Kinabukasan Unang umaga ko sa Pilipinas. Matapos kong makauwi from Japan. “Kathleen Anak, baka gusto mo ng mag agahan? Nakapagluto na ako ng paborito tapa at bawang na longganisa.” Sigaw pa sa akin ni Nanay matapos ang mga pagkatok mula sa pintuan ng room ko. Mabilis ko namang pinahid ang mga luha sa pisngi ko at mabilis na bumangon. “Opo Nay lalabas na ako.” tugon ko sa kanya. “O siya hihintayin ka namin sa kusina Anak. Nandoon na din si Amina at kumakain na.” Patuloy pa niya. Huminga naman ako ng malamin at iniayos pa ang mga butones ng suot kong terno pajama, bago din naman humarap sa salamin. Saglit pa akong napa bugtong hininga ng muling mapasulyap sa maliit na kamang hinigaan ko. At pilit na ibinabalik ang panahong kasama ko pa dito ang aking panganay na si Hendrix. Dahil d

