"Ang ganda nito, Jane, oh, tingnan mo? Bagay sa anak ko hindi ba?" turan ni Melody nang makita ang jumper suit for baby. Kulay asul ito at kung susuutin nga naman ng baby, lalo itong gu-guwapo. Tiningnan naman iyon ni Jane. Pasok din sa taste niya ang style nang damit. Tumango siya rito. "Naku, yes, Ma'am, bagay na bagay po iyan kay baby Luke. Baby pa lang habulin na ng chika babes kapag iyan ang sinuot niya," pangbi-build up niya pa sa naturang damit. Hindi niya masabing anak nito. Masakit man para sa kanya pero ang totoo gusto niya nang angkinin ang anak niya. Napakawalang kuwenta niyang ina sa part na iyon. Feeling niya nagbebenta siya ng anak. Para lang sa pansariling kagustuhan. Pinalis niya ang isipin na iyon. Madalas siyang ma-guilty pero wala na siyang magagawa, nangyari na

