Chapter 4 - Eye Operation

1825 Words
"Ano! Pumayag kang parentahan ang sinapupunan mo para lang makapagpagamot ka? Jane, naman. . . sinabi ko naman sa iyo na hintayin mo ako at pag-iipunan ko ang pagpapa-opera mo. Bakit hindi mo naman ako hinintay?" nanlulumong wika ni Edmark sa dalaga. Sinabi ni Jane sa kaibigan ang naging desisyon niya para kung sakali man na magtanong ito kung saan siya kumuha ng pera para mapakapagpagamot. Hindi niya naman inaakala ang magiging reaction nito. "Hindi ba. . . sabi ko naman sa'yo, Ed, hindi ko na kaya pang tanggapin ang malaking tulong na ibibigay mo? Hiyang-hiya na ako sa iyo. Ayaw ko naman isipin ng iba na makaka-alam sa ginagawa mong tulong sa aming mag-ina, pero masakit kapag nakarinig nang salitang kailanman hindi ko matatanggap. Ang sabihin na pineperahan lamang kita. Kaibigan kita, Ed. Ayaw kong. . . abusuhin ang kabaitan mo sa akin. Sana naman, tanggapin mo ang desisyon kong ito. Ito lamang ang paraan upang may magawa naman ako para sa sarili ko. Ayaw ko nang iasa pa kahit kanino. Please!" nagmamakaawang pakiusap ng dalaga sa matalik na kaibigan. Nauunawaan niya ang galit nito. Ngunit buo na ang desisyon niya na maging surrogate mother. Beside masaya siya, dahil bukod sa makakakita na siya, matutulungan niya pang mabuo ang pamilya ng alaga ng kanyang ina. Iyon man lang ay masuklian niya ang kabutihan ng mga ito sa kanila. "Bahala ka na nga! Ano pa ba ang magagawa ko, nagdesisyon ka na. Hindi mo man lang muna ako tinanong kung papayag ba ako? Masakit sa akin, Jane. At hindi lamang kaibigan ang turing ko sa iyo. Noon pa man mahal na kita. Kaya nga ako nagsusumikap na makapag-ipon para sa iyo. Gusto ko ako ang unang tao na gagawa no'n para sa iyo. Hindi ba pangako ko iyan sa iyo noong mga bata pa lamang tayo? Kaso, wala, . . wala na akong magagawa. Susuporta na lamang ako sa desisyon mo. Mahal kita, eh," hindi mapigilang pagtatapat ng binata sa dalaga. Napasinghap naman ito. All this time, may pagtingin pala tlaga ito sa kanya. Ayaw niya lamang paniwalaan ang kapatid na madalas sabihin ang nararamdaman nito. Pero wala siyang nararamdaman para sa kaibigan. Napapaisip pa tuloy siya kung ano ang isasagot dito. Hindi niya rin kasi alam ang pakiramdam nang may ibang nararamdaman sa opposite s*x. Alam niya lang kaibigan. Inosente pa siya sa mga bagay na iyon. Sa huli sinagot niya na lamang ito. "Salamat, Ed. Salamat sa pag-unawa," Matapos mag-usap ang magkaibigang, nagpaalam na lamang ang binata. Malungkot ito nang mag paalam sa kanya. Kaso wala siyang magagawa, buo na ang desisyon niya. Dahil sa pagpayag ng dalagang si Jane sa napagkasunduan, labis naman ang tuwang nadarama ng mag-asawa. Agad din ng mga itong ibinalita sa mga magulang na may nahanap silang babae na magdadala ng kanilang anak. Excited rin ang mga magulang nila. At ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ang mga ito kay Jane. Suportado rin ang mga ito sa pagpapagamot nang mata ng dalaga. "Son, I have known an ophthalmologist na puwedeng mag-opera sa mga mata ni Jane. What do you think, tatawagan ko na ba?" wika ni Harold Serrano na ama ni Melody. Natuwa naman sa narinig ang mag-asawa nang sabihin iyon ng ama ni Melody. Ibig sabihin, mapapabilis ang proseso ng insemination kung sakaling maagang maipagamot si Jane. "Mas mabuti pa po, Dad. Para agad na masimulan ang pagpapagamot ni Jane," masayang tugon ni Melody. Masaya siya para sa anak ng kanyang Yaya. Matagal niya na itong kilala pero kahit minsan hindi sila nagkasarilinan na mag-usap dahil nahihiya ito sa kanya. Akala kasi nito na lahat ng tao ay