Tahimik naman kami ng muling bumalik sa kotse. Sandai ko pang siyang pinagmasdan habang iniaayos ang seatbelt. Maganda si Ninang. Dagdag pa ang pagiging masayahin nito. "Sure kana ba talaga sa desisyon mo na sasama ka Hendrix? Pwede kapa namang umatras, kung iniisip mong naawa ka lang sa akin. Tulad ng palagi mong sinasabi ay masaya naman ako sa ganito.” Napangiti naman ako sa kanya, “Sabihin na natin masaya din ako sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo.” Natawa naman siya, “Talaga ba?” Sabi pa niya. Hindi naman ako kumibo at patuloy lang na nag-drive. "FYI lang huh, hindi kagaya ng sa Batangas ang venue ng medical mission, dahil mga katutubong igorot sila. Taoos wala ding signal at generator lang ang power source namin. Kaya naman sa tingin ko ay hindi kana malilibang don. Well, k

