SUMAPIT ang linggo, natuloy na lumabas sina Jane at Edmark. Pinagbigyan ng dalaga ang hiling ng kanyang kaibigan. Ipinasyal siya ng binata sa Tagaytay. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil sa magandang view na nakikita. At sa lamig nang panahon doon. Nanunuot sa mga kalamnan niya ang ginaw at nang mapansin ni Edmark na parang giniginaw na ang dalaga. Walang pasubali niyang hinubad ang suot na jacket at ibinalot rito. "Masaya ka ba, Jane?" turan ng binata habang inaayos ang pagkakasuot ng jacket niya sa dalaga. "Oo naman! Salamat at narating ko rin ito. Madalas ko lang itong naririnig sa mga kapitbahay na katulong din malapit sa mansion. Hindi ko alam ganito pala ito kaganda! Salamat, my friend!" Yakap niyang mahigpit sa binata matapos sabihin iyon. Niyakap naman siya pabalik nito na tila s