tutuksuhin siya na isang bulag. Pero hindi ganoon si Melody. Lumipas ang isang linggo at nakausap nga agad nila ang espesyalista na mag-o-opera sa mata ng dalaga. Kabado si Jane sa magiging proseso. Pero excited siya sa magiging outcome nito. Sa tagal niyang nangarap na makakita, ito na iyon. Konti na lamang at makikita niya na kung gaano kaganda ang mundo. "Anak, magdasal muna tayo, bago ang lahat," wika ng kanyang ina na kabado ring tulad niya. Agad silang pumikit na mag-ina kasama na si Totoy na hawak ang kanang kamay niya at ang kaliwa naman ay ang kanyang ina. Nasa ospital na sila ngayon para sa gagawin operasyon. Nasa tabi naman ang mag-asawa na sina Alex at Melody. "Mahal naming Panginoon, gabayan n'yo po ang aking anak, nawa'y maging successful ang magaganap na operasyon sa kanyang mga mata. Lubos po kaming nagpapasalamat sa biyaya na ito. Binigyan n'yo po kami nang pag-asa para matupad ang minimithi ng aking anak na makakita. Salamat po sa mga taong ginamit mo upang mangyari ang mga bagay na ito. In God's grace. Amen," taimtim na dasal ng ina ni Jane. Habang naghihintay ng doctor, hindi maiwasan ni Alex na titigan paminsan-minsan ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Siguro sadyang nagagandahan lamang siya sa dalaga. "Mahal ko, ang ganda ni Jane, ano? Sigurado ako kapag dinala na niya ang magiging anak natin. Magiging maganda rin ang kalalabasan. Ang kinis pa nang balat niya. Hindi na ako magtataka kung bakit ingat na ingat, si Yaya Perla, sa kanya," humahangang saad ni Melody. Sumang-ayon naman rito ang lalaki. Taglay ngang maganda ito. Hindi niya masisi kung bakit ang kababata nitong si Edmark ay madalas bumisita at titigan ang dalaga habang nasa hardin ang mga ito. Madalas niya kasing makita ang dalawa roon. Wala naman siyang tutol na bumisita ito sa dalaga, ngunit nakakaramdam siya nang pagkairita na hindi niya maipaliwanag kung ano? "I hope the operation went well," Iyon na lamang ang isinagot ni Alex sa asawa kahit na hindi tinatanong. Nagulat man si Melody, pero binalewala niya na lamang iyon. Dalangin niya rin na maging maganda ang kalalabasan ng operation. Ilang sandal pa dumating na ang nurse at doctor para dalhin si Jane sa O.R. o operation room. Naiwan silang lahat sa silid nang dalaga na inoukapa sa hospital. Doon na lamang sila maghihintay hanggang sa matapos ang operasyon. Isa, dalawa. . . . anim. . . Walong oras ang nakalipas bago ipinasok muli sa silid ang dalaga. Tapos na ang operasyon ang tulog ito nang dalhin doon. "Doc, kumusta po ang anak ko?" agad na tanong ng Ginang sa doctor. "So, far po. Okay naman lahat ng tests niya. Wala naman pong problema. Dahil fresh pa po ang sugat niya, after two to three weeks puwede na pong tanggalin ang benda sa mga mata niya," sagot ng doctor. "Salamat naman po at walang komplikasyo o allergy sa gamot ang anak ko. Salamat po doc." Agad na kinamayan ito ng Ginang bilang pasasalamat. Ngumiti na lamang ito sa kanya. Samantala nakikinig naman si Alex sa usapan ng dalawa habang ang asawa niya ay nakatulog na sa may lap niya. Nakaupo sila sa sofa na nasa loob rin ng kuwarto. Isang private room ang kinuha nila para sa dalaga. Para kahit paano may privacy ito. Hindi rin alam pa ng asawa niya na nakabalik na si Jane mula sa operating room. Maging si Totoy ay tulog rin sa kabilang bakanteng kama. KINABUKASAN habang naghahanda ng almusal ang ina ni Jane, nagising naman ang dalaga, pero dahil may benda ang mga mata, mas lalong madilim ang paningin nito. "Nay, anong oras na po?" Tanong ng dalaga habang sinusubukang bumangon. Agad na umalalay sa kanya ang ina. "Alas diyes nang umaga, Anak. