Isang buwan ang lumipas, naguumpisa nang makaramdam si Jane ng hindi normal sa usual day n'ya. Nahihirapan siya kumilos dahil tamad na tamad ang katawan niya. May oras pa nahihilo at nasusuka siya. Hindi muna siya nagsasalita kahit kanino ukol sa nararanasan niyang kakaibang pakiramdam. Iniisip niya, baka false alarm. Dahil mukhang ang bilis naman ata niyang magdalang tao? Sabagay ayon sa doctor, healthy siya at mabilis umepekto sa kanya ang insemination. Kagigising niya pa lamang nang umagang iyon, pero nanlalata siya. Ayaw niyang lumabas nang bahay o kahit anong gagawin. Nakatingin lamang siya sa kisame. "Anak, tanghali na, hindi ka pa ba babangon diyan? Kanina ka pa hinahanap ni Melody. Ano ba nangyayari sa iyo?" Bungad na sermon ng kanyang ina pagkapasok sa kuwarto niya. Hi

