Haneda Airport Tokyo Japan Hindi na din ako nagsampa pa ng reklamo against sa mga kasama ni Kenji. At maging sa lalakeng nagbayad sa kanya upang makatalik ako. Dahil simple lang naman ang dahilan ko. Gusto ko ng makauwi agad-agad sa Pilipinas. At ayoko na ding mag stay pa dito sa Japan kahit isang magdamag pa o isang araw pa kaya. Siguro ay masyado akong na trauma. At marahil ay mga nangyari sa akin at tatatak na sa buong pagkatao at marahil ay kailangan ko pa ng mahabang panahon, upang maghilom ang sugat ma ito sa pagkatao ko. At lalo na sa p********e ko. Isang bagay na nga lang siguro marahil ang hindi ko magagawa. Bagamat gustong gusto ito ng isip at puso ko. Ito ay ang mapasalamatan man lang sana ang lalakeng tumulong sa amin na makaligtas mula kay Kenji. Na maging ang mga poli

