Kumpleto na ang team ng makarating kami. At kami na lang yata ang hinihintay. At dahil si Ninang nga ang naka assign na Team Leader ay nagbigay muna siya ng ng mga instructions sa mga kasama niya bago niya ako hinila at iniharap sa grupo at... "Heads up Guys! Listen up... May bago nga pala tayong member sa team. He is Hendrix.. Ahh bale ano ko siya inaa—————-“ "Boyfriend niya pala ako at girlfriend ko naman siya. Kaya naman ako nandito ay upang siguruhin ang kaligtasn ng babaeng mahal ko. Nice meeting you all Team." Mabilis na salag ko sa pagpapakilala ni Ninang. At napansin ko din ang bahagyang ingay at tuksuhan nila kay Ninang. Dahilan pa upang tuluyan ng mamula ang mga pisngi nito at sa tingin ko ay lalo siyang naging cute dahil dito. May mga napapa sana all pa. Habang

