”

