CHAPTER 8

1239 Words
“huwag mo akong sinisigawan Ms, baka nakaka limutan mong bihag kana dito” saad ng lalaking Doctor tsaka ngumisi ito ng mapang insulto kay Jessa “B*stard!” mahina ngunit madiing saad ni Jessa, sapat lang upang marinig ng lalaki. Kaya naman na wala ang ngisi nito pagka tapos ay malakas nitong sinampal ang kanang pisngi ng babae. Napa baling naman sa Kabila ang mukha ni Jessa at nalasahan niya ang sariling dugo, mula sa labi niyang pumutok. Dulot nang malakas na pag kakasampal sa kaniya. Pinahid ng hinlalaking daliri niya ang duguang labi pagka tapos ay tumingin siya ng malamig sa lalaking doctor. Muli na naman nitong pinaningkitan ng mata si Jessa, pagka tapos ay yumuko ito upang pantayan ang babaeng naka upo sa gilid ng kama. “I like that, gusto ko ang tipo mong lumalaban. Mukhang matapang ka— Hindi na naituloy nang lalaki ang iba panitong sasabihin at ang akmang pag hawak nito sa pisngi ng babae. dahil bigla itong dinuraan ni Jessa sa mukha. “ Don't touch me B*stard! Subukan mopang idapo ulit iyang kamay mo sa mukha ko, sisiguraduhin kong isa-isa Kong tatanggalin iyang mga daliri mo. At pag hihiwalayin korin iyang mga braso mong punyeta ka!” nang gi-gigil na sabi ni Jessa, habang matalim parin ang tinging ipinukol niya sa lalaking kaharap. Bigla naman itong tumawa ng malakas. Na animoy may nakaka tawa sa kaniyang mga sinabi. “Hahahaha huwaw! I'm scared huhuhu takot na takot ako” ani ng lalaki habang nasa bandang dibdib nito ang mga at naka ngiwi ang mukha nito. Pagka tapos ay muli na naman itong natawa ng malakas. “Hahahaha ako pa ang tinatakot mo, eh hindi monga kayang kumawala dito” naka ngising sabi ng lalaki. 'Iyun ang inaakala mo' ani naman ng isipan ni Jessa. tsaka dumaan ang mala demonyong maliit na ngisi nito sa kanang dulo ng labi nito. Nawala lamang ang mala demonyong ngisi na iyon. Nang makitang nilabas nang lalaking doctor ang isang injection na nag lalaman ng kulay asul na likido sa loob niyon. “ano iyan! Punyeta! Ano iyan!?” madiing at malakas na sabi ni Jessa. “ito? We'll sabihin nalang nating papatulugin ka nito sa loob ng benty kuwatro oras. Para Malaya Kong magagawa lahat ng gusto kong gawin sayo” ani ng lalaki tsaka dahan-dahan itong lumalapit kay Jessa. “ I'm warning you … huwag mong itutuloy kung ayaw mong masira ang buhay mo sa isang iglap!” pag babanta ulit ni Jessa. Pagkatapos ay lihim niyang tinatanggal ang posas sa kamay niya. Muli na naman tumawa ang lalaki. Habang dahan-dahan parin ito sa pag lapit. At nang akmang ituturok na nito ang hawak na injection sa kaliwang braso ni Jessa ay hindi iyon na tuloy dahil biglang tumilapon ang lalaki sa pader. Kaya naman napa baling ng tingin si Jessa sa taong gumawa nuon sa lalaki “Pinky!” sambit ni Jessa nang makita niyang si Pinky pala ang sumipa sa lalaki, kaya ito tumilapon “88 mabuti nalang umabot ako ,kundi baka napa tulog kana ng kumag nayan” ani ni Pinky tsaka dali daling tinanggal ang posas sa kamay ni Jessa. “paano ka naka takas?” mahinang saad ni Jessa “we'll expert tayu sa pag tanggal ng posas. Nagka taon lang na walang naka bantay saakin duon sa kabilang kuwarto” tugon nito. “okey, mabuti nga't dumating ka kaagad. Sige iturok mo diyan sa g*go nayan. Ang gusto niyang iturok saakin” ani ni Jessa sa kaibigan na kaagad namang ginawa nito. Nang matapos ay nag senyasan ang dalawa upang lumabas na at hanapin ang iba pang babaeng bihag. Samantala naalarma naman ang mga tauhan na naka bantay. Dahil nakita sa Cctv monitoring ang dalawang babaeng naka takas. Kaya naman