MALAKAS NA NAPA SIGAW ang lalaki habang isa-isang tinatanggal ang mga daliri nito. Apat na dali ng natanggal dito, kaya naman umihiyaw ito sa sakit.
Naka upo ito sa yaring bakal na upuan, bugbog sarado ang mukha nito, habang ang mga kamay nito ay nasa harapan at naka tali ang pulsuhan nito. Kumakalat narin sa sementadong sahig ang tumutulong dugo ng lalaki mula sa mga daliring tinanggal dito.
“Anong sabi ko sa'yo, isa-isa kong tatanggalin ang mga daliri mo, kapag hinawakan mo ang mukha ko…pero hindi ka nakinig, now tanggapin at lasapin mo ang higanti at parusa ko saiyo” madiing saad ni Jessa habang madilim parin ang awra nito.
Siya lamang ang nag paparusa sa lalaki, habang nanunuod lamang ang tatlong lalaking tauhan ng Mafia Lord na si Paul Santiban. Kasama ng mga ito si Devin, wala ruon ang may-ari ng white house maging ang ibang mga kaibigan, dahil abala rin ang mga ito.
“t*ngina mo!” malakas na sigaw ng lalaki matapos ipitin ni Jessa ng plies ang duguang kamay ng lalaki
“Now tell me, sino ang pinuno ng organization niyo?” ani ni Jessa tsaka inalis ang bagay na naka ipit sa kamay ng lalaki.
“wala akong sasabihin—ahhh!” ani ng lalaki at muli na naman itong napa sigaw. Dahil muli na naman tinanggal ni Jessa ang isa pang daliri ng lalaki.
“wala kang sasabihin…Sigurado ka? Kahit paubos nayang mga daliri mo, lima nalang ang natitira baka gusto mong ubusin kona iyan lahat—
“No…no no no please, no please mag sasalita na ako…huwag mulang ubusin ang mga daliri ko.” nahihintakutang saad ng lalaki
“ayun…kakanta Karin pala, ganiyan ang gusto ko.. Isang tanong lang nag sasalita na” naka ngising saad ni Jessa
“sige kumanta ka” ani ni Marco sa lalaki
Naguluhan naman ang lalaki kaya napa kunot nuo ito, pagka tapos ay napa lunok at walang salitang ginawa nito ang sinabi ni Marco.
Kumanta nga ang lalaki “gusto ko ng bumitaw, kahit ayaw Pa ng puso—
“G*go, hindi ko sinabing kumanta ka” ani ni Jessa tsaka narinig ang mahinang pagtawa ng tatlong lalaki sa kaniyang likuran.
“ikaw kasi Marco, bakit mo sinabing kumanta…ayan tuloy kumanta nga” pigil ang pag tawang saad ni Rayan
“Mukhang Broken hearted Pa, niloko ata ng jowa niya” ani naman ni Jayson. Kaya naman siniko ito ni Rayan
“baka naman pinag palit sa malapit” mahinang saad ni Rayan. Kaya naman hindi na napigilan ni Jayson ang mapa tawa ng malakas.
“mag sitigil nga kayo!” saway ni Jessa sa tatlong pasaway na lalaki na nasa likod niya
“oh ikaw, kumanta kana—este mag salita kana” baling ni Jessa sa lalaking naka upo
“hindi ako marunong kumanta—
“kaya nga, ang pangit ng boses mo…kaya huwag kanang kakanta ulit baka tuluyan kanang mawalan ng buhay” ani ng lalaking kakapasok lamang sa bodegang iyon.
“Stepen, why are you here?” saad ni Jessa ng mapag sino niya ang pumasok
“narinig Kong may ingay dito, kaya pinuntahan ko'to hmm hinahanap korin si Tygi” tugon ng binatilyong panganay na anak nina Vanessa at Sebastian
“nasa gate four, kasama ng kakambal mo nag eensayo, umalis kana dito.. Hindi mo dapat nakikita ang mga 'to” ani ni Jessa sa inaanak
“tsss, okey” ani ng binatilyo at tumalikod na ito
“hindi ka kakanta ng broken song g*go, aaminin mo kung sino ang nag papalakad ng Hospital na pinag tatrabahuan mo” ani ni Jessa
“kapag ba mag sasalita ako, papakawalan niyo na ako?” nahihirapang saad ng lalaki
“dipende sa isasagot mo” tugon ni Jessa
“Si Moisa, si Moisa Alvares, ang inaanak ng mga Sandoval” ani ng lalaki na ikina laki ng mata ni Jessa at ikina gulat rin ng tatlong lalaki. Nagka tinginan ang mga ito.
“sigurado kaba d'yan?” naniniguradong sabi ni Jessa sa lalaki.