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Ayos naman po, Nay. Medyo makirot lang po nang konti ang operation," "Gano'n ba? Kumain ka muna, para mapainum na kita nang gamot mo. Pain reliever daw iyon sabi ng doctor." Agad na pinahawak ng ina sa kanya ang baso na may tubig para makainum muna siya, pero inalalayan siya nito. Mabilis lumipas ang mga araw at ngayong araw nga tatanggalin ang benda sa kanyang mga mata. Kabado at excitement ang nararamdaman ng dalaga. "Malapit na, kaunti na lang," piping dasal niya. "Ready ka na ba, Miss Jane? Tatanggalin na natin ang benda mo. Manatili ka lamang nakapikit, kapag sinabi kong puwede ka nang dumilat at saka mo lang gagawin, pero dahan-dahan lamang. Para hindi mabigla ang mata mo," wika ng doctor sa kanya. "Opo, Doc," Lahat ay naroon, ang kanyang ina, kapatid, maging sina Alex at Melody. Wala ang kanyang kaibigan na si Edmark. Ayon sa ina, busy raw ito sa project na tinatapon. Dadalaw na lamang ito sa susunod. Medyo may tampo siya dahil iyon na sana ang unang pagkakataon na makikita niya nang personal ang kaibigan pero wala ito. Habang dahan-dahan tinatanggal ang benda sa kanya ng doctor, nanlalamig naman ang mga kamay ng dalaga. Nakatitig rin ang mga kasama nila sa kanya, lalo na si Alex. Nang matanggal na inabisuhan na siya ng doctor na puwede niya nang imulat ang mga mata. Dahan-dahan niyang binubuksan ang mga mata, noong una malabo pa ang nakikita niya. At isang tao ang nasa harap nang mga mata niya ang unang nakikita niya. Pumikit siya ulit dahil malabo pa. Pagdilat niyang muli, maliwanag na ang paningin niya. At maliwanag na rin ang taong una niyang nakita. Napakagwapo nito. Nalakatikas ng pangangatawan. Nakatitig rin ito sa kanya. "Kumusta ang paningin mo, Miss Jane?" tanong na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Nagtataka siya bakit may gwapo sa harap niya. First time niyang nakakita nang ganoon kaguwapo. Bumaling ang tingin niya sa nagsalita. "Ahm. . . Ma. . . liwanag na po. Ka. . . yo po ba ang doctor ko?" tanong niya habang nakatingin sa doctor. Ngumiti ang doctor sa kanya. "Yes, ako nga. Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba kapag dumilat o pumikit ka?" tanong muli ng doctor. Nakangiti naman ang dalaga na lalong nagpatingkad ng ganda niya lalo na, malinaw na ang kanyang mga mata. "Wala naman po akong nararamdaman, Doc. Maayos naman po ang pakiramdam ko. Totoo po ba ito! Nakakakita na po ako?" Agad lingon niya sa katabi ng doctor. Ang kanyang ina at kapatid na umiiyak dahil sa wakas nakakakita na siya. "I. . . Nay! 'Nay! Nakakakita na ako,'Nay! Nakikita na kita! Toy? Ikaw ba 'yan, Toy? Ang guwapo mo pala, kapatid!" malakas na wika ng dalaga na umiiyak dahil sa tuwa. Agad naman lumapit ang kanyang pamilya upang yakapin siya. "Oh my God! Nakakakita ka na, Anak ko. Nakikita mo na kami. Salamat! Salamat sa Diyos. Salamat, Sir Alex, Ma'am Melody." baling na wika ng Ginang sa mag-asawa na masaya para sa mag-anak. Agad naman bumaling ng tingin ang dalaga sa direksyon ng mag-asawa. Bumitaw muna siya sa pagkakayakap sa ina. "Sa. . . Salamat po, Sir, Ma'am. Salamat po. Kayo po pala ang mga amo namin? Salamat po." saad ng dalaga sabay yuko nang ulo. Bigla siyang nahiya dahil iyong guwapo pa lang nakita niya nang una, ay ang asawa ni Melody. Mali ang nararamdaman niya. Hindi maaari. "Akala ko single?" sa isip niya. Nakangiti naman na tumango ang mag-asawa habang magkayakap. Dahil feeling nila, first step, first mission accomplished.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD