Isang buwan hindi bumisita si Edmark kay Jane dahil na rin sa masyadong busy ito sa project na ginagawa. At nagtatampo rin ito sa dalaga dahil hindi man lamang siya nito tinawagan o kahit na ano pa para lamang kumustahin. Wala ring sagot sa kanya ang kapatid nitong si Totoy sa mga text messages niya. Nag-aalala na siya para sa dalagang matagal nang minamahal. Nang malamang binigyan sila ng kanilang senior engineer ng break for two days ay agad siyang pumunta sa mansion ng mag-asawang Espinosa. Excited ang binata na makita muli ang dalagang si Jane. Dalangin niyang nagbago na ang isipan nito at hindi na itinuloy pa ang pagiging surrogate mother. Pagka-park ng kanyang sasakyan sa labas ng gate, agad siyang bumaba at bitibit ang bouquet ng bulaklak para sa dalaga. Hindi na siya magpapaligoy

