MATAPOS ANG PAG UUSAP ng mga Apollo, tungkol sa bagong problema na kailangan nilang ayusin ay umalis narin si Jessa. Upang mag tungo sa headquarters. Dahil narin sa tinawagan siya ni Pinky
“Pinky…anong balita?” aniya nang makita niya ang kaibigan na bumubuklat ng mga papeles sa lamesita nito
“meron na namang apat na dalagitang dinukot. Here's the CCTV footage. Kuha iyan sa labas ng Sentrio College” saad ng babae tsaka pinakita ang video mula sa laptop nito.
“tuloy ang Plano, mukhang puro mga estudyante ang mga binibiktima nang mga iyan” seryosong saad niya.
Samantala sa kabilang dako naman ay naka upo ang isang magandang babae, habang bumubuga ito ng usok ng sigarilyo at pinapanuod mula sa computer screen ang mga tauhan nito kasama ng maraming babaeng bihag.
Naka suot ng kulay itim na sexy backless dress ang babae na hanggangg hita nito, habang naka lugay naman ang hanggang balikat na may kakulutang buhok nito.
Lumapit ang isang tauhan, habang ang babae naman ay naka upo lamang at naka tuon ang atensyun sa computer
“Madam, anim na ang buntis sa labing-pitong hawak ni Dr Degon.” saad ng isang tauhan mula sa likod ng babaeng namumuno sa iligal na organization na iyon.
“good, kamusta naman iyung apat. Saan niyo nilagay?” saad nito
“nasa room 132 Madam. Estudyante lahat at Mga wala pa rin silang malay”
“okey Fresh ba lahat iyon?” ani ng babae at muling bumuga ng usok ng sigarilyo
“mukhang mga Birhen pa madam… dahil ang babata pa” tugon ng tauhan
“lahat ng mukhang bata or v*rgin pa ay ilipat mo sa ibang kuwarto.. May mga mayayaman na negosyanteng hapon na pupunta dito at mamimili sila ng sariwang Babae.” saad ng Babae
“masusunod…madam” ani ng lalaki, habang naka yuko ito at nag lakad na ito palabas ng opisina ng babae.
Samantala sa kabilang dako naman ay gumawa ng Plano sina Jessa at Pinky na hindi pinapaalam sa mga kasama nila sa trabaho o sa nakaka taas sa kanila. Dahil naisip ni Jessa na hindi lahat ng Pulis o NBI agent na kasamahan niya sa trabaho ay mabubuti. Alam niyang may ispiya sa loob at hindi niya lang alam kung sino iyon. Ngunit malakas ang kutob niyang may ispiya ng kalaban sa loob. Dahil lahat ng operation nila na may kaugnayan sa DarkSilver ay nabubulilyaso.
Ngayong Huwebes alas kuwatro nang hapon ay kasalukuyang nasa labas ng gate nang PNEX National Highschool sina Jessa at Pinky. Upang mag panggap na animoy nag aabang sila nang masasakiyan. Parehong naka suot ng yuniporme
ng estudyante ang dalawa.
At dahil maliit na babae si Jessa ay mapapag kamalan siyang Katorse anyos lamang. Lalo na't bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang mini skirt na hanggang gitna ng kaniyang hita. Kaya naman lantad na lantad ang napaka kinis at perpekto niyang mga binti.
“Bagay na bagay pala sa'yo ang mga seksing suot 88. Ngayon nag mukha kanang babae sa suot nayan…pero parang may kulang. Wait…” ani ni Pinky at hinawakan pa ang baba nito na animoy nag iisip
“Oh ano 'yan?” kunot'nuong saad ni Jessa at napa tingin sa isang bagay na hawak na ng kaibigan
“Heller, ano pangaba…syempre lipstick, haaayst kahit naka palda kana ang siga mo parin gumalaw” napapa ngiwing saad ni Pinky. Matapos nitong pahiran ng kulay pulang lipstick ang labi ni Jessa
Napa irap naman ito, tsaka napa halukipkip “esa hindi ako sanay…anong magagawa ko? Oh huwag nang maraming salita. Mag panggap na tayo” ani ni Jessa tsaka inayos ang kaniyang buhok na hindi umabot sa kaniyang balikat.
Lumipas ang ilang minutong pag hihintay ay parating na sa gawi nila ang isang kulay itim na sasakyan at malakas ang kutob ni Jessa na iyon nanga ang hinihintay nila. At hindi nga siya nag kamali dahil bigla na lamang iyon huminto sa kanilang harapan at puwersahan silang ipinasok sa Van nang Limang kalalakihan. Kunwaring nag pupumiglas sila ni Pinky at nag kunwaring takot na takot.
Kung sa best acting lamang ang pag uusapan ay paniguradong makakapasa ang kaniyang kaibigan dahil. Totoong totoo ang pag-iyak ni Pinky, luhaan ang mga Mata nito na animoy takot na takot.
“pakawalan niyo kame! Sino ba kayo?” umiiyak na sabi ni Pinky
“maawa na kayo, pakawalan niyo kami” ani naman ni Jessa at pinipilit mag drama. Parang gusto niyang mapa mura at gulpihin ng suntok ang mga lalaki pagka tapos ay batukan ang kaniyang sarili. Dahil parang nai-imagine niya ang kaniyang itsura sa lagay na iyon. Hindi siya marunong umakting, hindi niya alam kung paano paiyakin ang kaniyang sarili kaya alam niyang para siyang tangang pinipilit mapaluha
“patahimikin monga ang mga iyan! Ang iingay” ani ng isang lalaki na naka upo sa harapan. Kaya naman hindi na nagulat si Jessa nang bigla silang paamuyin ng mga lalaki. Mula sa panyong may halong pampatulog .