umingay ang malakas na Alarm sa loob ng hospital na iyon. Dahilan upang mag labasan ang iba pang mga armadong bantay. “nag alert na ako ng back-up, kailangan hindi pa ma twenty minutes ay mailabas na natin lahat ng mga bihag. Dahil sasabog ang hospital na ito.” ani ni Jessa matapos nitong pindutin ang Hi-tech na relo. Kung saan puwede siyang tumawag sa mga kasama “Sige ako na ang bahala sa mga bihag. Ikaw na ang bahala sa mga bantay, kaga mona siguro ang mga iyan” ani ni Pinky tsaka kumindat ito at inilabas ang dalawang mini secret weapon mula sa hita nito. Tumugon naman ng tango si Jessa at kinuha rin ang dalawang maliit na baril niya mula sa kaniyang singit at kaliwang hita niya na naka tago lamang ruon. Magka hiwalay ng dereksyon ang tinungo ng dalawa. Sa kanan si Jessa habang sa kaliwang dulo naman si Pinky. Naka tutok lamang sa harapan ang dalawang baril na hawak ni Jessa. habang magkaka sunod na putok ng baril ang kaniyang pinapakawalan. Dahil magkaka sunod rin na kalaban ang sumasalubong sa kaniya. Lahat ng balang pinapakawalan niya ay sapul iyon sa dibdib o nuo ng kalaban. Mabilis ang bawat kilos ni Jessa, kung minsan ay naka dapa siya o kaya'y naka luhod. Upang iwasan ang mga balang pinapakawalan ng mga kalaban sa kaniya. Halos hindi na mabilang ni Jessa kung ilang armadong lalaki na ang kaniyang naitumba. Hanggang sa maubusan na siya ng bala, kaya naman tumalon siya na animoy FPJ ang kaniyang ginawa. Malakas siyang napa dapa pagka tapos ay gumulong siya ng limang beses, habang iniiwasan niya ang mga balang pinapakawalan sa kaniya ng kalaban. “ mga T*nga!” aniya nang maka lapit siya sa dalawang lalaking may hawak na baril, na kaninang nag papaputok sa kaniya. Subalit hindi man lang siya matamaan ng mga ito. Mabilis niyang inundayan ng sipa paikot habang siya ay naka luhod, gamit ang kanang paa niya ay napa tumba niya ang mga armadong lalaki. Pagka tapos ay mabilis siyang tumayo. Upang kunin ang isang mahabang baril ng lalaking naka higa. Magkakasunod iyon pinag babaril ni Jessa. Dahilan upang mamatay ang dalawang lalaki. Samantala sa kabilang dako naman ay nag tungo ng dining area si Jego upang maka sabay sa pagkain. Tahimik siyang naupo sa tabi ng kuya Jerick niya. Ganun rin ang kaniyang ina ay naging tahimik rin nang makita siya nito. Kapansin pansin ang pagiging malamig ng kaniyang awra, kaya naman napansin iyon ng kaniyang ama “Jego, hindi ko alam na nandito ka pala…hindi ata maganda ang gising mo” ani ng kaniyang ama. Pagka tapos nitong humigop ng mainit na kape Para namang walang narinig si Jego tsaka tahimik lamang siyang kumuha ng pagkain. Naririndi siya sa boses ng kaniyang ama. At ang labis na kinabubwisit ng kalooban niya ay naruon rin sa lamesang iyon at kasama nila sa pagkain ang babaeng labis na nag papakulo ng kaniyang dugo. Napaka dumi at sama ng tingin ni Jego para sa babaeng katabi ng kaniyang ina. Kung titignan ay para itong mahinhin na dalaga na hindi maka basag pinggan. Nag pipigil lamang siya, dahil kung siya lamang ang masusunod sa bahay na iyon ay malamang ay kanina paniya kinaladkad palabas ang haliparot na babae. Sumang-ayon na lamang siya sa pakiusap ng kaniyang ina. Kahit sa kaniyang sarili ay gustong gusto na niyang pumatay sa oras na iyon. Subalit labis na nakiusap ang kaniyang ina, upang hindi umano masira ang pamilyang iyon. Ngunit sisiguraduhin niyang tatanggalin niya si Moisa at tanging siya lamang ang makaka alam kung paano at ano ang gagawin niya sa babae. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD