HENDRIX 4:00 PM “Kumusta ka diyan sa hardware Babe ko?” Malambing na tanong pa sa akin ni Ninang Mikka. “Busy ako Ninang, madami kasing cuatomer na nagpapa deliver, to think na malapit na kaming magsara ng hardware.” pagsisinungaling ko sa kanya. “Hmmm kawawa naman ang Babe ko, kung nandiyan ako ay mamamasahe sana kita diba?” Napasingkit naman ang aking mata. “Ikaw Ninang? Kumusta naman ang Anak mo pala? Ok lang ba siya diyan?” Tanong ko. “Ayun miss na miss niya ako. Habang ako naman syempre ay miss na miss na kita.” Sabi pa niya. Huminga ako ng malalim while smirking. Habang ngayon ay nakatuon ang mga mata ko sa kanilang dalawa ni Daddy habang nakaakbay pa ito sa kanya at naglalakad patungo sa isang condo building. At kung hindi ako nagkakamali ay dito nakatira si Daddy ngayon.