Samantala nag tungo naman si Jego sa bahay ng kaniyang mga magulang. Nang galing pa siya sa isla Vergara dahil sinamahan niya ang kaniyang kaibigan na si Romuel para sa negosyong Plano nilang magkakaibigan. Pagka tapos ay bumalik sila sa Haunted house upang parusahan ang babaeng may malaking kasalanan sa kapatid ni Paulo Santiban na isang Mafia Lord na si Paul Santiban. Hindi na siya sumaling mag parusa dito at hinayaan na lamang niya ang ibang mga kaibigan lalo na ang isang Paul Santiban. Tahimik lamang siyang nanunuod habang pinapahirapan ang taong may kasalanan sa mga Santiban. Nang mapagod siya sa kakapanuod sa mga ito. Ay nag paalam na siya at tamad siyang umuwi.
Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang mag tungo sa bahay ng kaniyang mga magulang, imbis na umuwi siya sa sarili niyang bahay upang duon mag pahinga at matulog ng matagal. Subalit namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na naruon na pala siya sa mansion ng kaniyang mga magulang.
Napaka tahimik at wala man lang siyang nakikitang tao, kahit mga kasambahay ay hindi rin niya nakikita. ganun rin ang mga armadong tauhan ng kaniyang ama sa bahay na iyon.
Napa kuno't-nuo siya, at tanging yabag lamang ng kaniyang suot na sapatos ang tanging naririnig niya. iginala niya ang kaniyang tingin sa loob ng mansion na iyon. Subalit wala talaga siyang nakikitang tao. Napa tingin siya sa kaniyang pambisig na orasan at nakitang alas nuwebe na pala ng gabi. Kaya naman nawala ang kunot nang kaniyang nuo ng maisip niyang gabing-gabi na pala at marahil ay nag papahinga na ang kanilang mga tauhan sa mansion na iyon. Ganun rin ang kaniyang mga magulang
Sa mansion ng mga magulang ay may elevator ito. At dahil tinatamad na siyang umakyat sa napaka taas na hagdan ng bahay na iyon ay ginamit na lamang niya ang private elevator ng kaniyang ina. Oo sa kaniyang ina iyon, dahil bawal itong mapagod kaya hind ito gumagamit ng hagdan.
Nasa third floor pa ang kuwarto niya at dahil sa labis na pagka pagod ay hindi niya napansin na second floor pala ang napindot niya. Kaya nang mag bukas ang elevator ay deretso na siyang lumabas doon. Napa kunot nuo na naman siya dahil naka bukas ang Pinto. Maliit lamang ang siwang ng Pinto na iyon…nag tataka siya kung bakit naka bukas ang Pinto at hindi naka lock…gayung lagi iyon naka sirado dahil minsan lamang siyang umuwi sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Tahimik ang bawat hakbang niya at ingat na ingat siyang huwag maka gawa ng ingay. Hinawakan niya ang siradura ng pinto at mahina iyon itinulak upang lakihan konte ang siwang niyon.
At ganuon na lamang ang pagka gulat niya at nanlaki ang kaniyang mga Mata dahil sa nakikita ng dalawang mata niya. At duon niya lamang napansin na hindi pala niya kuwarto ang kaniyang napuntahan kundi kuwarto iyon ni Moisa. Ang babaeng inaanak ng kaniyang ama at itinuring naring anak ng kaniyang ina...
Sa pangalawang palapag ng mansion na iyon ay may tatlong kuwarto ang naruruon. Ang unang malapit sa Elevator ay ang kuwarto ni Moisa. Ang kasunod naman ay ang dalawang guest room
Sa pangatlong palapag ng mansion ay may tatlo ring kuwarto. Ang kaniyang silid ang malapit sa Elevator, ang kasunod naman niyon ay ang silid ng kaniyang kapatid na si Jerick at sa pinaka dulo ay ang kuwarto ng kaniyang mga magulang
Sa unang palapag ay naruon ang malaki at malawak na dalawang sala, kitchen, dining area, gallery room, library room, office room, at lima pang silid para sa mga kasambahay
“Je–Jego anak” nahihirapan at mahinang sambit ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa kaniyang likuran ang nag salita.
Mas lalong nanlaki ang mga Mata ni Jego nang makita niya kung sino ang babaeng nasa likuran niya. Hilam sa luha ang malungkot na mga mata nito. Kitang-kita niya ang sobrang sakit na dinadala niyon, habang dumadaloy sa pisngi nito ang malakas na pagluha nito
Umiling ang babae at napa higpit ang pag hawak nito sa kaniyang braso. Na animoy pinipigilan siya nito sa ma-aaring gawin niya para sa dalawang taong gumagawa ng kahayupan sa loob ng kuwartong iyon..
Marahil ay natatakot ito na baka kung ano ang ma-aari magawa. Lalo na ng makita nitong nag tatagis ang kaniyang bagang at naka kuyom ang kaniyang mga kamao.
Gustong-gusto niyang patayin ang mga tao sa loob ng kuwarto na iyon at paulanan ng suntok at sipa ang kaniyang ama dahil sa kababuyang ginagawa nito at sa loob pa ng pamamahay na iyon.
“please” mahinang saad ng luhaang babae. Na animoy nag mamakaawa. Kaya naman napa pikit ng mata si Jego pagka tapos ay humugot siya ng malalim na pag hinga.
“Ma–Mommy” mahinnag saad niya, pagka tapos niyang maikalma ang kaniyang sarili tsaka niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ina. Kaya naman mas lalong naramdaman niya ang sobrang sakit na dinadala nito. Dahil pigil na pigil nito ang himpit nitong pag-iyak. Ngunit yumuyugyog naman ang balikat nito dahil sa tahimik nitong pag-iyak.
//Continue