TATLONG buwan na ang nakakaraan mula nang matapos ang operasyon ng dalaga.
Sa ngayon, kailangan niya pang magpagaling hanggang isang taon, upang masigurado na hindi magkakaroon nang komplikasyon sa kanya ang operasyon, kapag isinagawa na ang insemination niya.
Tumutulong na rin siya sa gawain bahay at masaya siya na bawat kilos niya ay nakikita niya na nang malinaw.
Simula ng makakita siya, hindi niya na maiwasan hindi mapangiti kahit wala namang dahilan. Masaya lamang siya sa naging resulta ng kanyang operasyon.
Bisita niya ngayon si Edmark, na nakatunghay lamang sa kanya.
"Grabe! Jane, lalo kang gumanda simula nang makakita ka. At laging maaliwalas ang awra. Lalo tuloy akong nai-inlove sa'yo," saad ng binata sa kanya.
Natawa nang malakas ang dalaga. Narito sila muli sa garden. Hindi niya kailanman pinapapasok ang binata sa loob nang tinitirhan nila. Ayaw niya kasing mapag-isa sila ng binata. Baka mamaya kung ano ang isipin ng iba. Iniiwasan ng dalaga iyon.
"Ikaw, naman, Ed. Maliit na bagay. Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako maganda. Baka ikaw na ang bulag diyan, dahil hindi mo nakikita ng maliwanag ang itsura ko," pagbibiro niya rito.
Simula nang makakita ang dalaga, madalas na siyang magbiro.
Habang nag-uusap naman ang dalawa sa hardin, si Melody naman ay nasa terrace ng kuwarto nila at nakatunghay sa dalawa.
Mayamaya pa, dumating si Alex at agad na yumakap mula sa likuran niya. At agad siyang hinalikan sa pisngi.
Naging malambing at maasikaso muli ang kanyang asawa nang magdesisyon silang kumuha ng surrogate mother.
Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho kaya narito ito sa bahay nila.
Sabay silang pinagmamasdan ang dalawa sa hardin habang nag-aasaran. Natatawa na lamang si Melody sa naririnig sa tinuturan ng dalagang si Jane. Si Alex naman medyo sumasama ang awra dahil sa nakikita. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba siya parang nagagalit sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama.
"Ang sweet nila, Mahal ko. Bagay sila, no? Sana sila magkatuluyan pagdating nang araw," ani ni Melody sa asawa.
"Sa tingin mo, matatanggap si Jane ni Edmark kapag nagbuntis na ito sa anak natin? Ang alam ko ayaw niyang lalaking 'yan na maging surrogate mother natin, si Jane. Watch that man, Mahal. Wala akong tiwala riyan," sagot ni Alex na biglang umigting ang panga.
Bigla naman nawirduhan ang asawa.
"Don't worry, Mahal, hindi naman siguro magiging hadlang si Edmark. Chill ka lang." Sagot na lamang ni Melody at agad na niyakap ang asawa.
Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, tapos na ang isang taon. Muling pina check-up ng mag-asawa ang dalaga para makasiguro na maayos nga ito.
Nang sabihin ng doctor na healthy at ready for insemination na siya. Pina-schedule na siya ni Alex.
Kailangan kasi maging on time ang pagturok sa dalaga ng sperm, para sure na may mabubuo. At kailangan rin ay fertile siya. Lahat ay sinuri muna sa kanya bago isagawa ang insemination.
"Sigurado ka na ba talaga, ha, Jane? Umatras ka na lang kaya , at ako na magbabayad sa kanila sa pagpapagamot sa iyo?" tanong ni Edmark nang muling dumalaw ito nitong weekend. At rinig na rinig iyon ni Alex.
Dahil palabas na siya nang mansion, at gusto sanang kausapin si Jane pero ito agad ang bumungad sa kanya.
"Don't brainwash her, dude! She already decided. Respect her decision." Agad na sagot ni Alex pagkalapit sa magkaibigan na nag-uusap sa hardin. Mas umigting ang mga panga nito nang makita niyang hinawakan ang kamay ni Jane ng binata. Napasinghap naman ang dalaga.
"Yes, I respect her. That's why, as much as I can, gagawin ko ang lahat para pigilan siya na maging surrogate mother mo. Look, dude, she's innocent and has no experience about being pregnant and you will destroy her body?" inis ring turan ni Edmark.
Pinigilan naman ni Jane ang binata na kaunti na lang ay susuntukin na si Alex. Agad naman lumabas si Melody upang awatin din ang asawa.
