KATHLEEN 1 week later “Nasa maayos na kalagayan ang ating Anak, Kath. Kaya naman there’s nothing to worry about ok.” Ang huling sinabi sa akin ni Tupe over the phone, na tanging pinanghahawakan ko. Ang tanging nagbibigay sa akin ng maliit na pag asa na muli ay magkasama kami. Bagamat wala siyang sinabi kung nasaan ito, ay nagpagaan naman ito sa kalooban ko. Dahil sa katotohanang ligtas ang aking anak na si Hendrix. At siguro ay kung hindi na nga kami magkita pa ay tatanggapin ko na din naman ng maluwag sa puso ko. Sa kabila ng pag-aasam ng aking puso. Dahil malinaw naman talaga na may kasalanan din ako bakit nga ba kami nauwi sa ganito. Na kung mas pinili ko sigurong umuwi na lang at hindi natakot na harapin si Hendrix at Mikka ay hindi na sana nangyari ang mga ito. At hindi na din