“Oo, siya lang ang nakikita ko kaya siya lang ang alam Kong nag papalakad ng Organization ng hospital na iyon” tugon ng lalaki.
“good” ani ni Jessa tsaka tumalikod at nag lakad. Nasa tapat na siya ng Pinto nang lingunin niya ang tatlong Mafia
“alam niyo na ang gagawin d'yan” saad niya at nilisan na ang budega. Kung saan naka lagay ang mga karneng pinapakain sa mga mababangis na hayop sa white house na iyon..
Samantala sa kabilang dako naman ay pumasok si Jego sa mansion ng kaniyang mga magulang. Alam na niya kung bakit siya pinatawag ng mga ito, subalit wala siyang pakealam at hindi siya mag dadalawang isip na gawin ulit iyon kay Moisa.
Pag pasok pa lamang niya ay ang baston ng kaniyang ama ang sumalubong sa kaniya. Pinalo siya gamit ang baston nito at tinamaan siya sa kaniyang braso.
“what the hell are you doing! Bakit mo gustong patayin si Moisa?” nang gagalaiti sa galit na sabi ni Mr Jackson.
Nasa likod ng kaniyang ama ang umiiyak na ina habang katabi naman ni Jerick si Moisa. Napa ngisi ng mala demonyo si Jego tsaka bumaling ng tingin kay Moisa
“buhay kapa pala?” mahinang saad ni Jego tsaka ngumisi
“talagang g*go ka!” ani ni Mr Jackson tsaka mabilis na sinuntok ang kaliwang panga ni Jego
“Jackson Hon! Stop…oh my god!” umiiyak na sabi ni Mrs Joselyn tsaka niyakap nito ang bunsong anak
“Jackson! Huwag na huwag mong sasaktan kahit sino sa mga anak ko. Dahil magkaka matayan tayo! Pinalampas kona lahat ng kahayupan niyo dito sa loob ng pamamay ko! Pero ang saktan kahit sino sa mga anak ko ay hindi ko palalampasin.” galit na sabi ni Mrs Joselyn. Habang dumadaloy ang mga luha nito sa pisngi nito. Ngunit punong puno ng poot ang makikita sa mga Mata nito.
“what are you talking about Joselyn!? Ang anak mona iyan ang may kagagawan kung bakit muntik ng mamatay si Moisa” ani ni Mr Jackson tsaka dinuro nito si Jego
“oh c'mon, huwag kanang mag hugas kamay Daddy! Alam na namin ang ginagawa niyong kahayupan ng kabit mong iyan!” ani ni Jego at idiniin ang salitang daddy at kabit.
“what!? Anong pinag sasabi mo Jego?” kunot nuong saad ni Jerick
“iyang b*tch na iyan. Hindi lang ikaw ang nilalantare kuya. Kundi pati rin iyang magaling mong ama. Matagal na nila ginagawa ang kababuyan nila. Matagal na silang may relasyon kuya. Matagal narin niyang niloloko si Mommy” puno ng galit na sabi ni Jego. Tsaka malaki ang bawat habang nito na nilapitan ang babaeng hindi maka tingin.
Napa hiyaw ito sa sakit ng hilain ito ni Jego sa braso at kinaladkad palabas ng Mansion. Gustong umawat ni Mr Jackson. Subalit para itong ipinako sa kina tatayuan nito
Alam nitong walang makaka pigil sa bunsong anak nito kapag ito ang lubusang magalit lalo na ngayon ay alam na rin ni Jerick ang tungkol sa kanila ni Moisa. Hindi alam ni Mr Jackson kung paano ang dapat niyang gawin. Gayung hindi rin siya maka tingin sa kaniyang asawa.
“Jackson! Help me, help help please!” umiiyak na sabi ni Moisa. Subalit parang wala paring naririnig si Mr Jackson dahil hindi parin nito maihakbang ang mga paa nito.
“subukan mong tulungan ang babae mo! Hindi kana makaka pasok ulit sa pamamahay kong ito!” galit na sabi ni Mrs Joselyn. Tsaka tumalikod na at nag tungo sa elevator ng mansion na kaagad naman itong inalalayan ng panganay na anak. hinayaan na lamang ang bunsong anak nito sa gusto nitong gawin para kay Moisa
Malapit sa gate ng mansion ng bitawan ni Jego ang babae. Malakas nitong itinulak ang babae dahilan upang mapa upo ito sa sahig.
“ayaw kona ulit makita ang pag mumukha mo! Kung gusto mupang mabuhay, mag pakalayo kana. Dahil sa susunod na makita pa kita ulit ay hindi na kita bubuhayin!” nag titiim bagang saad ni Jego habang puno ng galit na naka tingin sa babaeng umiiyak.
//continue