"Ed, tama na iyan. Kahit ano ang sabihin mo, hindi na rin mababago ang isip ko. Please unawain mo naman ako?" pagsusumamo ni Jane sa kaibigan.
"Mahal, huwag mo nang patulan. Hindi niya rin mauunawaan ang lahat. Ako na lang ang kakausap kay Jane. Halika na pasok na tayo. Ahm, Jane, pagkatapos ninyong mag-usap puwede ba kitang kausapin in private? Kahit mamaya na kung wala ka rin gagawin?" Baling nito kay Jane habang pinipigilan ang asawa na sugurin si Edmark.
"Si-sige po, Ma'am Melody. Pa-pasensya na po kayo sa kaibigan ko," nauutal na sagot ng dalaga. Nahihiya siya sa mga amo dahil sa inaakto ng kaibigan.
Pumasok muli ang mag-asawa sa mansion at naiwan naman si Edmark at Jane sa hardin. Sinisermunan ng dalaga ang binatang kaibigan.
"Ed, for once, please naman. Respetuhin mo naman ang desisyon ko. Nakakahiya sa mga amo namin. Matapos lang itong napagkasunduan namin, baka umalis na rin kami rito. Tutal kaya ko na rin ngayon ang makapagtrabaho, siguro naman pagkapanganak ko, puwede na kaming lumipat ng bahay. Gusto ko na rin makapagpahinga ang nanay sa pagtatrabaho. Kaya sana unawain mo na lang ako. Salamat sa concern mo, hindi ko makakalimutan 'yun," mahabang litanya niya sa kaibigan.
Plano niya na rin talaga, kapag natapos na ang kasunduan nila ay aalis rin sila rito. Dahil hindi lamang sa kaya niya na magtrabaho, ngunit hindi niya mapigilan na makaramdam nang pagtangi sa among lalaki. Alam niyang mali iyon. Kaya hangga't kaya niyang pigilan ay pipigilan niya.
Sumapit ang araw nang insemination niya. Muli ay kinakabahan siya katulad na lang noong inoperahan din siya sa mata. Ngunit sabi naman ng doctor hindi raw iyon masakit. Pilit kinakalma ang sarili.
Kasama niya ang mag-asawang Alex at Melody sa clinic. Kasalukuyan nasa banyo ang lalaki at si Melody naman ang nasa tabi niya. Pinapakalma siya nito.
"Relaks ka lang, Jane, huwag kang kabahan. Nahahawa ako sa iyo, eh," pagbibiro nito sa kanya.
Natawa lamang ang dalaga.
"Salamat po, Ma'am, sa pagpapakalma. Kailangan ko ata lumunok nang bato ni darna para maging matapang at huwag kabahan," sagot niya ring pabiro rito.
Natawa na lamang silang dalawa.
"Anyway, huwag mo na akong tawaging Ma'am, para na rin naman kitang kapatid, tawaging mo na lang akong Melody," saad ng amo niya.
"Naku, Ma'am, nakakahiya naman po na tawagin ko lang kayo sa pangalan. Hindi po ako komportable ro'n," pagtanggi ng dalaga.
Pero makulit ito sa kanya. Tila, ngayon lamang sila nakapag-usap na dalawa kahit na matagal nang nagkakilala.
"Sige ka, kapag hindi mo ako tinawag na Melody, isusumbong kita, kay Yaya Perla," parang batang saad nito. Nagkatawanan silang muli. Nagkapalagayan nang loob na hindi nangyari noong bulag pa si Jane.
"Masarap ka palang kausap, Ma'am, sana all mabait," pagbibiro ni Jane. Nawawala na rin ang hiya niya sa amo hindi katulad noon.
"Mabait naman ako dati pa. Gusto nga kitang maging kaibigan, kaso mailap ka noon sa tao. Pero ngayon, friends na tayo?" magiliw na tanong ni Melody sa kanya.
"Si-sige po, Ma'am, ay mali! Melody pala," at muli silang nagtawanan, nasa ganoong ayos sila nang dumating si Alex.
Napangiti ang lalaki dahil magkasundo na ang dalawa. Muli siyang saglit na napatitig kay Jane. Nakakahawa ang mga ngiti nito.
Agad kumabog ang dibdib niya ng bumaling ito sa kanya. Nakangiti ang dalaga na lumingon sa gawi niya.
"Ay! Narito na pala, si Sir!" Biglang tayo ng dalaga nang makita ang among lalaki kasunod nito ang doctor na hawak ang isang maliit na bote.
