Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa narinig. Nanatili lang nakatingin si Gregory sa akin samantalang ako ay nakatanaw sa nakasaradong bintana.
“W-What do you mean?” kinakabahan ko na tanong sabay baling sa kanya. “N-Nandito ako sa P-Pilipinas?”
Hindi siya sumagot pero sa tingin niya pa lang ay alam ko na. Naibagsak ko ang aking balikat. Oo, pinag-ipunan ko ang makauwi sa Pilipinas para makuha ang anak ko, pero hindi ko maiwasan ang mapaisip kung paano niya ako nadala rito.
“Mommy, are you okay?”
Natauhan ako at nagbaba ng tingin sa anak ko na ngayon ay nakayakap na sa binti ko. May dala siyang stuff toys sa kamay niya habang nakatingala sa akin.
“Hindi na natin kailangan pag-usapan pa, Honey. Kung gusto mong makasama ang anak mo, manatili ka rito sa Pilipinas,” malamig niyang sinabi sabay iwan sa amin ng anak niya.
Napaupo ako sa sofa at hinilot ang noo ko. Tumabi sa akin ang anak ko at niyakap niya ang kanyang stuff toys. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip kung paano nga ba natanggap ng anak ko si Gregory.
“Anak…” Binalingan ko ang anak ko sabay hawak sa kanyang maliit na kamay. “Are you happy? That you finally meet your father?”
Agad-agad tumango si Grazer at niyakap ng mahigpit ang kanyang dalang stuff toys. “Mommy, I want to be with Daddy. Please…”
Napasinghap ako at hindi agad nakapagsalita. Sa mata ng anak ko, alam ko na gusto niyang makasama ang Daddy niya pero paano naman ako? Makakaya ko ba? Maraming taon na ang nakalipas at hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa buhay ni Gregory. Baka nga may asawa na siya at ayokong makasira ulit ng relasyon. Kung sakaling ipapakilala man ni Gregory ang anak ko sa asawa niya ay sana matanggap niya na may anak si Gregory.
“Anak…”
“Mommy, Daddy said he wants to see me everyday…”
Kumirot ang puso ko at nag-iwas ng tingin. Akala ko pa naman ay maibabalik ko na ang anak ko sa Australia kasi naroon na ang buhay ko at wala na akong planong bumalik pa rito. Wala na sa plano ko ‘yon. All I want is to live peacefully with my daughter. At kung tama nga ang nasa isip ko na naghihiganti lang si Gregory sa akin ay kaya kong lumuhod sa harap niya, manghihingi ng tawad para tantanan niya na kami.
My daughter deserves the best at nasasaktan ako kasi ako ‘yong hindi the best para sa kanya. Marami akong pagkukulang at ngayon, hinihingi ng anak ko na gusto niyang makasama si Gregory. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. My only goal is to get my daughter bag at babalik sa Australia.
Pumikit ako at nag-isip. Siguro ay kailangan kong manatili rito para makasama ang anak ko. Pero kailangan kong bumalik sa Australia para kunin ang mahalagang mga gamit ko. Alam ko na hindi ako magtatagal dito at sisiguraduhin ko na makakabalik ako sa Australia kasama ang anak ko.
Nang maghapon ay naisipan ko na kausapin ko si Gregory ulit. Marami na ang nagbago at pati siguro siya ay nagbago na. Pero I doubt it, Gregory is known for being cruel and manipulative. Hindi agad-agad magbabago ang isang katulad niya.
“G-Greg…” Kinuyom ko ang kamao ko sa likod ko habang nakatayo sa gilid ni Greg. Busy siya sa kanyang laptop at napansin ko na may tattoo siya sa kanyang kanang braso. Isa itong Korean letter na hindi ko maintindihan kung ano ang meaning. “Puwede ba kita makausap? Tungkol kay Grazer?”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Say it…”
Huminga ako ng malalim. “Sige, papayag ako na pumarito sa Pilipinas, gaya ng gusto mo. Pero hindi ako magtatagal. I just want my daughter back. Isasama ko rin ang anak ko sa Australia at mamumuhay kami ng mapayapa—”
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at madilim akong tiningnan. Napalunok tuloy ako at nag-iwas ng tingin.
“What?”
Napasinghap ako nang hinila niya ang braso ko at biglang sinandal sa pader. Nanlaki ang mata ko nang humilig siya papalapit sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa gilid ng ulo ko, nakasandal sa pader.
“You think I will let that happen, Honey?” mariin niyang tanong. “I will not let you take back my daughter again…”
Umawang ang labi niya at mahina siyang itinulak. “Hindi mo ba naintindihan? Hindi ko naman ilalayo sa ‘yo ang anak ko. Mayaman ka naman, kung gusto mo siyang makita ay puwede kang pumunta sa condo unit ko sa Australia.”
Nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. “Seriously?”
“Greg—”
“Why? You thought I want you here because I have feelings for you?” He smirked.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong nasaktan dahil sa kanyang insulto na tingin. Kahit kailan, hindi ako umaasa na magkakaroon siya ng feelings sa akin. Alam ko sa simula pa lang ay wala. Pero bakit ba ang gago niya? Tingin niya hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya?
“Hindi ko sinabi iyon—”
“Don’t worry, Honey. I will not gonna fall in love to the girl like you. Kung gusto mong bumalik sa Australia ay wala akong pakialam.” Lumayo siya sa ‘kin at inilagay ang kamay sa kanyang bulsa. “If you are desperate to go back, walang problema, pero huwag mong dalhin ang anak ko. Dinala lang kita rito dahil gusto ng anak ko na narito ka at palagi siyang umiiyak. You are free to go back…”
Sumikip ang dibdib ko. Gano’n ba?
“I just want my daughter to be with me…” mahina kong sambit. “S-Siya na lang ang t-tanging meron ako…”
Umawang ang labi niya sa sinabi ko.
“Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko nang kinuha mo siya sa ‘kin, Gregory. Wala na akong intensyon na guluhin ang buhay mo ulit. I just want my daughter back to m-me…A-At ‘di ba, wala ka naman talagang paki? Nagbunga lang naman siya dahil sa kasalanan natin, p-pero buong-buo ko siyang tinanggap…”
Akala ko ay madadala na siya sa sinabi ko pero hindi. Tinalikuran niya ako.
“Whatever it is, hindi ko hahayaan na isasama mo ang anak ko, Honey,” aniya at naglakad na papalayo sa akin.
Siguro kailangan ko na siguro tanggapin ang sinabi ni Jerah sa ‘kin. It is my only way para maibalik ko ang anak ko sa ‘kin. I won’t let Greg have my daughter. Siguro tingin ng iba ay ang selfish ko, pero ayoko siyang mapunta sa mga matapobreng pamilya ni Gregory.
Paano kapag nalaman nila na anak ko si Grazer? Baka pagmamalupitan din nila ang anak ko gaya ng ginawa nila dati kay Tiya Mirasol. Kaya gagawin ko ang lahat, makuha lang ang anak ko.