KATHLEEN Without any hesitations, ay nagpatuloy ang relasyon namin ni Kenji. Bagamat noong una ay wala naman ito talaga sa mga plans ko. Subalit, mabilis din naman akong nakapag decide, matapos din namang aminin sa akin ni Mikka na ngayon ay ipinagbubuntis na niya ang Anak ni Hendrix. At wala na ding dahilan pa upang hindi naman sila magpakasal na dalawa. Habang si Hendrix naman ay patuloy akong naka block sa phone niya. At siguro nga ay ako nalang talaga ang hindi nalang bumibitaw sa relasyon namin ni Hendrix na sa simula pa lang naman talaga ay hindi naman talaga pwede. Kaya naman masakit man ay susubukan ko ng bumitaw sa kanya at ituloy ang buhay na kasama si Kenji. Bagamat wala akong mahanap na pagmamahal mula sa aking puso ay sobra sobra naman ang naibibigay niyang ligaya sa aki