Nakangiti itong nakatunghay sa kanila. Kapagkuwan ay niyaya na si Jane ng doctor sa silid kung saan ituturok na sa kanya ang laman ng boteng hawak ng nito.
"Let's go, Miss Jane. Para mai-inseminate na kita. This not gonna take long," pagkasabi no'n ng doctor ay nauna na itong pumasok sa loob. Ihahanda muna nito ang mga gagamitin para sa dalaga.
"Sir, Me-Melody, pasok po muna ako. Wish me luck po. Aja!" magiliw at natatawang paalam niya sa mag-asawa. Napatawa na rin si Melody at Alex.
"Go, fighting! Baby for the win!" Sagot naman ni Melody sabay taas nang kamao na animo nanalo. At nagtawanan silang muli pati na rin si Alex. Nawala ang kaba ng dalaga dahil do'n. Pero agad siyang nahiya nang, pagbaling niya kaunti sa among lalaki, nakangiti ito at nakatingin din sa kanya. Kumabog bigla ang kanyang dibdib.
Hindi niya na pinansin ang nararamdaman at agad na siyang sumunod sa doctor sa loob nang silid.
Kabado, namamawis ang pakiramdam ng dalaga. At nahalata naman siya ng doctor.
"Relaks ka lang, Miss. Hindi naman masakit ito, eh. Saglit lang din 'to," saad ng doctor at pinahiga na siya sa kama.
Ilang saglit pa ay itinurok na ito sa kanya, at naramdaman niyang parang may madulas na hindi niya maipaliwanag ang pumasok sa loob niya. Saglit lang ay tapos na ang doctor sa pag-inseminate sa kanya.
"Higa ka muna ng ilang minuto, para smooth ang daloy nang sperm na in-inject ko sa'yo," saad ng doctor sa kanya. Nanatili naman siyang nakahiga at nakatingin sa kisame.
Sa labas naman nang silid, naghihintay ang mag-asawa at panay ang sulyap ni Alex sa pinto. Pati siya kinakabahan para sa dalaga. Pero naroon ang saya sa pakiramdam na ito ang magdadala ng anak niya. Hindi niya talaga maipaliwanag ang nararamdaman pero parang nahuhulog na siya sa dalaga, o baka dahil mabait at maamo lamang ito kausap kaya gano'n. Hanggat' maaari ay ayaw niyang bigyan kahulugan ang nararamdaman para rito.
Hawak naman ni Melody ang kamay niya at ramdam rin ni Alex na kabado ito. Pero nakikita niya sa mga mata nito na parang may inggit dahil imbes na ito ang magdadala ng anak nila, ibang babae na ang gagawa para rito.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng asawa. Pinaparamdam niyang nandito lamang siya sa tabi nito.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Jane kasabay ang doctor.
"Done, Mr. and Mrs. Espinosa. I will expect a month or two that you come back here for her first check up as pregnant." Wika ng doctor sa kanila pagkalapit.
Agad naman bumaling nang tingin si Alex sa dalaga.
"How do you feel, Jane?" napasinghap ang dalaga nang tanungin siya ni Alex. Bihira siya nitong kausapin at gano'n rin siya.
Ang boses nito ay parang hinihele siya. Agad siyang bumalik sa huwisyo dahil nangangarap na naman ang inosente niyang puso.
"O-okay naman po ako, Sir." Nakayuko niyang sagot rito. Nahiya siya ayaw niyang makita nito na parang nagkakaroon na siya ng pagtingin sa among lalaki, nakakahiya kay Melody. Sa isip pa ng dalaga.
"Mabuti naman kung gano'n," maikling sagot ni Alex.
"Salamat po, Doc. We'll be back next time po kapag may development na, kay Jane," saad ni Melody. Kahit siya nakaramdam ng awkward sa asawa at kay Jane. Hindi niya malaman kung bakit.
Nagpaalam na lamang sila sa doctor at umalis na.
Dahil successful ang naging insemination, inaya muna sila ni Alex na kumain sa isang exclusive restaurant.
Tatanggi sana ang dalaga pero pinigilan siya ni Melody.
"For celebration lang, Jane. Hindi tayo nakapag-celebrate noong natapos ang operasyon mo sa mata, kaya ngayon natin gawin kahit tatlo lang tayo. Bilhan na lang natin sila yaya nang pasalubong mamaya, 'di ba, Mahal ko?" saad ni Melody. Masaya siya dahil magkasunod na successful ang naging proseso sa dalaga.
Looking forward na lamang nila ang pagbubuntis nito after a month or so.