KATHLEEN “Mommy!!” Pinahid ko ang luha ko at napangiti ng makita ko si Amina na tumatakbo papunta sa akin. “Hello Baby…” kumakaway na bati ko pa sa kanya matapos namang yumakap sa akin ng mahigpit. “Ano? Gusto mo ba munang mag play huh? Ok lang naman si Mommy dito.” Sabi ko pa habang inaayos ko ang buhok niya. At pati ma din naman ang makapal na jacket niya dahil sa malamug na klima dito. “Iiihhh Mommy we wait na naman ba natin si Daddy? Iihhh gugutom na ko. I don’t wanna play.” Pangungulit pa sa akin Amina habang matigaya naman kaming nakaupo sa isang bench na halos araw-araw na din naman naming tinatambayan everytime we wait for her Dad. Napangiti pa ako sa kanya at bahagya ding ginulo ang hair niya. “Yea Baby, dami lang kasi work si Daddy ngayon diba?” Malambing na tugon ko pa sa

