“AYOS lang ba itong kuwarto ni Kuya? Hindi naman kasi niya sinabi na may kasama siyang bisita kaya hindi kami masyadong nakapaghanda,” sabi ni Jonnelyn at hinawi ang berdeng kurtina sa kuwarto ni Robinson. “Biglaan lang din kasi ang pagpunta ko dito sa Pilipinas. Sosorpresahin ko lang din si Dad.” Nasa ikalawang palapag ang silid ng binata. Walang aircon ang bahay pero presko ang hangin na pumapasok sa bintana. May kutson naman na higaan doon at mukhang bagong palit din ang punda, kumot at bedsheet. Umupo siya sa kama. “Di sana ako sasama pero ayaw daw niya na mag-isa lang ako na magdiriwang ng Pasko. Di kasi ma-contact ang Dad ko sa bakasyon.” “Ituring mong parang bahay mo rin ito, Ate. Di ka na rin naman iba sa akin,” anang dalaga at kumindat sa kanya. Tumayo siya nang mapansin ang

