Naunang maglakad si Alex, nakasunod naman ang dalaga habang nakayuko itong naglalakad. Bigla na lamang siyang hinila ng lalaki sa madilim na parte sa loob nang bakuran nila. Maingat na isinandal siya nito sa may pader at mabilis na hinalikan sa labi. Tila uhaw si Alex sa mga labi niya. Makaraan ang ilang minuto, tumigil rin ito. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo. Hinahabol ang hininga habang nakapikit pa ang mga mata nilang dalawa. "I miss you so much, Baby. But I'm mad right now. Why didn't you tell me that you're going with him, huh? You're my property, Baby. You are mine, only!" may gigil na turan ni Alex sa dalaga. Tila natakot naman ang dalaga at isiniksik ng husto ang sarili sa pader. Naramdaman naman iyon ni Alex. Mabilis niya itong niyakap. "I'm sorry, Baby, I scared y

