KATHLEEN 6 MONTHS LATER Mabilis na lumipas ang panahon. Kasabay din nito ay tuluyang pagkalas ko mula sa aking munting pag asa na makakasama pa si Hendrix. Na tanging ang kasiguraduhang safe naman siya ang tangi nalang nagbibigay ng saya sa aking puso kahit papaano. Dahil matapos makauwi ni Tupe mula sa Japan ay tiniyak niya ito sa akin. Bagamat choice daw ni Hendrix na hindi na kami magkita ay tinanggap ko naman ng maluwag sa aking dibdib. At halos lamunin nga ako ng labis labis na panghihinayang ng i kwento sa akin ni Tupe ang totoong nangyari. Na si Hendrix naman talaga ang nagligtas sa amin ni Amina. At siya din naman ang lalakeng sinasabi akin ng isang police officer na humabol kay Kenji ng makatakas nga ito. Na sana nga ay hindi nalang niya ginawa pang mahabol si Kenji at ma

