Umalis ako sa condo unit nang walang paalam. Siguro alam na ni Gregory kung bakit ako umalis. Siguro ang akala niya ay sinukuan ko na ang anak ko. Pero hindi…babawiin ko ang anak ko sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makita na hindi pamilyar ang lugar sa akin. Siguro nagbago na ang lugar dahil limang taon na ang nakalipas. Puro mga building ang nakikita ko at mayroon pa ring mga tao. Hindi ito Compostela… Naghanap ako ng tindahan upang makitawag. Kailangan kong tawagan si Jerah. Siya lang din naman ang malapit sa condo unit ko at tingin ko maipadala niya sa ‘kin ang importanteng gamit ko. Malaki ang gastusin pero hindi ako makakabalik ng Australia hangga’t wala akong mga importanteng gamit at mananatili ako rito para makasama ang anak ko, pero gagawa ako ng paraan para makombinsi si Grego

