Chapter 11

2475 Words

NAALIMPUNGATAN si Ashley na humahampas ang malamig na hangin sa mukha niya. Madaling-araw sila umalis ni Robinson sa Maynila. Wala sila halos tulog ng binata dahil sinulit nila ang Christmas sale. Bukas ang mall hanggang alas dose ng hatinggabi. Mabilis lang sana ang pamimili nila kundi lang sila nagtalo sa mga ireregalo nito. Napakakuripot kasi ng lalaki. Mga candy at gelatin lang daw ang ipapamigay nito sa mga pamangkin nito at ilang bagong damit sa kapamilya nito. Nag-suggest siya na tumingin sa ibang boutique na mas maganda ang tatak at uso ang design. Ayaw naman pumayag ng binata dahil mahal daw ang napili niya. Nagalit pa ito nang sabihin niyang tatanggapin ng pamilya nito. Iyon daw ang panuntunan nito sa buhay. Dahan-dahan siyang dumilat at nakita niya na madilim pa rin ang dinad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD