CHAPTER 11

1002 Words
MULA SA WHITE HOUSE ay nag tungo naman si Jessa sa headquarters upang tignan ang mga buhay na nahuli nilang mga suspect, maging ang mga biktima ay kinumusta rin niya. “Pinky, may umamin naba sa kanila?” ani ni Jessa at tumingin sa mga suspect na lalaking naka upo. umiling nalang ang kaibigan tsaka nag lakad patungo sa lamesa nito “Wala, walang gustong umamin.” tugon nito. “huwag monang pilitin. ikulong na ang mga iyan Kumanta nayung isa” saad niya at binuksan ang laptop sa kaniyang lamesa. “oh nasa'n nayun? At ano…sino raw ang master nila?” ani ng kaibigan at mabilis na lumapit sa kaniyang lamesa “Moisa, Moisa Alvarez” saad ni Jessa tsaka tinayp sa computer ang pangalan ng babaeng tinukoy nito “what? You mean ang nag papatakbo ng Jackson company si Ms Moisa Alvarez, tell me if I'm wrong” saad ni Pinky habang nanlalaki ang Mata nito Tumango na lamang si Jessa at inumpisahan basahin ang tungkol sa babaeng nasa computer. “gumawa kanang warrant of arrest, hindi puwedeng maka labas ito ng bansa. Paniguradong naka rating na sa babaeng 'to ang nangyare sa organization nito” saad ni Jessa na agad namang ginawa ni Pinky. Pagka tapos mahalungkat ng detalye tungkol sa babae ay naisipan na niyang pumunta sa mansion ng mga Sandoval. Alam niyang duon niya makikita ang babae. Dahil madalas niyang makita ruon ang babae satwing pinapasama siya ni Jego at kung minsan ay tinatawagan siya ni Mrs Joselyn Sandoval upang maka bonding siya sa pag bake ng cookies o kaya'y iniimbitahan siya nito satwing may Family Lunch ng mga ito. Masyado siyang malapit sa ginang at isa iyon sa dahilan kung bakit nag kakaroon ng dahilan si Jego para lumapit sa kaniya. Minsan ay ginagamit ni Jego ang Mommy nito upang maka punta siya sa mansion ng mga ito. At hindi naman siya nakaka tanggi dito, dahil sobrang napa mahal sa kaniya ang ginang. Hindi rin nag tagal ay naka rating narin sila ni Pinky sa mansion na pag mamay-ari ng mga magulang ni Jego. Nag doorbell muna sila ng tatlong beses tsaka saglit na nag hintay. Hindi rin nag tagal ay pinag buksan rin sila ng gwardya ng mansion. “Mam Jessa, kayo po pala iyan” ani ng gwardya ng mapag sino siya nito “Opo Manong Tiny, nand'yan ba ang mga amo mo?” “Opo Mam, tuloy ho kayo” tugon ng lalaki “salamat po” halos magkasabay na sabi nila ni Pinky. Pinag buksan sila nito ng gate, upang maka pasok ang motorbike nila sa malawak na bakuran ng Sandoval mansion. Samantala sa loob naman ng mansion ay nag uusap ang mag-amang Jego at Jackson. Kinompronta ni Jego ang kaniyang ama tungkol sa babae nitong si Moisa. Subalit piling pili lamang ang mga sinasabi nito na kahit kalooban niya ay ayaw maniwala sa pinag sasabi ng ama. “Plano niyobang mag sama ng matagal ng babae mo o hinihintay molang na mawala ang mommy. Tapos siya ang ipapalit mo.” walang emosyong saad ni Jego. “mahal ko ang Mom— “stop that b*llshit Dad. Kung mahal mo si Mom hindi moyan magagawa. Matagal monan siyang niloloko. At kung hindi dahil sa pakiusap ni Mommy ay baka kinalimutan Kong ama kita. Ang taas ng tingin ko sa iyon Dad. Hinahangaan kita dahil akala ko ikaw na ang pinaka matinong tao na nakilala ko. Pero p*tangina! Nakaka hiya ka, sobrang nakaka hiya— Hindi na naituloy ni Jego ang kaniyang sasabihin ng sampalin siya ni Mr Jackson “wala kang modo! Ama mo parin ako, baka nakaka limutan mo, ako ang bumuo sa'yo— “tssss, nag pakasarap kalang g*go, hindi ikaw ang nag luwal saakin.. Kaya huwag moyan isumbat saakin” pabalang na sagot ni Jego. Parang ibang Tao na ang tingin niya sa kaniyang ama. Sobrang sama ng tingin niya dito at nakaka limutan naniyang Dugo't-laman parin siya nito. Akmang mag sasalita na sana si Mr Jackson, subalit hindi na nito naituloy dahil naagaw ang kanilang atensyun ng bumukas ang Pinto sa frondoor Habang si Jego naman ay napa kunot nuo, dahil nagtataka siya kung bakit napa ruon si Jessa kasama ang partner nitong si Pinky. Sa pagkaka alam niya ay pumupunta lamang si Jessa ruon satwing pinapatawag ito ng kaniyang ina. “Duwende…anong..hmm tinawagan kaba ni Mommy?” nag tatakang saad ni Jego tsaka napa baling ang tingin niya kay Pinky na parang naka kita ng Anghel dahil naka tulala lamang ito sa kaniya. Hindi na siya nanibago sa kasama ni Jessa, dahil nasanay na siyang ganuon ang nagiging reaksyon nito satwing nakaka harap siya nito. “Good afternoon Mr Jackson” ani ni Jessa tsaka tinanguan ang ama ni Jego upang mag bigay galang dito. Pagka tapos ay binalingan nito ang binata at inabot ang puting sobre na nag lalaman ng warrant para kay Moisa. “nandito kami para huliin si Moisa Alvarez, sa tambak na kasong naka patong sa kaniya. Nandyan sa papel nayan ang mga tambak na kasong naka pataw sa ulo niya. Kaya Mr Jackson, kung alam niyong nasaan si Ms Moisa ay hinihingi namin ang cooperation niyo” seryosong saad ni Jessa ng balingan nito ang matandang Sandoval “wala na siya dito, pinalayas kona” ani ni Jego matapos niyang mabasa ang papel. “what?! Why Nasaan siya?” saad ni Jessa at kunot nuong binalingan si Jego “don't worry mahahanap rin siya at tutulong ako” tiim bagang saad ni Jego. Hindi niya sukat akalain na ganun pala kademonyo si Moisa. Ang akala niya ay kabit at gold digger lamang ito sa kanilang pamilya. Hindi niya alam na may Malala Pa pala itong Gawain. Habang si Mr Jackson naman ay lihim na kinabahan at natakot. 'Hindi …hindi pwede, hindi nila puwedeng mahuli si Moisa. Tuluyan akong masisira sa pamilya ko at hindi rin ako puwedeng makulong. Mag kakamatayan na, hindi ako puwedeng makulong' ani ng kalooban ni Mr Jackson //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD